13

1216 Words
AKIRA'S POV "Sigurado ka bang hindi ka magpapa-party Akira? It's your debut," nakangiting sabi sa akin ni Inaki. Simula pagkagising ko ay kanina pa ako kinukulit ni Inaki. Tinanggihan ko kasi ang gusto ng mga magulang ko na magpa-party dito sa bahay para sa kaarawan ko. Hindi ko rin naman kasi mae-enjoy iyon sapagkat wala naman akong kaibigan dito. Hindi rin naman makakapunta sina Nathalie dito dahil may pasok pa sila. Kaya wala ring saysay kung maghahanda ako para sa kaarawan ko. "No. Kuntento na ako na nandito sina Mommy at Daddy. Minsan ko na lang silang makasama at ayokong mabawasan pa ang oras ko na kasama sila dahil lang sa isang party na alam ko namang hindi ako mag-eenjoy," sagot ko naman kay Inaki. Isang ngiti ang ibinigay sa akin ni Inaki. "Nakapa-humble mo Akira," sincere na sabi naman niya sa akin. Ako naman ang napangiti. "I don't think so. Masyado lang akong kulang sa pansin ng mga magulang ko kaya ako ganito." Birthday ko pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-drama. Kapag kasi naaalala ko na bihira ko lang makasama ang mga magulang ko, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng tampo. Miss na miss ko na ang mga magulang ko at kulang ang isang araw para mapunan ang lahat ng araw na hindi ko sila kasama. “Teka, huwag ka nang malungkot,” pag-alo naman sa akin ni Inaki. Napangiti naman ako. Sa ilang araw pa lang na kasama ko si Inaki ay naging magaan na ang loob ko sa kaniya. Masaya ako na nandito siya sapagkat may nakakausap ako at nababawasan ang pagkainip ko. “Heto pala, regalo ko sa ‘yo,” dugtong na sabi pa ni Inaki habang iniaabot sa akin ang isang paperbag. Nagniningning ang mga matang tinanggap ko iyon. Bibihira akong makatanggap ng regalo galing sa ibang tao kaya ganoon na lamang ang galak na nararamdaman ko. “Pasensya ka na ha. Nasa iyo na kasi ang lahat kaya ang hirap mag-isip ng ireregalo,” nahihiyang sabi pa ni Inaki sa akin. “Ano ka ba! Sobrang thank you dito sa regalo mo. Sobrang na-aappreciate ko,” nakangiting sabi ko naman sa kaniya. Binuksan ko na ang regalong ibinigay niya at bahagya akong natigilan nang makita kung ano iyon. Isa iyong snowglobe na ang nasa loob ay isang palasyo at isang fox or wolf. Napatitig ako sa fox na nakatayo sa harap ng palasyo at hindi ko napigilan ang mapatitig sa mata nito. “H-hindi mo ba nagustuhan?” alanganing tanong naman sa akin ni Inaki. Doon ako parang natauhan at napatingin kay Inaki. Nakangiti siya sa akin ngunit bahagyang mababakas sa mukha niya na kinakabahan siya. “Nagustuhan syempre. Ang ganda nito. Thank you Inaki,” nakangiting sabi ko naman. Tumayo ako at ipinatong ang snowglobe sa may bedside table ko. Sinulyapan ko pa ito ng isa pa bago ako bumaling ulit kay Inaki. Napangiti naman siya sa akin nang magtagpo ang mga tingin namin. “O siya, maligo ka na at magbihis dahil may lakad kayo ng Mommy at Daddy mo ‘di ba?” nakangiting sabi pa ni Inaki. Napatango naman ako. Nakahanda na kanina pa ang isusuot ko at ang kailangan ko na lang ay maligo. Lumabas na si Inaki sa kwarto habang ako naman ay dumeretso na sa CR para maligo. Binilisan ko na lang ang pagligo at agad na nagbihis. Baka kanina pa ako hinihintay nina Mommy at Daddy. “Akira, anak.” Bigla akong kinabahan ng makita ko ang mga magulang ko sa sofa. Parehong hindi maipinta ang mga mukha nila. At sa pagkakataong ito ay parang alam ko na ang masamang balita na ibibigay nila sa akin. “May problema po ba?” walang emosyon kong tanong sa kanila. “Makinig ka anak, n-nagkaroon kasi ng problema ang business natin sa Macau. At kailangang makapunta kami agad doon,” seryosong sagot naman sa akin ni Daddy. I knew it. At sa pagkakataong ito ay hindi ko alam kung anong ire-react ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Excited na excited ako sa araw na ito dahil makakasama ko ang mga magulang ko ngunit hindi na pala iyon matutuloy. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. “Hindi na po ba maippagpabukas iyan? Birthday ko po,” punong puno ng hinanakit na sabi ko na lang. Maluha-luhang lumapit sa akin si Mommy at mahigpit akong niyakap. “I’m sorry anak. Maiintindihan mo naman kami hindi ba?” Mapakla akong napangiti. Lagi na lang ganoon. Ako ang iintindi sa kanila. Ako ang mag-aadjust. Ako ang maiiwan. “Okay lang po. Naiintindihan ko po,” pagsisinungaling ko sa kanila. Gusto ko na lamang na matapos ang usapang ito dahil gusto kong magkulong na lamang sa kwarto ko. Iisipin ko na lang na isang ordinaryong araw ito. At katulad ng dati, sasarilinin ko na lang ang lahat. “Babawi kami sa ‘yo Akira, promise ‘yan,” sabi naman sa akin ni Daddy. Tumango na lang ako at ngumiti. Hindi ko na kayang magsalita pa sapagkat pakiramdam ko ay maiiyak na lang ako. Ayokong makita ng mga magulang ko ang tunay kong nararamdaman sapagkat wala rin naman silang pakialam. Katulad ng inaasahan, umalis na ang mga magulang ko. Nagmamadali pa nga silang umalis at nakalimutan pa nila ang maleta nila. Hindi na nila kaya pang balikan iyon kaya umalis na lang sila na walang dalang gamit. Wala na ulit ibang tao dito sa bahay dahil wala si Miro, may pasok siya at mamayang gabi pa ang uwi niya. Si Inaki naman ay umalis din dahil may aasikasuhin daw siya. Ang tanging naiwan na lang dito na kasama ko ay si Shin at ang ilang bodyguards ko. Nagpakawala ako ng buntong hininga at napagpasyahan na lang na umakyat sa kwarto ko. Tutal naman ay wala na rin akong gagawin pa kaya magkukulong na lang ulit ako sa kwarto ko. Magbabasa na lang ako ng mga libro kong ilang beses ko na ring nabasa. “Ms. Akira, saan ka pupunta?” Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko si Shin na nagtanong sa akin. Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa kaniya. “Sa kwarto. May kailangan ka ba?” walang emosyon kong tanong. “Yes, meron,” narinig ko namang sagot sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang mapalingon kay Shin. Nakatingin siya sa akin ng seryoso habang nakapamulsa pa. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Nagpakawala pa ako ng buntong hininga bago magsalita. “Ano iyon?” “Sumama ka sa akin,” seryosong sabi naman niya. “Saan?” nagtatakang tanong ko naman. “Basta sumama ka na lang. Part ito ng pagsasanay mo,” seryosong sagot naman niya. Mapakla akong napatawa. “Birthday ko pero kailangan ko pa ring mag-training? Sabagay, wala naman nang saysay ang araw na ito,” dismayadong sabi ko naman. “Then let’s go.” Tumalikod sa akin si Shin at nauna na siyang naglakad palabas. Napailing na lang ako. Minsan talaga ay gusto kong isipin na walang puso si Shin. Ni hindi man lang niya ako binati ng “Happy Birthday” tapos hindi pa niya ako pinalagpas sa training niya. Hindi niya yata nararamdaman ang pagkalungkot ko ngayong araw or siguro, wala lang din talaga siyang pakialam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD