Dumilat ako upang pigilan na ang pagdaloy pa ng nakaraan sa aking alaala. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at naupo. Huminga ako ng malalim at nilingon ang phone kong kanina pa tumutunog.
Greg is calling but I don't have the strength to answer it. Ayokong makipagtalo nanaman about sa kasal na gusto nito lalo na ngayon.
Nang lingunin ko ang bintana ay maliwanag na. Puyat nanaman akong papasok sa office.
Bumangon na ako at naligo para makaalis na at mawaglit kahit sandali sa isip ko ang kinakaharap na suliranin.
Pagbaba ko sa sala ay nakita kong may kausap si dad sa veranda kaya imbes na batiin ito ay mas pinili kong dumiretso nalang sa kusina para tignan kung nandoon ba si mom.
Naabutan kong naghahanda ng almusal si mommy kasama ang mayordoma.
"morning mom ang aga ng bisita niyo ah.."bati ko dito sabay halik sa pisngi.
Nagsalubong naman ang kilay nito sa sinabi ko.
"hindi ka bumati sa dad mo?"she asked in a curious tone.
"nope, mukhang busy sila 'nung bisita niya so I dare not to butt in, ikaw nalang po magsabi na papasok na ako.."sabi ko.
"hindi mo na ba kilala si Blaze? Siya ang bisita ng daddy mo.."nahinto ako sa pagtalikod sa narinig.
Blaze?
Nanghihinang nilingon ko si mom hindi ko inakala na ganito kabilis sila kumilos.
"this soon?"gusto kong masaktan sa ginagawa nila pero mas pinili kong huwag indain.
"Emma.."
"sobrang nagmamadali na ba kayo na umalis ako sa poder niyo?"hindi ko na naitago ang pait sa mga salita ko.
"hindi sa ganoon, but please understand na nag aalala kami sa boyfriend mo--"
"I can handle Greg mom!"I said bitterly.
"you can of course pero magulang mo kami we want what's best, bakit hahayaan pa namin na mag isa kang humarap sa nobyo mo kung kaya naman naming gawan ng mas mabilisang paraan?"hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nito.
"mom this is my life for once please! Hayaan mong ako ang magsabi kay Greg nito, he deserves it.."pilit na anas ko.
"no he's not! He's just using you Emma listen to us ito ang mas makakabuti sa'yo!"
"tulad ng kung paanong nakabuti ang paglalayo niyo sa akin kay Blaze noon?"hindi nakapagsalita si mom at umiling nalang.
"my feelings, my emotions mom balewala lang ba lahat sa inyo? You know how it ruined me from the past ngayon ay ibabalik niyo siya sa akin bakit? Kasi successful na? Noon kasi basura mahirap pa poor galing sa squatter? Now he's qualified kaya welcome na?"I scoffed ng makita ang mukha ni mom.
"akala niyo hindi ko alam? Kayo ang nag sponsor sa kanya sa ibang bansa para mailayo siya sa akin.. Don't invalidate my feelings anymore mom, sa ayaw o sa gusto niyo ako ang magsasabi nito kay Greg."matigas na wika ko bago lumabas ng kusina.
Napahinto pa ako ng makita sa b****a sila dad. Blaze is wearing a white polo shirt at black slacks. His eyes is looking at me with intensity. Agad akong nag iwas ng tingin dahil alam ko na narinig nila ang sinabi ko kay mom.
Padabog na lumabas ako ng bahay at sumakay sa kotse ko.
Nakagat ko ang ibabang labi ko habang kinakalma ang sarili. Mahigpit ang kapit ko sa manibela na para bang mabibigyan ako ng lakas nito.
I sighed.
Huminga muna ako ng malalim bago inistart ang sasakyan. Palabas na ako ng gate ng makita ko sa rear view mirror na nakatayo sa veranda si Blaze at pinagmamasdan ang papaalis kong sasakyan.
Bakit ang dali niya lang bumalik para sa magulang ko? Bakit 'nung ako ang nagmakaawang huwag siyang umalis ay hindi niya ako pinakinggan? Ganoon niya ba kaayaw sa akin?
Napatawa ako ng mapait.
Remember Emerald he used to tell you to leave him in peace and that you're not his type.
Akala ko noon ng kunin ko siyang tutor ay mapapalapit na ako sa kanya pero mas lumayo lang ito sa akin.
"I can teach you and solve your concerns dahil ako ang teacher mo ngayon. I have enough money for myself I don't need your charities."
Akala ko noon ay mataas lang ang pride nito kaya ayaw magpabayad sa session namin hanggang sa magsabi ito ng titigil na sa pagpunta sa bahay namin dahil kailangan na nitong magfocus sa pag aaral.
Inintindi ko ito, kasi baka ganoon talaga ang mga mahihirap, nagsisikap sila para umunlad tulad ng mga napapanood ko.
Nakuntento ako sa mga nakaw na sulyap tuwing dadaan sa building nila.
Napaapak ako sa preno nang may dumaan sa harapan kong aso kaya natauhan ako at bumalik sa kasalukuyan ang isip ko.
Nang makarating ako sa office ay lutang parin ako. Wala pa man din ay sumasakit na ang ulo ko.
"breakfast?"tanong ng secretary ni dad sa akin pero umiling ako at mas piniling mag concentrate sa trabaho.
Nakatulong ang tambak na for approval ni dad dahil hindi ko na naisip pa si Blaze.
Napaigtad ako ng tumunog ang phone ko.
Hinanda ko muna ang sarili bago sagutin ang tawag ni Greg.
"Love.."ang malambing na boses nito ay nagdulot ng kirot sa dibdib ko.
Ginamit mo lang din ba ako Greg dahil sa mayaman ako? Like how my friends used me? Like how Blaze did? Ginagawa mo din ba akong stepping-stone para makuha ang gusto mo?
Nagbara ang lalamunan ko sa isiping 'yon.
"can we meet love? I really miss you I'm sorry about last time.."
Pumayag ako sa gusto nito, we really need to talk.