"Third Person's POV."
Ngayon ay magkakasama na ang apat na sina Lisa, Akiro, Rafael at Axel. Tanging si Allison na lang ang hinihintay nila. Maya maya ay may biglang tumigil na isang motor sa harapan nila.
"Buti naman at dumating ka na." - anas ni Lisa sa bagong dating.
Tanging 'tss' lang ang itinugon nito.
"Talaga bang magpapakilala ka na?." - Akiro.
"Ayaw mo ba?." (Smirk.)
"Gusto niyo akong makilala diba? Pwes, sumakay na kayo."
"Diyan? Sa motor mo?." - Axel.
Tumango lang si Allison.
"Paano naman kami kakasya diyan? Bes naman. Hindi ko alam na nakaisip ka pa talaga ng paraan para mapatawa kami." Sarkastikong saad ni Lisa.
"Kung ako lang siguro baka kasya pa, pero baby naman. Lima tayo e." - Akiro.
Tawa lang ang isinagot niya sa lahat ng komento nila.
"Fine. Sisimulan ko na ang pagpapakilala ko dito mismo. Pero dahil tamad akong magpakilala, hahayaan ko na lang ang alaga ko ang magpakilala para sakin." - paliwanag niya.
Naguluhan naman agad ang apat sa sinambit niya.
"Nerd ba talaga to? Parang hindi e." - bulong ni Axel.
"Bestfriend ko ba talaga to?." - bulong naman ni Lisa.
"Grabe. Iba talaga feeling ko sa nerd na to. She's really something." - bulong ni Rafael.
"I bet she's not just a simple girl, especially a nerd." - yan naman ang bulong ni Akiro.
Pero lahat nang bulong nila ay malinaw na narinig ni Allison na nagpatawa sa kanya.
"Haha. Your reaction are all priceless. Damn it. Pinapatawa niyo naman ako e."
Tawa niya ngunit agad ding nagseryoso.
"Meet Miracle, one of my best and favorite successors."
Magsasalita pa sana sila pero nagulat sila nang biglang magsalita ang motor na si Miracle.
"Hi everyone. I'm Miracle, Queen's servant and successor."
'Queen? Successor?.'
Yan ang nasa isip nilang apat.
"How are you Lisandra, Rafael, Axelis and Akiro?." - tanong ni Miracle at taka namang napalingon ang tatlo kay Allison.
Nagkibit balikat lang si Allison.
"Now you're all confused. Well, Miracle is not just a motor. She's one of a hell special. She's one part of the advance technology."
May pinindot si Allison na isang button sa likod na bahagi ng motor na si Miracle.
Namangha sila nang biglang maging isang porsche car ang kaninang motor lang.
"Meet Ephesus. Like Miracle, his also one of my successor." - Allison.
"Wow." - Lisa.
"Astig." - Rafael.
"Grabe. Bilib na talaga ako sa'yo Allison." - Axel.
"Small thing, Skater." (Smirk.)
"Paano mo nalama--."
Agad naman siyang pinutol ni Allison.
"I just know." - walang ganang sagot nito.
"Who really are you?." - Akiro.
"You'll find it out later Dhamus, baby." (Smirk.)
Sandali namang natigilan si Akiro.
'Bakit alam niya ang lahat nang yan?.'
Sa isip isip ni Akiro pero mukhang nabasa naman agad ito ni Allison.
"Sumakay na kayo. Dun sa pupuntahan natin, dun masasagot lahat nang tanong niyo."
Nag aalanganan man ay sumakay na rin sila.
.
.
.
.
.
MEANWHILE......
.
.
.
.
.
"WAAAAAAAHHHHHHH. AYOKOOOOOOOOOOOOOO NAAAAAAAAAAAAAA!."
"BESSSYYYYYYYYYYY. STOPPPPPP ITTTTTTTTTTTT NAAAAAAAAAA!."
"TAMAAAAAAAAA NAAAAAAAAAAA. TAMAAAAAAAAAAAAAAA NAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!."
"SH!TTTTTTTTTT! FCKN' SH!TTTTTTTTTT!."
"HAHAHAHAHAHA. YOU HAVE ALL AN EPIC REACTIONS. HAHAHA."
.
.
.
Nang matigil ay nag unahan sila sa pagbaba at doon nagsususuka.
*** *** ***
"Allison's POV."
Patungo na kami ngayon sa isang HQ na madalas ay tinutuluyan ko. Alam kong hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin sila. Wala pa man akong sinasabi ay nakikinita ko na ang magiging epic na mga reaksyon nila kaya ngayon pa lang ay naeexcite na ako. Smirk!
*** *** ***
"Lisa's POV."
Nakita ko nang mapangisi si Allison. Grabe ang creepy nga niya.
Tinatahak na namin ngayon ang isang gubat. Gabi na pala. Hindi man lang namin namalayan. Preoccupied e. Hanggang ngayon nga ay nahihilo pa rin ako.
Promise! Hindi na talaga ulit ako sasakay pag si Allison ang magmamaneho.
Masyadong tago at liblib ang lugar na ito. Natatakpan na din ng mga dumi at malalaking halaman ang kabuuan ng lugar. May pinindot si Allison na wari ko'y isang button sa isang gilid at doon tumambad sa amin ang isang pinto.
"Wow." Manghang usal ko nang tumambad sa amin ang isang magandang garden. Hindi ko akalain na meron pa lang magandang garden na ito dito sa gubat. Masyado nga kasing tago. Baka nga walang may magtangkang tumungtong dito, masyado kasing creepy ang madadaanan mo.
Akala ko yun na yung hideout niya pero hindi pa pala.
Meron siyang pinindot na isang button sa likod mismo ng isang kulay pula na bulaklak. Rose. Kinabahan pa ako nang biglang gumalaw ang mismong inaapakan namin. Bigla kami nitong ibinaba at doon tuluyang tumambad sa amin ang hideout ni Allison.