15

916 Words
AKIRA'S POV "So saan mo muna gustong kumain?" tanong sa akin ni Shin nang makapasok kami sa mall. Hindi ko naman napigilan ang mapangiti. "Teka, libre mo ba ito? Wala akong dalang kahit na ano dahil akala ko ay magte-training lang tayo," sabi ko pa. "Hindi naman ako mag-aaya kung hindi ko sagot. It's your birthday so you deserve a treat," nakangiting sagot naman niya sa akin. Napatango naman ako. Agad ko siyang hinila sa isang restaurant na nakita ko agad pagkapasok namin dito sa mall. Kanina pa rin kasi ako nagugutom at mabuti na lamang na may mga cold salad dito sa restaurant na ito. Marami rin silang mga fresh fruit shakes. "Vegetarian ka rin pala?" hindi ko napigilang itanong kay Shin nang dumating na ang in-order naming pagkain. Napansin ko kasi na puro gulay lang din ang pagkain niya. Hindi ko kasi siya nakakasabay sa pagkain sa bahay at ngayon ko lang siya makakasamang kumain. "Yes. Bakit? Ikaw din?" balik tanong naman niya sa akin. Marahan akong napatango. "Actually, lahat nang nakatira sa bahay ay vegetarian." Lahat ng katulong at bodyguards ay puro gulay lang din ang kinakain. Maski si Inaki ay ganoon din dahil nakasabay ko na rin siyang kumain noon. Hindi naman sa ayaw ko pero medyo nawiwirduhan lang ako. Napakalaking coincidence naman na lahat kami ay hindi kumakain ng karne. And take note, pati ang mga magulang ko ay vegetarian din. Hindi ko alam kung requirements ba nina Mommy ang pagiging vegetarian sa mga nag-aapply sa kanila. "Really? Well I think that's great. Hindi na magkaka-ilangan pa sa choice of food ang bawat isa," sabi naman niya. May punto rin naman si Shin. Mas okay nga talaga na lahat ng kasama ko ay vegetarian. Hindi ako nakakakita ng kahit na anong karne sa bahay kaya hindi mabigat sa loob ko ang tumambay sa kusina. "Let's eat," dugtong na sabi pa ni Shin sa akin. Tumango na lang ako at nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang si Shin kaya hindi rin ako nagsasalita. Masyado siyang focus sa pagkain niya kaya hindi na niya siguro napapansin na pinagtitinginan kami ng mga tao. Hindi naman ako mapakali sapagkat hindi na ako sanay sa ganito. Hindi ko alam kung bakit sila nakatingin sa amin. At hindi ako komportable sa mga tingin nila. Ilang saglit pa ay natapos na kaming kumain. Habang nakikipag-usap si Shin sa waiter ay tiningnan ko muna ang cellphone ko. Isang text ang na-receive ko galing kay Miro. Hi Babe. I'm sure nag-eenjoy ka with your family. Babawi na lang ako sa 'yo mamayang gabi pagkauwi ko. I love you Babe and Happy Birthday. Mapakla akong napangiti. Hindi pa alam ni Miro na hindi natuloy ang lakad namin nina Mommy kaya hindi niya alam na si Shin ang kasama ko. Hindi naman siguro siya magseselos. Maiintindihan naman niya siguro na tanging si Shin lang ang nakapaglaan ng oras para sa akin sa araw ng birthday ko. Mamaya ko na lang din ikukwento sa kaniya lahat pagkauwi niya. "Okay na. Tara na?" pagputol ni Shin sa mga iniisip ko. Agad kong itinago ang cellphone sa bag ko at saka bahagyang ngumiti kay Shin. "Pwede bang umuwi na tayo?" alanganin kong tanong sa kaniya. Parang nagulat naman siya dahil bahagya siyang natigilan. Ngunit kalaunan ay bahagya siyang ngumiti. "Pwede ko bang malaman kung bakit?" "Well, sabi mo kailangan kong i-empty pansamantala ang isipan ko. And may naisip akong mas madaling paraan," sagot ko naman. "Ang alin? Magkukulong ka sa kwarto?" nagdududang tanong naman niya sa akin. "No. Ako naman ang pagkatiwalaan mo dito. Tara." Kinuha ko ang kamay ni Shin at hinila siya palabas ng restaurant. Dali-dali ko siyang dinala sa isang liquor store na ikinagulat naman niya. "Ms. Akira," alanganing tawag pa niya sa akin. "18 na ako Mr. Kanji Shin. Pwede na akong uminom," nakangiting sabi ko naman sa kaniya. Kumuha ako ng basket at tiningnan isa isa ang mga naka-display na iba't ibang uri ng alak. Wala akong masyadong alam sa mga ganito kaya ang pinaka-popular sa akin ang kinuha ko, beer. Marami akong kinuha dahil gusto ko lang na magpakalasing ngayon. "Ako na ang magdadala Ms. Akira," sabi naman sa akin ni Shin at saka kinuha sa akin ang basket na hawak ko. Sa dami kasi ng kinuha ko ay mabigat na pala iyon. "Utang ko muna sa 'yo ito ha. Babayaran na lang kita kapag dumating ang allowance ko," nakangiting sabi ko sa kaniya nang matapos niyang bayaran ang mga beer na kinuha ko. "Hindi naman ako naniningil. Ang sa akin lang, hindi pa rin appropriate na inumin mo ang mga ito lalo na at walang permiso galing sa mga magulang mo," seryosong sabi naman niya sa akin. "Ngayon lang ito Shin. Ngayon lang," seryosong sabi ko naman sa kaniya. Hindi na nagsalita pa si Shin. Kapwa kami walang imik na bumalik sa kotse at agad na nagmaneho pabalik sa bahay. As usual ay wala pa rin akong nadatnan na tao sa bahay maliban sa mga katulong at bodyguards. Kinuha ko ang ilang pirasong beer kay Shin at sa may garden ko na napagdesisyunang tumambay. Hindi ko alam kung susunod ba sa akin si Shin o hindi. Hindi naman niya kasi obligasyon na samahan ako sa araw na ito. Hindi niya obligasyon na iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Lulunurin ko na lang siguro ang sarili ko sa alak. Ang sabi kasi nila ay nakakalimot ng problema ang paglalasing. Kaya susubukan ko iyon kung totoo ngang makakalimot ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD