Chapter 17

822 Words

Sumapit ang araw ng pag-alis ni Kathleen papuntang kumbento. Ayaw na sana niyang makita pa si Jakob para hindi na sila mahirapan pareho. Pero hindi niya kayang umalis nang hindi sila nagkakaayos. Gusto niyang isalba kahit ang pagkakaibigan man lang nila. Gusto ni Kathleen na umasang nakatulong ang pakikipag-usap dito ng kanilang mga magulang para maliwanagan ang pag-iisip ni Jakob. "P-puwede ba tayong mag-usap kahit sa huling... sandali?" Bahagya na lamang lumabas sa bibig niya ang mga katagang 'yon. Parang unti-unting pinapatay si Kathleen ng mga salitang 'yon. Kailan lang ay nangangako sila na forever na magsasama. Pero ngayon... heto sila at nagpapaalam sa isa't isa. Nang-uuyam itong tumawa. "Palagi mong sinasabi sa'kin na mahal mo ako. Pero umpisa pa lang at hanggang ngayon ay hin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD