CHAPTER 11

833 Words
Ang aksidente ng lola ni Blaze. Ria helped me on expense of our friendship. Her parents sent her to Europe. Ayaw nilang makipagkaibigan pa si Ria sa akin. That's how I lose them. The two, Kim and Lily hated me for being selfish. Ria took the blame at sinabing ito ang nagmamaneho ng sasakyan. We were minors at hindi pa pwedeng magmaneho. I was crying my a*s off on that very same day. Because we crashed and I'm broken. Napapikit ako nang maalala ang aksidenteng pilit kong nilimot sa nagdaang mga taon. Umupo ako sa kama at napayuko para iwaksi ng tuluyan ang naisip na aksidente ilang taon na ang lumipas. Nangilid ang luha ko nang makita ang malaking peklat sa hita ko na ngayon ay malabo na, kung hindi pakatitigan ay hindi ito makikita. Ria had a shoulder injury while I on the other hand was rushed to operating room dahil sa malaking tusok mula sa windshield sa binti ko at ang lola ni Blaze na kasama namin noon na nakaupo sa likuran ay tumalsik sa labas ng sasakyan at naipit ang binti sa bumagsak na poste dulot ng pagbangga ng sasakyan. Paano ko haharapin ang lola ni Blaze? Mula nang nangyari 'yon ay hindi na ako nagtangkang makipagkita sa kanya. Lalo pa at tinanggihan ako ni Blaze kaya akala ko nang bumalik siya ay para sa akin na, pero mali ako, mali nanaman. "mabilis lang ang 2 years Ems babalik' yon.."naalala ko pang sabi ni Lily sa akin nang umalis si Blaze at piniling magmasteral sa ibang bansa. "halos 2 years mo na din namang iniistalk 'yon, another 2 years won't hurt."dagdag pa ni Kim. Pero hindi ako nakinig sa kanila. Dahil nang bumalik ito after 6 months nito sa ibang bansa ay nakabuo ako ng planong pigilan ito sa pamamagitan ng lola nito. But again, I made things worst. He ended up hating me. "akala ko bumalik ka para sa akin.."mahinang usal ko nang magkita kami noon. "sino ka sa akala mo para balikan ko? Hindi naman ikaw ang naiwan ko kaya bakit ikaw ang babalikan ko?" His words was like a knife. He ripped my heart with his own words. 2 years akong naghabol, at 6 months naghintay. I had enough. Napatayo ako nang makarinig ng busina sa labas kaya sumilip ako sa bintanang gawa sa kahoy. Hindi pamilyar sa akin ang sasakyan na ngayon ay papasok na sa gate. Sinundan ko ito ng tanaw hanggang sa huminto sa mismong tapat ng bahay. Heels palang ang nakita ko ay napataas na ang kilay ko. A killer heels sa bundok at lambak na lupa? Really? Mas napangiwi pa ako ng tuluyan ng bumaba ang babaeng naka baby tube at maong na palda na halos makita na ang singit sa ikli. Naka black sunglasses pa ito at may dalang maliit na designers bag. Medyo wavy ang buhok na halatang pinasadya, hanggang balikat ang haba at kulay red brown. Sa kutis at pananamit ay masasabi kong may kaya ang babaeng bumaba. Napayuko pa ako mula sa bintana ng makitang humahangos si nana at masiglang sinalubong ang babae. Who is she? Nakaramdam ako ng pait sa dila ko. This feeling is so familiar na parang karugtong na ito ng kaluluwa ko. Jealousy. Sa babae? No. Sa trato ni nana sa kanya oo. I've never been so left out ngayon lang. Kahit ng umalis noon si Blaze ay nandoon ang parents ko at ang mga pretending rich friends but now I feel so alone. Walang mommy and daddy at walang Ria. Blaze is making my life so hard tapos dagdag pa ito. I can cope with anything but not this kind of treatment. I sighed. Humiga akong muli sa kama ko at pinagmasdan ang kisame ng silid. Hindi ako lumabas ng kwarto kahit nang marinig ko na dumating na si Blaze. I'm not really welcome so why bother talking and joining them. Ang tawanan mula sa ibaba na narinig ko ang naging hudyat para pumasok sa banyo at magbabad doon. Napataas ang kilay ko dahil kahit paano ay may bathtub ang maliit na banyo. Naglakad ako papasok ng madulas ako sa basahang nasa sahig. Napaimpit ako sa sakit ng tuhod ko ng tumama iyon sa bathtub at ang pwet ko naman ay sa tiles. "aw.."daing ko. Nakangiwing tumayo ako at iika-ikang naglakad para isara ang pinto ng banyo nang magulat ako sa lalaking nakatayo doon. "Blaze!" "are you hurt?"ang mga ganyang kilos at pananalita niya ang dapat kong iwasan. Kaagad akong umiling dito para sabihing ayos lang ako pero tinuro niya ang tuhod ko kaya pati ako ay napatingin narin doon. Napasinghap ako ng makitang may sugat ang tuhod ko bukod sa pangingitim ay halatang may konting dugo siguro ay dahil sa gasgas. "nothing I can handle."sabi ko nalang. Nagsalubong ang kilay nito sa sinabi ko pero tumango na din pagtapos. "bumaba ka after mo dyan."he said in a dominating sound. Kibit ang sinagot ko dito bago sinara ang pinto ng banyo ng tuluyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD