"it's a prank right?"
Hindi ako sumagot dito para malaman nito na seryoso ako.
"love.."he tried to hold my hand pero iniwas ko.
"I am bound to marry someone, hindi ko alam na ganito sa pamilya ko--"
"that's bullshit!"natigilan ako sa mura nito.
"ako ang boyfriend mo bakit sa iba ka ikakasal?!"he yelled.
Napatingin na ako sa mga katabing mesa namin sa French Restaurant kung saan ko napiling kausapin siya. Madaming tao so he would dare hurt me kung sakali.
"I'm really sorry Greg.."naaawa ako sa kanya pero hindi ko maiwasang magalit.
Tumayo na ako at iniwan ito doon. Nang nasa sasakyan na ako at nakaalis na ay nakahinga ako ng maluwag. Doon ko lang na realise na natakot ako at nagduda na baka saktan nito.
Pagdating ko ng bahay ay dumiretso na ako sa room ko.
"Emma.."
Napatingin ako sa saradong pintuan ko ng marinig ang katok ni mommy.
"I'm tired mom let me rest."ani ko at nahiga na.
Dahil sa puyat nang nakaraang gabi at tension sa pagkausap kay Greg ay nakatulog ako.
Hindi ko inakala na ganoon ako kapagod lalo nang magising ako na tanghali na kinabukasan.
"s**t!"napabalikwas ako ng bangon dahil late na ako.
Naligo at nagbihis ako ng mabilisan at tumatakbo pababa nang harangin ako ni dad.
"huwag ka na muna pumasok iha.."natigil ako sa paghakbang sa narinig.
"po?"
Hindi na ito nagsalita pa at lumingon lang sa sala kaya pati ako ay napatingin din doon.
I gasped.
Bakit nandito nanaman si Blaze?
"Blaze waited for you last night para sabay kayong magdinner pero sabi mo napagod ka, now he needs to go back to his place kaya sana naman sabayan mo kami sa brunch.."parang maamong tupa si dad ng sabihin 'yon sa akin.
Nilingon ko si Blazena ngayon ay tumayo na at nag aabang na sa akin.
"okay.."nasabi ko nalang.
Habang kumakain ay tahimik lang ako.
"so you are planning to build your own hospital sa Norte?"tanong ni dad.
"yes po, ang lolo at lola ko ay may katandaan na din malayo ang pagamutan sa lugar namin kaya binabalak ko pong bilhin ang katabing lupa namin para gawing health center."napahigpit ang kapit ko sa tinidor sa narinig.
"pagtapos ng kasal niyo nitong anak ko ay kukuha ba kayo ng bahay dito sa malapit?"napaangat ang tingin ko kay dad habang ito ay kaswal lang na nakikipag usap.
"kung maari sana ay mas gusto ko na sa kung nasaan ako ay naroon ang asawa ko."napayuko ako sa sagot nito.
"Hon sa tingin mo ba ay kaya ni Emma ang buhay sa probinsya?"singit ni mom.
"may katulong po ako, hindi ko siya hahayaan na gawin ang mga gawaing bahay.."napatango na si mom na para bang okay na ang naging sagot ni Blaze dito.
"kung ganoon ay wala nang problema.."natatawang anas ni dad.
"gusto ko po sanang tanungin ang anak niyo kung ayos lang ba sa kanya na doon kami sa probinsya.."nagkasalubong ang titig namin ni Blaze nang sabihin niya 'yon.
"ayos lang sa kanya.."si dad na tila siguradong sigurado na pero hindi ito pinansin ni Blaze bagkus ay sa akin lang ito nakatingin.
"ayos lang ba?"ang direktang tanong nito sa akin ay nagpalabo sa mga mata ko.
Umamba ang luha ko doon kaya kaagad akong yumuko.
Ngayon ay importante na ang opinyon ko?
Kung sana ay dati niya pa tinanong sa akin 'yan, kung okay lang ba na maging mabait siya at concern sa akin, kung okay lang ba na balewalain ako.
Too late.
"kahit ano.."sabi ko nalang pagtapos ay yumuko uli sa pagkain.
"see? I told you Blaze.."tumatawa si daddy nang sabihin' yon pero hindi ko narinig na sumang ayon dito ang huli.
Nang matapos ang brunch kuno nila ay lumabas ako at pumunta sa grotto sa likod ng bahay.
Tahimik akong nakatingin doon ng may magsalita.
"hindi ko inaasahang tahimik ka na ngayon dati ay halos puro ka kwento.."hindi ko nilingon si Blaze.
I heard him sigh.
"Prei.."
"Emerald ang pangalan ko.."putol ko dito.
"but I used to call you on your first name.."mapait na nilingon ko ito sa inanas nito.
"noon 'yon madami nang nagbago ngayon.."ani ko at hinarap ito.
"alam kong ayaw mo sa akin kaya hindi ko maintindihan kung bakit pumayag ka na ikasal ako sa'yo, hindi mo ako kailangan noon kahit mahirap ka dahil hindi mo ako gusto pero magpapakasal ka sa akin ngayon? Ngayon na angat ka na sa buhay?"I gave him a smirked.
"Prei--"
"Emerald sabi!"inis na sambit ko.
"I want to say no to this marriage but I heard your father is sick--"
"so you still hate me?"hindi ito nakakibo.
"of course, sino ba namang matutuwa kung ako ang dahilan kung bakit naaksidente ang lola mo at hindi na nakalakad, pinagsisihan ko 'yon Blaze.."natigilan ito sa narinig mula sa akin.
"Sincere ako noon, at totoo na ayokong umalis ka kaya sinabi ko sa lola mo na pigilan ka b-but I never wanted that to happen I was guilty and scared pero iniwan mo parin ako.."hindi ito nakapagsalita.
"kaya hindi ko matanggap na ngayon babalik ka para ikasal sa akin, when through those years I hated myself for wanting you so much dahil nakasakit na ng iba, nakabangon na ako bakit nandito ka nanaman? Bakit ikaw pa?"umiiling na sambit ko bago ito tinalikuran at iwan doon.