"Akiro's POV" Isang linggo na ang nakakalipas magmula nang makita ko si Allison. Isang linggo na rin ang nakakalipas magmula nang gabing iyon. Nandito kami ngayon sa paaralan. Hindi na rin kasi siya pumapasok. Pero muling nagpaulit ulit sakin ang salitang hindi ko sigurado kung talaga bang sinabi niya. 'Please, wait for me.' Talaga bang sinabi niya yun? Kaya ba wala siya dito? Kahit yung mga nerds, isang linggo na ring hindi pumapasok. "Hindi ka ba niya kinontact?." - tanong ko kay Lisa at nagbabakasakaling magustuhan ko ang isasagot niya pero tanging iling lang ang naging sagot niya dahilan para manlumo ako ng tuluyan. Hinihingal na lumapit samin ang isa sa mga kaklase namin. Agad siyang pumunta sa gitna. "Guys, narinig niyo na ba ang balita?." - tanong nito. Walang sumagot kaya

