Seven

1813 Words
Sagot ko na hindi man lang siya nililingon. *** *** *** *BANG* *BANG* *BANG* Muli ko pang inasinta ang isang standee na siyang tagasilbing kaaway namin. Magkakasunod na putok ang pinakawalan ko sa magkakasunod na standee na biglang lilitaw sa harap ko. Ito ang isang bagay na gusto ko sa shooting range e, nachachallenge ka talaga. Sunod naman ay ang katana ko. Agad kong kinuha ang katana at inihanda ang sarili. "One on one tayo." I said while smirking. Bigla naman siyang napalunok. Haha. Kailan pa naging matatakutin to? "Sweetheart naman. Alam mong ayokong saktan ka." Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Para namang hahayaan kong masaktan mo ako." "So, handa kang saktan ako?." Nakangusong anas niya. "Sweetheart, tandaan mo. Nasa mafia world tayo. Darating ang araw, kailangan nating kalimutan pansamantala ang kalayaan at saya para sa ating kaligtasan. Wag mong sabihing magdadrama ka rin kapag nasa totoong laban na tayo?." Pinagkunotan ko siya ng noo. "Fine. Talaga bang hinahamon mo ako Vria?." He said while smirking. 'Vria.' Napangiti ako. That's my mafia code name. "Then, let the fight begin. Rafias." At nagsimula na nga kami. Nagpalitan lang kami ng atake. *KLANK* *TINGSHHH* *TRANNNNK" *KLANG* "Masyadong boring. Ba't di natin lagyan ng thrill?." I said while smirking at napasmirk na lang din siya. Alam na niya ang ibig kong sabihin. Kaya agad kong kinuha ang dagger ko at inatake siya gamit nito. Binabato ko din siya ng shurikens pero agad din niya iyong naiiwasan. Now, I'm getting pissed. "Wooahh. Sweetheart kalma. Ako lang to. Ang bebe loves mo." Pero hindi ko siya pinansin. Patuloy ko pa rin siyang inaatake. This time binuhos ko na lahat ng lakas ko. Sugod ako ng sugod habang atras naman siya ng atras. "Sweethear-----Woahhh." Usal niya nang bigla na lang siyang matamaan ng katana ko. "Sweetheart naman." Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang, matamaan ko siya. *BOOOGSH* *TUGGGSHH* *BOOOSGHH* *KLANK* Yan lang ang tanging maririnig habang nagpapalitan kami ng atake. "Aaahh." Daing niya ng matamaan ko siya sa mukha. Napangisi na lang tuloy ako at bigla siyang sumeryoso. "Yan pala yung gusto mo, edi sige." . . "Mind if I join you?." . Akma na kami ulit magpapalitan ng atake nang biglang may magsalita at halos maupos ako sa kinatatayuan ko nang makita ang napakalamig niyang aura. Maging si Rafael ay mukhang nakaramdam din ng takot. "A-alisson." 'Sh!t! Why am I even stuttering?.' Nitong mga nakaraang araw, parang hindi si Allison ang nasa katauhan niya. Para siyang naging demonyo. Naalala ko na naman tuloy ang nangyari nung nakaraang linggo. Galit na galit siya nun, at halos mapatay na niya yung babaeng lumalandi kay Akiro. ******* FLASHBACK ******* Nandito kami ngayon sa canteen. Kaming lima syempre ang magkakasama. Sweet na sweet ang dalawang lovebirds. Nagsusubuan pa nga e, samantalang si Axel, ayun bumubulong bulong. Bitter e. Kami naman ni sweetheart, eto nagsusubuan din. Hehe. "Baby, comfort room lang ah." Dinig kong paalam ni Akiro kay Allison. Tumango naman ang kaibigan ko. Hinalikan pa niya sa cheeks si Allison. Ang sweet! "Sweetheart, ako din. Comfort room lang." "Sige sweetheart." Akmang aalis na siya nang pigilan ko. "Ako ba sweetheart, walang kiss?." "Yun lang pala e." Akmang hahalikan niya ako sa lips pero gumalaw ako kaya sa cheeks niya ako nahalikan. Haha. Kala mo ah. "Sweetheart naman e."(Pout.) "Shoo... Shoo..." Pagtataboy ko at nakabusangot naman siyang lumabas kasama si Akiro. "Ikaw? Hindi ka ba pupuntang comfort room?." Tanong ni Allison kay Axel na ikinailing lang niya. "Single ako e." Sagot niya. "Anong connect?." Sabay naming tanong ni Allison. "Wala." Sagot na lang niya. Napailing na lang kaming dalawa. Maya maya pa..... "Ganun ba mag cr ang dalawang yun? Maglilimang minuto na ah?." Tanong ni Allison pero nagkibit balikat lang si Axel. "Saan ka pupunta?." Tanong ko nang bigla siyang mapatayo. "Gotta do some errands." Walang emosyon niyang sagot at biglang lumabas. Sh!t! Her voice are damn so cold. "Tara sundan natin. Masama ang kutob ko dito." - Axel. Kaya ayun nga. Sinundan namin siya. Nakita ko ang madilim niyang aura at napatingin sa direksyon na tinitignan niya. At doon, nakita ko ang babaeng grabe kung makahawak sa kamay ni Akiro. Panay ang pag iwas ni Akiro pero panay din ang pangungulit ng babae sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali, Athena ang pangalan ng babaeng to. "The nerve of that girl to come close to my King. Now, she'll face hell." Malamig na saad ni Allison na nagpatayo sa lahat ng balahibo ko. Maging si Axel ay natakot din. "She's damn creepy." - Axel. Pero hindi ko na lang siya pinansin. Sa halip, agad kong sinundan si Allison bago pa siya makagawa ng hindi maganda kay Athena. "You, helly damn girl." Agad hinablot ni Allison ang kamay ni Athena kaya nakawala si Akiro sa kanya. "You witch." - Athena. 'Oh oh. Wrong move, Athena.' Akma na niyang sasampalin si Allison pero agad nitong nahawakan ang kamay niya. "Are you trying to steal my King away from me?." Malamig pa sa yelong tanong niya at agad tinitigan ng matiim si Athena sa mata. Nakaramdam naman agad ng kaba si Athena. "W-who are you?." Utal na tanong niya. 'Anong ibig niyang sabihin? Parang may ibang ibig sabihin kasi ang pagkakatanong niya.' "You want me to introduce myself to you?." Allison said while smirking. Sh!t! She's really creepy. Parang hindi ang Allison na matalik kong kaibigan ang nasa harap namin ngayon. Agad siyang may ibinulong kay Athena na mas lalong nagpakaba sa kanya. "Y-you're the----Ahhhh." "Yes. The One and Only." Hindi na nakalaban pa si Athena nang bigla na lang siya nitong patamaan sa sikmura. "Sh!t!" - Akiro. "Awatin niyo." - Audience. "Allison, tama na yan." Sabay na sigaw nina Axel at Rafael. Inaawat naman nila nang biglang... "Don't.... You... Dare.... Stop... Me." Malamig pa sa yelong saad ni Allison na biglang nagpatigil sa kanilang tatlo. Maging ako at ang mga nanonood ay natigilan din. Walang kasing lamig ang boses niya. Ngayon hindi ko na alam. Kilala pa ba kita o nakilala na nga ba talaga kita Allis? Muli niyang ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa at naaawa na ako ngayon sa mukha ni Athena. Ang dating maputi at makinis niyang kutis ay biglang napalitan ng pula. Napupuno na siya ngayon ng dugo. Bugbog sarado na at wala man lang nagtitiyagang umawat sa kanya. "Sh!t! Awatin niyo na please." "Tumawag na kayo ng tulong." "A-thenaaa..." Ilan lamang yan sa mga maririnig mo maliban sa... *BOOOGSH* *TUUGGGH* *BOOOGSHH* Bago tuluyang tumigil si Allison ay may ibinulong pa siya pero hindi na namin narinig. "Try to tell them what you have discovered, then I'll make sure you'll be meeting hell. A place where Queen like me, live and exist." May pinuntirya siya sa batok ni Athena at nawalan ito ng malay. Dahil na rin siguro sa panghihina ay nawalan rin ng malay si Allison at doon lang tuluyang nakahinga ang lahat. Agad nilang binitbit papunta sa ambulansya si Athena, samantalang si Akiro naman ang umasikaso kay Allison. "She's really something." - Axel. "And she creeps the hell out of me." - Rafael. Wala akong nagawa kundi ang sumang ayon na lang din dahil totoo naman. Dati wala akong kinatatakutan e. Gangster ako diba? Pero ngayon, iba na. Kapag may magtanong kung ano ang pinakakinatatakutan ko? Qualified sigurong sabihin ang pangalan ni Allison. ******* END OF FLASHBACK ******* "Ano? Tutunganga na lang kayo diyan?." Bigla kaming naalarma nang biglang maglabas ng isang maliit na baril si Allison. Agad niyang pinuntirya ang mga stundee na hindi man lang namin naramdaman. Tanging sunod sunod na putok lang niya ang ingay na maririnig mo sa Shooting Range. *BANG* *BANG* *BANG* Bawat putok ay tumba agad ang bawat stundee. "For the part two, kayong dalawa laban sakin." Nakangising saad niya na ikinakunot ng noo namin ni Rafael. "Sigurado ka?." Sabay pa kami ni sweetheart pero tanging ngisi lang ang isinagot niya. Kung saan niya nakuha ang espadang hawak niya ngayon ay hindi namin alam. At nagulat na lang kami nang bigla niyang ipiring ang sarili niya. "A-allis, sigurado ka ba talaga?." Nanginginig kong tanong at napansin ko naman ang pagngisi niya. "Why are you scared Lisa? Gangster ka diba?" "P-paan----." "No secret can be kept on me, dear." Ngisi niya na ikinatayo ng mga balahibo ko. 'Dear.' 'Sh!t' Hindi ko man lang namalayan na kumilos na pala siya. "Wala pa namang simula ah." - Rafael. Nagulat ako nang nakahiga na agad siya. Sh!t! Parang hindi ko pa nga naramdaman na kumilos na siya e. "In real war, hindi na kailangan pang hintayin kung sino ang unang susugod. Practice pa lang to at yun palang ang nagagawa ko, bumagsak ka na agad, ganyan ka na ba kahina Rafias?." "Sh!t! Ho----." (Smirks.) "I told you, no secret can be kept on me." Agad niya akong hinarap. "Tatayo ka na lang ba diyan, Vria?." (Smirks.) Ano pa bang aasahan ko? Malamang alam niya din yan pero wala man lang kami kaalam alam sa kanya. *** *** *** *BOOGSHH* *TUUGSHH* *KLANKKKK* Nagpalitan lang din kami ng atake. Kami laban kay Allis. Napapagitnaan namin siya ni Rafael. Nagsensyasan kami ni Rafael. Iwinawasiwas ni Rafael ang katana niya. Distraksyon lang yan para mapalayo si Allison sa kanya at mapalapit sa akin. Ang plano, kapag napunta siya sakin ay susugurin ko siya gamit ang katana at dahil wala naman kaming balak na sugatan siya, oras na matrap siya sa mga kamay ko ay yun na ang hudyat na natalo namin siya. Pero ang lahat nang iyon ay hindi nangyari. "Ahhh." Daing ko nang matamaan niya ako ng maliit na kutsilyo. Daplis lang naman iyon pero bakit parang hindi ako makagalaw? "Meet Charm. She's not deadly but still creepy." (Smirks.) "This knife has a specialization. This can make you paralized and how long? Well, it depends kung gaano kalalim at kung sa anong paraan ito naitarak sa katawan mo." Paliwanag pa niya. 'Kaya pala.' Pinaikot ikot pa niya ito sa mga palad niya. Agad kong nalingunan si Rafael. Katulad ko, hindi na rin siya makagalaw. Paano siya nakakilos ng ganun kabilis nang hindi man lang namin nararamdaman? 'Sh!t! Sino ka ba talaga?.' Mukhang nabasa naman niya ang iniisip ko. "I know you're all wondering what's really my true identity. Don't worry, tomorrow you'll all find it out." At kasing bilis ng kidlat ang kanyang pagkawala. 'Sh!t! My butt hurts.' "She's really creeping me out. Do you really know your friend, sweetheart?." - Rafael habang minamasahe pa ang kanyang likod. Umiling na lang ako, tanda na hindi ko alam. Natalo niya kaming dalawa ni Rafael and take note, may takip pa ang kanyang mata niyan ah. Ang bilis din niyang mawala. Para talaga siyang kidlat. Dumating ang dalawa. Si Axel at Akiro. Si Rafael na ang nagkwento at tulad namin, hindi rin sila makapaniwala sa kanilang mga narinig. Lalong lalo na si Akiro. 'Hay. Sana masagot na lahat nang katanungan namin bukas.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD