"Third Person's POV" ******* FLASHBACK ******* (Kwinikwento ni Viana/Bridget/Queen kina Axel ang totoong dahilan kung bakit buhay pa rin si Louis Jan Kylester. Ito yung time nung sumugod siya sa transaksyon ni Louis Jan Kylester.) Nasa isang VIP room sila sa building ng mga Kylester. Patay na ang dalawang kasamahan ni LJK at siya na lang ang tanging natitira. Akmang tutuluyan na niya ito nang bigla itong magsalita dahilan para matigilan siya. "It would be better if you will just kill me. Mas mabuti pang patayin mo na lang ako kesa maging alila ng iyong tiyahin." - anito na nagpagulo lalo sa kanya. Hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy si LJK sa pagpapaliwanag. "Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na ang tiyahin mo ang nangunguna sa Adherist Tribe Ganzation. Matagal na naming gus

