Nagmamasid lang ako sa mga kilos ni Blaze. Hindi ako nagsalita pa o umimik man lang nang bumaba itong muli at saluhan ako sa tanghalian.
"bukas ay mag isa ka lang dito at si nana ang kasama mo."tumigil ako kumain nang magsalita na ito.
Pinunasan ko muna ang bibig ko bago ito hinarap.
"not that I care what you'll do but where are you going?"tanong ko.
Tumaas ang kilay nito at ibinaba na din ang kutsarang hawak.
"kung wala ka namang pakialam sa ano mang gagawin ko bakit tinatanong mo pa kung saan ako pupunta?"
I snorted.
"ayoko lang mabored.."sagot ko dito.
"hindi ka mabuburyo kung nandito ako?"hindi ako nakasagot dito hanggang sa tumayo na ito sa hapag.
"susunduin ko ang lola at lolo sa Airport bukas para may makasama ka kapag wala ako at nasa ginagawang clinic sa bayan."napanguso ako sa sinabi nito.
Napansin nito ang naging reaksyon ko sa sinabi nito.
I heard him let out a sigh.
"hindi nakakalakad si lola at matanda na din ang lolo at hindi na masyadong nakakarinig Prei.."
"bakit sinasabi mo sa akin 'yan?"mataray na anas ko.
"baka lang gusto mong malaman at para na din may idea ka at mapaghandaan mo."
"gyera ba ang kakaharapin ko Blaze? Hindi naman siguro noh.."sarkastikong wika ko dito.
He gave me a menacingly look.
"they are too old for your caprices kaya sinasabi ko ito, kilala kitang walang pasensya at mainipin, ang akin lang huwag mong pairalin sa dalawang matanda ang pagiging spoiled mo."
Halos mapanganga ako sa sinabi nito. Umalis ito at ni hindi man lang ako nilingong muli.
Bakit parang ako nanaman ang mali wala pa man akong ginagawa?
Napangiti ako ng mapait, oo nga pala ganito na siya sa akin kahit noon.
Noong akala niya ay hindi ako nakikinig sa tinuturo niya dahil iniisip ko ang ibang lalaki. Not knowing it was him I'm thinking about.
Ako? Mainipin? Walang pasensya? Sino ba sa amin ang ganoon? I waited for him in years pero anong napala ko? Isang sulat na nagsasabing pinilit niyang magustuhan ako ngunit hindi niya magawa kahit ano pang gawin niya. Wala siyang ideya how painful it was to me, how I pitied my circumstances, how I've lost myself. Sa pagmamahal ko sa kanya ay naiwala ko ang sarili ko, ang confidence ko at ang mga mahalaga sa akin noon ay nawala.
My title as Ms. Brain and Beauty, my good moral and conduct at ang self esteem na kasabay kong binuo habang lumalaki ako.
Binitiwan ko lahat para sa kanya. Para sa pagmamahal na ipinagdamot niya sa akin.
Nang makahiga ako sa kama ko ay tulala akong nakatingin sa ceiling.
Dahil sa inasta nito sa hapag ay nanumbalik nanaman sa akin kung gaano siya kalamig.
"I can't believe you asked your dad!"si Ria habang nasa cafeteria kami at hinihintay sila Lily.
"me too."pag amin ko.
Pinagmasdan ako nito nang marinig ang sinagot ko.
"naninibago ako sa'yo Ems, you're not usually like that you know? You're always on top, sikat at hinahabol ng lalaki walang hindi nagkakagusto sa'yo--"
"Blaze prove you wrong, he doesn't like me sinabi niya mismo in my face that I'm not his type.."malungkot na sabi ko.
"maybe because he's too old for you? I don't know pero Ems he said he doesn't like you hindi niya sinabing he can't like you right? May possibility na magkagusto siya sa'yo but.."tinitigan ko ito nang putulin nito ang sinasabi.
"but?"I dared her to continue her words.
"but don't lose yourself Ems, nagbabago ka I know it's good nagiging seryoso ka sa mga ganitong bagay at hindi ka na nakikipaglaro sa mga lalaking nagkakagusto sa'yo but don't let it change you in a way that you'll regret it."
"you're so advance Ria, sino ba ako sa tingin mo? I can handle things my way.."natatawang anas ko dito at natatanaw na ang dalawa pa naming kaibigan.
"you are right Ems maybe paranoid lang ako pero sa kinasanayan mo, you are well loved, hindi ka na expose sa mga rejections kaya nag aalala ako.."kinurot ko ang pisngi nito nang sabihin nito 'yon.
"you're like a sister to me Ria, I thank you for that but I'm a big girl now, we both are, kaya hayaan mo ako kung sakaling makita mo na hindi ko na kaya I will ask for your help.."ani ko.
"you can always count on me.."Ria said in a calming voice.
Hindi ko naman inakala na hahantong sa puntong mababaliw na ako bago pa ako makahingi sa kanya ng tulong.