14

651 Words
AKIRA'S POV Nang makarating kami ni Shin sa may garahe ng bahay ay bahagya akong natigilan lalo na nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. "Get in," seryosong sabi niya. "Sigurado ka ba dito? I am not allowed to go outside without the permission of my parents," deretsong sabi ko naman. Hindi ako basta-basta nakakalabas ng bahay dahil nga sa sobrang paghihigpit ng mga magulang ko. Halos dalawang beses pa nga lang na nakalabas kami ni Miro para mag-date at may kasama pa akong bodyguards noon. Ngunit ngayon ay hindi ko nakikita ang mga bantay ko. Tanging kami lang ni Shin ang nandito ngayon. "You don't need to worry. Just trust me Ms. Akira," seryosong sagot naman sa akin ni Shin. At sa hindi malamang dahilan ay napasunod na lamang ako sa kaniya. Tahimik akong sumakay ng sasakyan at hindi na ako nagreklamo pa. Mas mabuti na rin siguro na makaalis muna ako ng bahay upang pansamantalang makalimot sa mga nangyari. Sumakay na rin si Shin at walang imik na pinaandar ang sasakyan. Hindi ko mapigilan ang kabahan dahil kaming dalawa lang ang magkasama ngayon. Ni hindi ko nga alam kung naipagpaalam ba niya ako sa mga magulang ko. Hindi na rin ako sanay na hindi kasama ang mga bodyguards ko kaya hindi ako ganoon kakomportable na kaming dalawa lang ang magkasama. Habang bumabyahe kami ay tanging katahimikan lang ang namamayani sa loob ng sasakyan. Hindi ko kasi alam kung ano bang dapat sabihin kay Shin o dapat ko ba siyang kausapin. At kung part man ito ng training, saan naman niya ako dadalhin? At ang mas nakakapagtaka, bakit wala man lang kaming kasama kahit isang bodyguard lang? "Your thoughts were too loud, Ms. Akira." Napatingin ako kay Shin nang bigla siyang magsalita. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nababasa ba niya ang mga iniisip ko? "I mean, masyadong halata sa mukha mo na nagtataka ka kung saan kita dadalhin," dugtong na sabi pa niya. Marahan naman akong napatango. Tutal naman ay nag-open na siya ng conversation, magandang pagkakataon na rin siguro upang i-voice out ko ang mga nasa isipan ko. "Nababahala lang ako kung alam ba nina Mommy na lalabas tayo, tapos wala pang kasamang bodyguard," seryosong sagot ko naman. "Don't worry. Wala naman akong balak na itakas ka," imbes ay sabi naman niya. Mas lalo namang kumunot ang noo ko. "Ang weird lang na hahayaan ako ni Mommy na lumabas na ikaw lang ang kasama ko. Sa sobrang pagka-istrikto niya sa akin, hindi iyon mapapalagay na isa o dalawa lang ang kasama ko pag lalabas ako," deretsong sabi ko naman. Bahagya namang napangiti si Shin na siyang ikinabilis ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay nadala ako sa mga ngiti niya at nakita na lang ang sariling nakangiti rin. Mabuti na lamang na naka-focus siya sa pagmamaneho kaya hindi niya napansin ang pagngiti ko. "Trainor mo ako sa physical defense kaya normal lang naman siguro na pagkatiwalaan nila ako. Huwag kang mag-alala Ms. Akira. Hindi kita papabayaan at poprotektahan kita sa lahat ng oras," seryosong sabi pa niya. Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil daig ko pa ang nalunok ang dila. Hindi ko alam kung anong dapat na i-react sa sinabi niya. Ganoon din naman ang sinabi sa akin ng mga bodyguards ko ngunit hindi naman ganito ang nararamdaman ko. Bakit pakiramdam ko ay ang lakas ng epekto sa akin ng mga sinabi ni Shin. Ilang saglit pa ay huminto na sa pagmamaneho si Shin. Tumingin ako sa labas at mas lalong nagtaka na nasa tapat kami ng isang mall. "Mall? Akala ko pa part ng training ang pupuntahan natin?" hindi ko napigilang itanong kay Shin. "Yes. Part ng training mo rin ang pag-unwind, pag-empty ng isipan mo. At ito ang way para bahagya kang ma-relax at malayo sa mga gumugulo sa isipan mo," nakangiting sabi naman niya sa akin. Well, I'm speechless, literally.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD