Liezel's POV
Sa wakas natapos na din namin ang gawain. Tapos na din ni tiya Lita ang niluto niyang limang ulam. Pahinga muna kami ni Grace habang naghihintay ng almusal namin. Tanghalian pa naman ang cater namin kaya makapagpahinga pa kami kahit kaunti.
Hindi muna kami tumatanggap ng ibang tao na kakain. Dahil hindi na kayanin ng mga powers namin. Bukod sa amin ni Grace na katuwang sa karinderya, si tiyo Damian naman ang katuwang sa pagluluto. May dishwasher din si tiyang sa karinderya niya.
Si Grace ang cashier at ako naman ang server. Malakas ang nasabing karinderya dahil narin daanan ito ng mga tao, tabi ng kalsada at malapit lang din sa public school. Nagkataon din na may bagong gawa na building kaya halos karamihan sa mga trabahante ng building sa amin din kumakain.
" Halika na kayo ineng, kakain muna tayo." tawag sa amin ni tiyang.
May lamesa kasi kami na nakabukod sa lamesa ng mga customer. Mabilis na namin tinungo ni Grace ang hapag-kainan. Nagtawanan pa nga kami dahil narinig namin ang pagtunog ng tiyan ni Grace.
" Hindi na kinaya ng bulate ko sa tiyan, nagugutom na sila." natatawang ani nito.
" Sarap naman ng luto mo tiyang." singit ko naman.
" Aba, kailan pa ako hindi masarap magluto. Kaya nga, tayo ang kinuha na magcater sa bagong tayo na gusali dahil masarap ang tiyang ninyo na magluto." pagmamalaki pa nitong wika.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Grace sabay kibit-balikat.
" Naku! tiyang, kung alam mo lang bakit tayo ang kinuha ni engineer Jovan na magcater malamang..." hindi pa natapos si Grace sa nais nitong sabihin ay sumingit na agad si tiya Lita.
" Dahil gusto niya si Liezel? Naku, wala akong tiwala sa engineer na iyon mukha palang babaero na." wika ni tiya Lita na umiiling pa.
"Kung binata pa naman iyong engineer na iyon. Bakit? hindi, wala naman problema iyon basta manligaw lang ng maayos." sabad naman ni tiyo Damian.
Bigla naman akong napaubo. " Naku po, hindi naman nanligaw iyong tao sa akin. Nakakahiya naman po na basta-basta nalang tayo mag-akala na may gusto sa akin iyong tao." natatawa kong ani.
" Oh, siya, bilisan na natin ang pagkain para maihanda natin ang kanilang tanghalian. Maihatid na natin ito sa opisina nila.
DUMATING na daw ang may-ari ng building kaya kanya-kanya na ang mga trabahante sa construction sa kanilang ginagawa. Hinatid na nila Grace ang pagkain, kasama ang tiya Lita at tiyo Damian niya. Hindi pa nga lingid sa paningin nila na napalingon sa kanya ang mga kalalakihan na nagtatrabaho sa building na ito. Nakikita sa mga mukha ng mga ito ang paghanga sa kanya.
Nakasuot siya ng bulaklakin na bestida na mas lalong nagpatingkad sa kaputian niya at kagandahan niya.
" Hi,Liezel, mas lalo kang gumanda. Bagay saiyo ang iyong suot." salubong sa kanila ni engineer Jovan.
Lihim siyang siniko ni Grace. " Hindi naman po sir." magalang niyang sabi.
" Aray, ang sakit naman sa tuhod niyan, hindi pa naman ako masyadong matanda para i po muna ako." natatawang wika nito.
" Just call me Jov nalang in short for Jovan." nakangiti pa nitong sabi.
" Thanks engineer Jov. Kumpleto na pala ang pagkain. May kulang pa ba?" tanong ko.
" I think, wala na. Ikaw nalang ang kulang sa buhay ko, Liezel." hirit pa nito.
Bigla naman napaubo si Grace. Bigla akong nahiya sa sinabi ni engineer Jovan. Hindi ako sanay na harap-harapan may magpapalipad hangin sa akin. Kasama ko pa si Grace, tiyak na tampulan na naman ako ng tukso nito.
" Ah, by the way, may kausap lang sa phone si boss Warren. After his call, magstart na iyong lunch. Kaya be ready girls and thanks for assisting us." mahaba na wika nito.
Tinawag na nito ang kasamahan na engineer na pipila na ang mga tauhan para sa tanghalian. Kami naman ni Grace ay pumuwesto na din sa mahabang lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. Si tiyang naman sa kanin at si tiyo Damian naman sa mga inumin.
Maya-maya pa nagsimula na magtanghalian. Madami sila kaya nakakapagod ang kalabasan nito pagkatapos. Hindi ko pa nakita ang may-ari. Siguro na sa loob na ng pinaka-opisina nito.
" Hi, miss ganda. Sarap naman ng mga pagkain niyo." sabi ng isang trabahante sa kanya. Ngitian lang niya ito.
Sanay na siya sa mga ito dahil lagi naman itong kumakain sa karinderya nila.
" Hindi ko man lang nakita ang may-ari ng building. Malay mo pogi, mapag-pantasyahan man lang." bulong sa akin ni Grace na humahagikhik pa.
" Ano naman kung pogi, hindi naman mapa saiyo." mataray na wika ko.
" Pantasya lang diba?" balik na sagot nito sa akin.
" Hindi nga eh, baka dumiretso na mismong sa opisina niya." wika ko.
" Liezel, sabi ni engineer Jovan, pakihatiran nalang daw sila ng pagkain sa opisina. Nandoon din daw mismo ang may-ari." wika ni tiyang sa akin.
Nagkatinginan kami ni Grace. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Alam ko na ang iniisip ng pinsan ko na ito.
" Okay na ba ang mukha ko, cas? " tanong nito sa maarte na boses.
" Maganda ka na Grace. Kaya ihatid na natin ito baka nagutom na sila." wika ko sa seryosong boses.
Grabe, hindi pa man tapos ang buong araw na ito ay nanlalanta na ako. Sana naman pwedeng umabsent bukas sa karinderya para makapagpahinga ako. Pero kawawa naman sila tiyang kung ganun wala silang katuwang.
Mahinahon namin kinatok ang pintuan ng opisina ng nasabing may-ari ng building.
" Come in.." boses ni engineer Jovan ang narinig namin.
Mahina namin tinulak ang pintuan hindi pala nakasirado ito.
Napatigil muna kami ni Grace bago kami nakapagsalita.
" Magandang araw po. Nandito na po ang pagkain ninyo sir." halos panabay pa namin na bigkas ni Grace.
Parang gusto ko nalang din na makiuso kay Grace na magpantasya sa may-ari ng building. Dahil kung gwapo man si engineer Jovan.
Mas kakaiba ang kagwapuhan nitong nasa harapan namin. Prenteng nakaupo sa swivel chair niya. Sa tantiya ko nasa 40's na ang edad nito. Pero malakas ang karisma niya papable kumbaga.
Nagkatitigan pa kami. Bago ko binawi ang tingin ko sa may-ari. Biglang tumibok ang puso ko na hindi ko malaman ang dahilan.
" Can you put the foods on the table, pretty girls." wika ni engineer Jovan, na tinuro pa ang presedential table.
Conference room yata itong pinasukan namin. Dito narin siguro ang pinaka-opisina ng may-ari dahil ongoing pa naman ang building na ito.
" By the way, boss Warren, sila Grace at Liezel pala. Sila iyong mga magagandang pamangkin ni aling Lita na nagca-cater ng lunch natin ngayon." pakilala ni Jovan sa amin sa nangangalang sir Warren.
Tumingin naman ito sa amin, partikular sa akin. Matagal ito bago nagbawi ng tingin. Ano kaya ang iniisip nito, bakit ganun nalang siya makatitig sa akin.