Kinaumagahan ay tumuloy na kami sa byahe. Nag order lang ng food sa isang fastfood chain for breakfast.
"by lunch ay nandoon na tayo.."pagbibigay alam nito.
Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko itong isipin na wala ako sa mood na kausapin siya. Totoo naman na ayoko siyang kausapin at totoo din na tinatamad akong mag isip ng mga bagay na pwede naming pag usapan.
Mahigit apat na oras pa ang lumipas sa byahe namin ng makita ko ang signboard ng bayan. Ang maayos at simentadong daan ay naging lubaklubak pagkalipas ng thirty minutes pagkalagpas sa b****a ng bayan na pinasok namin.
Puro palayan at puno ang nakikita ko sa paligid, palagay ko ay malayong malayo ako sa City.
Nilingon ko si Blaze, seryoso itong nakatingin sa daan kaya hindi nito napansin ang paglingon ko dito.
If he's trying his best to be rich at abutin ang mga pangarap na maging angat sa buhay ay bakit dito sa halos tagong lugar ang bahay nito?
Lumiko ang sasakyan sa isang mas makitid na daan at sampung minuto pa ang lumipas nang pumasok kami sa isang itim na gate. Hindi kalakihan ang gate pero malawak ang loob nang makapasok kami.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang hindi kalakihang bukirin at mga halaman.
"welcome to my humble home wife."he said in a not so nice tone bago bumaba ng sasakyan at kuhanin ang mga gamit namin.
Inarapan ko lang 'to at bumaba na ng sasakyan. Napatingala ako sa dalawang palapag na bahay na gawa sa capiz at kahoy.
"not your kind of house? Get inside."pahabol pa nito bago pumasok sa loob.
Sinalubong kami ng isang may katabaang babae.
"nakapagluto na ako kanina pa medyo nahuli 'ata ang dating mo mula sa sinabi mo sa aking oras."sabi pa nito kay Blaze habang nakasunod dito at hindi' ata ako napansin.
"medyo traffic lang nana, iaakyat ko na muna ito."paalam ni Blaze dito.
"sige, magpatulong ka kay Isko kung madami 'yan--"
"kaya ko na nana I don't want my wife see me as an incompetent person."hindi nakaligtas sa akin ang gulat na bumakas sa mukha ng matanda.
"asawa ba ika mo? Ang dalagang ire? Akala ko ay bata pa ito at--"
"meet my wife nana, Precious Emerald Hidalgo Silverio."
Tumayo ang balahibo ko sa uri ng pagpapakilala nito sa akin sa kasambahay nito.
"H-Hidalgo?! Tama ba ang naiisip kong pamilya iho?"tila namutla ang matanda nang marinig ang apelyido ko.
Who wouldn't?
Lahat ay takot makabangga ang Hidalgo lalo na kung sa business. Mayaman at may napatunayan na ang pinanggalingan kong pangalan, kaya siguro pinakasalan niya ako.
"ako na ang bahala sa kanya sige na iho at iakyat mo na 'yan."sumunod si Blaze sa sinabi ng babae.
Nang mawala na si Blaze sa paningin nito ay hinarap ako nito sa gulat ko. Ang magiliw na mga mata nito at nakangiting labi kanina ay wala na.
"ano nanamang kapahamakan ang idudulot mo ngayon?"hindi ako nakasagot dito.
Kung ako lang ay hindi ko nalang 'to papansinin pero mukhang hindi ako nito titigilan.
"kung ako lang po ay ayoko dito, hindi ko' din alam ang rason ni Blaze at nagpakasal siya sa akin."
"hindi na ako magtataka, sigurado akong ikaw ang may gusto na maikasal sa alaga ko, mabait si Blaze hindi marunong tumanggi lalo na kung nagkaroon siya ng utang na loob sa magulang mo."
Hindi ko nagustuhan ang gustong iparating nito gamit ang mga salita.
"really? You knew him? Alam mo din ba na siya ang may gusto ng kasal kahit na ayoko naman?"I said while gritting my teeth.
"huwag mong baliktarin ang katotohanan iha, katulad ng ginawa mo noon na dahilan kaya nadisgrasya ang lola ni Blaze."hindi ako nakasagot.
Bigla ay nawala ang tapang ko sa narinig mula dito. Aminado ako sa pagkakamali ko noon, inamin ko kila dad at ganoon din kay Blaze. Natrauma ako, dahil sa akin ay may nasaktan but I've moved on.
Pero iba parin pala kung sa ibang tao ko maririnig ang nagawa ko noon.
Parang napakasama ko, napakaspoiled at makasarili.
"imposibleng gusto ka ng alaga ko, ikakasal na ito sa nobya niya kung hindi lang may ginawa nanamang kababalaghan ang mayaman mong pamilya para mapasunod nanaman si Blaze."
Ikakasal?
Itatanong ko sana kung ano ang sinasabi nito nang marinig namin ang pagbaba ni Blaze.
"Sumunod ka sa akin may ipapakita ako."ani nito at umakyat muli.
Tinapunan muna ako ng tingin ng katulong ni Blaze na tinatawag nitong nana bago ito tumalikod.
Sumunod nalang ako kay Blaze kahit na bumigat ang pakiramdam ko sa nalaman.
Ikakasal na pala siya bakit pumayag siya sa alok nila mommy?