"Third Person's POV." Sa isang Magna Bar ay mayroong isang babae ang kanina pa pinagtitinginan ng mga kalalakihan. Napansin nila na marami rami na ang naiinom nito at hinihintay na lang nila na bumigay ang katawan nito. Sa kabilang banda ay mayroong isang grupo ang nanonood din sa isang babae. Naghihintay lamang sila ng hudyat sa dapat nilang gagawin. "Queen, can do it. Hindi isang dosenang alak ang makakapagpatumba sa kanya." - saad ng isa sa kanyang kasamahan. "Of course. Si Queen pa ba? Nandito lang tayo para tignan ang gagawin niya sa mga taong maglalapastangan sa kanya at para maging back up kung sakaling may mangyaring hindi maganda." - sagot nito sa kanya at sabay sabay nilang pinanood ang paglapit ng mga kalalakihan sa babaeng kanina pa nila binabantayan at pinagmamasdan. "Hi

