001 Chapter
➪001
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are the products of the author's imagination, used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This story may contain matured scenes and profanities. Read at your own risk.
•:•.•:•.•:•:•:•:•:•:•:•☾☼☽•:•.•:•.•:•:•:•:•:•:•:•
MEERAH BRIELLA GUEVARRA
“Akala ko ikaw ay akennnn! Totoo sa akeng panengeeen. Ngunit ng ekaw ay yakapen, naglalaho sa de lem…. Ninaes kong mapa—” Malakas kong kinurot sa baywang si Yevin, ang bestfriend kong half.
Half lalaki, half haliparot.
Naririndi talaga ako sa pauli-ulit niya na pagkanta. Mali-mali na ng pronunciation, wala pa sa tono! Grrrr!
“Ouchyyy naman, bhe! Mapanakit! Ang haba ng kuko mo kaya, kung makakurot ka naman tagos hanggang liver ko!” Matinding irap ang ginawa ni Yevin sa akin.
“Ang pangit ng boses mo!” Singhal ko sa kanya. Don’t worry, ganyan lang talaga kami magmahalan, mapanakit ng damdamin.
“Ay wow, te! Hiyang-hiya naman ako sa ‘yo. Kapag ikaw kumakanta, okay lang.” Nakanguso niyang sabi.
“Ganun talaga! Pag maganda ang kumanta, ang tawag do’n, sexy voice pero kapag —”
“Kapag pangit, plemahin! Ganun ba ang gusto mo sabihin, Meerah Briella? Kahit bestfriend kita, ibabalibag talaga kita here.” Mataray na sabi ni Yevin.
“Ikaw nagsabi ng pangit ha? Hahaha! Fine, fine! Sorry na bhe! Hindi ko naman sinabi na pangit ka eh, yung boses mo lang medyo. Kiss na lang kita, wag ka na tampo! Hahaha!” Ngumuso ako sa kanya na parang hahalikan siya.
“Iwww! I don’t want to taste your saliva. Kadirdir!” Nakangiwi niyang sabi habang nakapilantik ang mga daliri. Daig ko pa ipis kung pandirihan niya.
Wala akong tigil katatawa sa naging reaksyon niya, nakayapos pa ako sa braso niya habang naglalakad kami sa hallway. Papunta kami ngayon sa mga pasyente namin para mag-rounds.
Yevin Locsin is my gay best friend pero hindi siya lantad. Lalaking-lalaki siya tignan sa pang labas na anyo pero kapag naging close mo na siya, malalaman mo na hindi pala kayo talo.
Naging kaibigan ko siya simula ng mag-aral ako ng Doctor of Medicine. Isa siyang nurse dito sa hospital kung saan ako ngayon nag-residency training bilang isang Obstetrics and Gynecology or OB-Gyne. Unang taon ko pa lang ngayon, mabuti na lang at narito din siya MB Medical Center nagtatrabaho dahil may kakilala na agad ako, hindi ako masyadong maiilang.
Tatlong buwan pa lang simula nang pumasok ako dito sa MB Medical Center. Dito ko talaga pangarap mag-training at sana ay ma-absorb din kaya kailangan ko talaga galingan ng husto. Isa ito sa pinakamalaki at kilalang-kilala na hospital sa buong Pilipinas. Laking tuwa ko ng ang school mismo namin ang nagbigay ng recommendation dito sa akin kaya mabilis akong nakapasok. Hindi kasi basta-basta ang makapasok dito kapag hindi recommended.
“Ay, bhe! Bali-balita ngayon ang pagdating ng big boss nitong hospital kaya daw pala nagpatawag ng meeting mamaya sa lahat ng staff. Magbibigay daw ng instructions sa lahat dahil napakasungit daw no’n, bawal ang palpak kumilos, mabubulyawan talaga.” Pabulong na chika ng kumare ko habang nakaakbay pa sa akin. Ito rin ang dahilan kung bakit kami napagkakamalan na mag-jowa. Naku, kung alam lang nila!
“Pupusta ako, nasa 40 years old na ‘yon at walang asawa kaya napakasungit.” Natatawang biro ko. Mahinang hinampas naman ako ni Yevin para sawayin.
“Hoy bibig mo! Baka may makarinig sayo, makarating pa sa big boss. Naku, Meerah ayaw ko madamay ha!” Malanding bulong niya.
Matapos namin mag-check sa mga pasyente na bagong panganak, pumunta na kami sa meeting room. Bukas ng umaga na pala ang darating ang big boss at lahat kami ay sasalubungin siya sa entrance bilang pag-welcome dahil ilang taon din daw itong hindi umuwi sa Pilipinas.
Nagkibit-balikat lang ako dahil hindi naman kinakabahan, hindi gaya ng iba na parang nanginginig sa takot. Ganun ba talaga ka-terror ang big boss nila? Morning shift pa naman ako, ibig sabihin maabutan ko siya.
“Bhe, pwede ba doon ulit ako sa inyo mag-overnight sa weekends? Sige na please!” Ako naman ngayon ang umirap sa kanya ng matindi. Nag-beautiful eyes pa siya sa akin at nagpapa-awa ng mukha.
“Ok, fine! Gusto mo lang landiin si Khiel eh. May asawa na yun ‘no!” Crush na crush kasi ni Yevin ang kakambal ko. Hindi alam ng mga kapatid kong lalaki na binabae si Yevin pero alam nila mama Briannah, papa Kel at ng bunso kong kapatid, si Michaella Khai kaya pinapayagan nila na mag-overnight si accla sa bahay.
“Lagi mo sinasabi na may asawa siya pero wala naman akong nakikita. Hindi mo ko maloloko. Hindi pa ako sumusuko. Hmp!” Natatawa ako sa reaksyon niya. Hanggang ngayon, ayaw niya pa rin maniwala na matagal ng kasal si Khiel. Hindi nga lang alam ng asawa niya na kasal na sila. Siraulo din itong kapatid ko eh. Na miss ko tuloy bigla si Kurtney.
KINABUKASAN, maaga pa lang nakaabang na kami sa VIP entrance. Magkatabi kami ni Yevin na panay ang bulong sa akin na sana gwapo daw ang big boss para hindi naman daw masayang ang effort niya na gumising ng maaga para lang magmukhang fresh.
Wala sa entrance ang atensyon naming dalawa dahil sa kung ano-anong kinukwento niya sa akin na puro kabulastugan lang naman. Kapag si Yevin talaga ang naging kaibigan mo, mahihirapan ka makapasok sa langit dahil puro panlalait ang lumalabas sa bibig niya pati ako nadadamay kapag napapaaway siya dahil sa tabas ng dila niya kapag inaatake siya ng kasaltikan niya.
“Tinanong ko kanina kay Sarah kung ano ang pangalan ng bagong nurse na mayabang, sabi niya Ariel daw pero pwe! Kapangalan niya ‘yong sikat na sabon pero mukha siyang mantsa.” Yumuko ako at pigil na pigil sa pagtawa sa sinabi niya. Makapasok pa kaya kami sa langit nito?
“Ang sama talaga ng ugali mo.” Natatawang sita ko kay Yevin.
“Minsan may pagka masama naman talaga ang ugali natin lalo na kung deserve nila diba? Hindi naman tayo judger, describer lang tayo.” Katwiran pa niya sa akin.
Hindi ko na namalayan na dumating na pala ang sinasabi nilang big boss. Kinurot ko si Yevin para patigilan na siya sa pagbulong sakin, para siyang demonyo na bulong ng bulong ng mga tukso. Tumigil naman siya pero naririnig ko pa ang pag hagikhik niya kaya pati ako nahahawa. Nanatili na lang akong nakayuko para hindi mapansin na natatawa ako baka isipin pa ng big boss namin na pinagtatawanan ko siya. Nakakahiya.
“Good morning, Dr. Ferrer! Welcome back! Nice seeing you again.” Narinig kong bati ng Dr. Delfin, ang head doctor namin.
“Dr. Ferrer?” Mahinang sabi ko sa aking sarili.
Hindi ko narinig na sumagot ang Dr. Ferrer na tinawag ni Dr. Delfin hanggang sa nakita ko na lang ang dalawang pares ng sapatos sa sahig kung saan ako nakatingin ngayon.
“Long time, no see, Sweet.” Kinilabutan ako sa taong bumulong sa tenga ko.
It’s him! Ang walang hiyang ex-boyfriend ko na nang iwan sakin ng walang dahilan!
Brent Ethan Ferrer, my ex-lover doctor!
Anong ginagawa niya dito?!!!
Don’t tell me siya ang may-ari ng hospital na pinagtatrabahuhan ko???
Anak ng!!!
#TwinkleStar✪