CHAPTER 5

838 Words
Nang mag lunch break ay grabe ang panunukso sa akin nila Kim. "as in nilapit pa niya ang mukha niya sa'yo akala ko he's going to kiss you na!"hagikgik ni Ria. "true!"sang ayon naman ni Kim. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil mukhang iyon na ang magiging topic sa buong lunch break namin pero nagkamali ako. Nang maghiyawan ang kabilang table ay napatingin kami doon. Ang basketball team, nakapalibot sila kay Gary at sa babaeng kasama nito, una ay nakaakbay lang si Gary dito pero kalaunan ay naghahalikan na ang mga ito. "nagbreak na kayo?"bulong na tanong sa akin ni Lily. "yup.."mayabang na sagot ko. "he's making a scene para ipamuka na kaya niya akong palitan kaagad dahil iniwan ko siyang parang tanga kagabi.."natatawang anas ko. "bad girl.."si Ria. Tumingin naman sa akin ang teammates nito kaya tumaas ang isang kilay ko sa kanila. What? Hinihintay ba nilang maghisterikal ako sa selos? You wish! Naagaw ng pansin ko ang lalaking papasok ng cafeteria. He's here. Ang tindig nito, ang confidence na meron ito at ang mata nitong nagdudulot ng kung ano sa akin para kumabog ng malakas ang dibdib ko. "I want him.."pagkarinig ng mga kaibigan ko sa sinabi ko ay napabuntong hininga sila. "alam namin na nakukuha mo ang gustuhin mo Ems pero huwag naman ang gwapong student teacher.."himutok ni Lily. Natawa ako dito. "fine.."sabi ko dito pero kaagad ding nagbago nang makitang palapit ito sa amin. "sir.."maarteng bati nila Kim dito habang ako ay nakatingin lang dito tulad ng ibang students na nandoon. "Ms. Hidalgo come with me.."ang buong boses nito ay humaplos sa puso ko na nagdulot ng panlalamig. "b-bakit sir?"nagtatakang tanong ko dito. He gave me a smirk bago tumingin sa kabilang table kung nasaan ang basketball team. "I think we need to talk.."nauna na itong naglakad kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod dito. Dinala ako nito sa isang classroom na walang tao. "sir?" Baka psychotic ang isang 'to naku! "is that the reason you're not paying attention earlier? Because your boyfriend found someone else?"tanong nito sa akin bago humarap. Nanlaki naman ang mga mata ko sa tanong nito. "don't get me wrong sir but we called it quits kagabi lang. Don't worry hindi ako affected doon at isa pa ay wala na kami.."nakangiting sabi ko. Nagsalubong naman ang kilay nito sa mga sinabi ko. "then be attentive on my class, kung wala lang sa'yo 'yon be sure na hindi maaapektuhan ang pag aaral mo."nagtaka ako sa galit na tono nito bago umalis. Ano' yon? Bakit ganoon ang isang 'yon? Ngumisi ako. I change my mind, I want him now so much. Nakadapa ako sa mahabang sofa namin sa sala at tamad na nanonood. Palipat lipat ako ng channel kapag hindi ko trip ang movie at pag medyo okay naman ay pinapanood ko. Gawain ko' to tuwing naghihintay ako kila mom and dad. "hay.."inaantok ako sa love story na 'to. Ang papikit nang mata ko ay napadilat nang marinig kong bumukas ang gate. Masiglang naupo ako at hinintay ko na makapasok sila mom. "nandyan na ba si Emma?"narinig kong tanong ni mom sa katulong. "nasa sala po nanonood." Tumayo ako nang makita ko na si mom kasunod nito si dad na may hawak pang folder na siguro ay babasahin nito sa library. "mom dad.."bati ko sa mga ito bago humalik sa pisngi nila. "honey talk to her hindi niya tayo hihintayin kung wala siyang kailangan, I will read this then sabihin mo sa akin ang gusto niya.."napanguso ako sa sinabi ni daddy habang si mom naman ay natawa. "sige, magbihis ka muna bago mo basahin 'yang proposal.."bilin ni mom dito bago bumaling sa akin. "so? Anything interesting today?"nakataas ang kilay na tanong ni mom. I sighed in defeat as I looked at dad na paakyat na sa itaas. "you two know me so well, so here it goes, I can't understand some of my lessons in Science so I wanna ask you if I can be tutored?"kumunot ang noo ni mom sa sinabi ko. "with your IQ? This is the first time na nahirapan ka, maybe you're not paying attention to class.." "mom buntis ang teacher ko doon kaya minsan hindi ganoon kaactive, you know mabigat na ang tyan I'm afraid it will affect my grades I wanna graduate with latin honors, and as per your words this my first, because Mrs. Lee is preggy, please mom just this one?"nakikiusap na litanya ko. "wala na akong masabi, mukhang kinabisado mo na ang mga sasabihin to convince me, fine kung para sa pag aaral naman ay walang problema I will ask your father to find a tutor--" "no need mom I've got it covered!"mabilis na anas ko kaya natigilan ito sa sasabihin. Naningkit ang mga mata nito at pinag aralan ang reaksyon ko. Mom is trying to read me kaya nag poker face ako. She sighed. "okay, I'll tell your father about this.."nang marinig ko 'yon ay napatalon ako sa tuwa. "thanks mom!" Masayang niyakap ko ito kaya pati ito ay natawa na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD