"Akiro's POV" "Bakit parang ang lamya ninyo yata ngayon?." - tanong ko kina Axel at agad naman silang nagtinginang tatlo nina Lisa. Okay na sila. Bati na din sila. Yun nga lang, hindi pa rin sila makakasama samin dahil ayaw ng reyna ko. "Dapat matuwa kayo kasi dalawang araw na lang kaarawan na ng reyna ko." - dagdag ko pa at mas lalong napakunot ang noo nila. "Sino ba ang tinutukoy mo?." - Axel. "May iba pa ba akong reyna?." - kunot noong tanong ko. "Ah! Si Bridget ba?." Tsk! Problema ng mga to? "Ewan ko sa inyo." - agad ko silang nilayasan at hinarap ang babaeng paparating pa lang. "Hi baby." - bati ni Bridget at agad akong niyakap. I don't know why. Pero parang may iba sa pakiramdam ko. Kasama ko naman siya, pero parang may kulang. Nasa rooftop na kami ng HA ngayon. Kaming d

