Lumakad ako palapit kay Gary na ngayon ay nakangisi at ipinangangalandakan sa lahat na siya ang boyfriend ko by picking me up.
I crossed my arms nang makalapit ako dito.
"do you really need to flex your car?" I know how his mind works, he's using me as an excuse to flex his expensive car.
"a bit.."nakangiting sagot nito sa akin bago ako pinagbuksan ng pinto ng kotse.
"saan tayo?"tanong ko nalang nang nakasakay na ako.
"it's a surprise babe.."halos masuka ako sa tinawag nito sa akin.
Babe? Seriously?! Do I look like a pig?
Babe in the city is that it? Endearment sucks.
Hinayaan ko 'to sa mga gusto nitong gawin by all means dahil makikipaghiwalay naman na ako dito.
Dinala niya ako sa isang expensive restaurant kaya napataas ang kilay ko. This jerk is trying to impress me.
Too late.
Habang kumakain ay panay ang kwento nito at hinayaan ko lang 'to. I am so bored at wala man lang sense ang mga sinasabi nito.
Puro about sa team niya, championship and so on halos humikab na nga ako sa pagkabored.
"so do you have any plans after high school like your course? What course are you planning to take?"ngumisi ito sa tanong ko.
"why? You want us to go to the same university?" muntik na akong matawa sa sinabi nito.
If you only knew, tinanong ko 'yon so I can avoid you.
"nah! No thrill kung gagawin ko' yan.."napatango ito sa sinabi ko at pasimpleng hinawakan ang kamay ko na nasa mesa.
Binaba ko sa mesa ang kamay kong hawak nito para mailayo sa kanya.
Patay malisya ito sa ginawa ko at ganoon 'din ako sa mga advances nito.
Kaya naman ng mag 8pm na ay nagsabi na akong uuwi bago hanapin nila mom, mabuti at may reason akong maganda kaya pumayag na 'to.
Tahimik ako sa duration ng byahe. Nang huminto ang sasakyan nito sa tapat ng bahay namin ay hinarap ko na' to.
"see you at school babe.."I winced on what he said.
"let's break up.."hindi ito nakakibo sa sinabi ko kaya sinalubong ko na ang mga mata nito.
"you know Gary, you have the looks and talent na gusto ng mga babae but sadly I'm not one of them, I can see naman na ginagawa mo ang best mo to make me fall pero walang effect eh! thanks for the memories nabored ako eh bye!"
Nakangiting sabi ko bago bumaba sa sasakyan nito. Ang ngiti nito ay kaagad napalitan ng pagkalito at alam ko na ang susunod, hahabulin ako nito kaya naman pumasok na ako kaagad sa gate at tumakbo papasok ng bahay namin.
His face is so funny!
Kinabukasan sa first period namin ay nagtaka ako kung bakit may mga ibang students na nakatanaw sa room namin mula sa labas, I mean kung boys ay alam kong ako ang pakay but most of them are girls.
Kinalabit ko si Kim na nagbabasa ng kung ano sa phone nito para tanungin.
"anong meron sa labas?"nagkibit lang ito ng balikat saying hindi din nito alam.
"wala kang kwenta girl!"ingos ko na ikinatawa nito.
Nagtilian ang mga nasa labas nang dumaan ang isang lalaki na papasok sa room namin.
Kumunot ang noo ko nang makita ang isang lalaki na nakapolo shirt at maong pants hawak ang isang libro at diretso ang lakad sa board.
"Good morning!"bati nito kaya napagoodmorning na din ako kasabay ng mga kaklase ko.
"I assumed that Mrs. Lee already told you na ako ang papalit sa kanya dahil malapit na siya manganak, first let me introduce myself, I am Blaze Silverio a Med student at pansamantalang Science teacher niyo.."naghiyawan ang mga kaklase ko habang ako ay natulala.
He's a student like me but he's way more good looking than the boys here, he's so manly.
"sa college department 'yan ang gwapo!"narinig kong sabi ng isang student sa labas.
Napabaling naman ako sa harap kung nasaan ang board at kung nasaan ito.
"ang hot ng bago nating teacher sana hindi na bumalik si ma'am!"sabi pa ng iba.
Kung ako ang tatanungin ay ayoko dito, hindi dahil sa itsura nito, in fact gwapo ito, makapal ang kilay nangungusap na mga mata.
"deep set eyes.."bulong ko nang masulyapan ako nito sa dami namin doon.
Ngumiti ito sa akin bago tumalikod at nagsulat sa board.
Namula ako nang marealize na nahuli ako nitong nakatingin. Ang ngiting 'yon na para bang puno ng humor. Napalunok ako, matangkad din ito at halatang maganda ang pangangatawan kahit na naka semi formal ito.
Pinagmasdan ko' to habang nagtuturo.
Lalaking lalaki ang jawline, maganda ang ngipin, maganda ngumiti, nakakarelax ang boses at ang aura nito ay sobrang dominante.
"Ms. Hidalgo.."napakurap ako ng tawagin nito ang surname ko.
Damn it sound so good from his lips.
"Ms. Hidalgo on earth!"napaigtad ako ng makitang nasa haparan ko na pala ito.
"s-sir.."nauutal na ani ko.
"seems to me that your mind is off somewhere else, sorry missy but for now as long as I am here you can't think of anyone or anything just me, listen to what I'm saying in front is that clear?"hindi ko alam kung ako lang ba ang nagbibigay ng ibang meaning sa sinasabi nito dahil nagtawanan ang mga kaklase ko.
Hindi ako nakasagot.
Napasinghap ako ng yumuko ito sa mesa ng upuan ko at pinakatitigan ako.
OMG!
Ang bango!
"I said are we clear?"bulong nito habang pinagmamasdan ang buong mukha ko.
Bigla ay nakaramdam ako ng pagkailang kaya nag iwas ako ng tingin dito bago tumango.
"good."sabi nito bago umayos ng tayo at bumalik sa pagtuturo.