Kabanata 3: Taken

1359 Words
Liezel's POV "KAINIS ka cas, sabi ko saiyo eh.Huwag ka nalang sumama sa akin sa paghatid ng pagkain kanina." pagmamaktol ni Grace. Napakunot-noo siya. "Bakit naman?" naguguluhan kong tanong. " Eh, kasi naman, imbes sa akin ang tingin nung gwapong may-ari ng building sa tapat natin. Sa'yo pa tuloy nakatingin." dagdag pa ni Grace na ikinatawa ko. " Loko-loko ka,Grace. Kung ano-ano nalang nakikita mo kasi. Pero gwapo iyong may-ari diba?" asar ko pang wika sa kanya. Kinurot niya ako sa tagiliran. " Landi mo cas, akin lang iyon si sir Warren, hmp..." mataray pa na sambit niya. " Sige sa'yo nalang iyon.Tingnan natin kung hindi ka titigil sa kaka-emote mo diyan. Sa tingin mo iyong gwapong mukha nun, wala pa iyong asawa?" tanong ko dito. " Asawa? tingin ko wala pa. Pero girlfriend malaman meron na iyon. Siguro mga marami din iyong mga flings." sagot naman ni Grace na nakalabi pa. " Judgemental mo,Grace.Grabe ka naman sa flings, malay mo matino iyong tao." pagtatanggol ko sa usapan. " Edi, siya na iyong pinagtanggol mo." natatawa niyang wika. Nagtatawanan na kami habang nililigpit namin ang mga gamit na pinag-gamitan kanina. Subrang nakakapagod sa araw na ito. Kaya panigurado pagdating ko sa bahay. Linis lang ako saglit sa katawan, matutulog na agad ako. Hindi muna ako manood ngayon ng palabas. " Hi, uwi ka na?" napahinto ako sa paglalakad ko ng biglang may humarang sa dinadaanan ko. Si Kevin, iyong masugid ko na manliligaw. Anak siya ng kapitan sa baranggay namin. Magka klase din kami ng elementary at highschool nito. Business administration ang kinuha nito sa college. Ito na iyong namahala sa business nila ngayon na isang lending company. " Hi,Kevin...ikaw pala,oo nga eh,nakakapagod buong araw." wika ko. Gusto kong iparating sa kanya na pagod ako at wala muna akong ganang makipag kwentuhan sa kanya. " Ihatid na kita sa inyo, Liezel. Dala ko iyong motor ko." wika nito na sumabay na sa paglalakad ko. Tumigil ako, wala naman sigurong masama kung sasakay ako sa motor niya. Isa pa, gusto ko ng makarating agad sa bahay para makapagpahinga na ako. " Sige, pero okay lang ba, na sa susunod na araw nalang tayo magkwentuhan,Kevin.Napapagod talaga ako ngayon,gusto ko ng matulog." diretsong sabi ko. Tumawa naman ito. " Hey, I know...kaya nga ihatid kita para makarating ka na agad sa bahay n'yo." napailing pa nitong wika. Mabilis na niya akong inaya papunta sa kanyang motor.Mayaman sila Kevin pero napaka humble lang nito. Minsan pa nga inalok niya ako na umutang sa lending company nila para pangtustos daw sa pag-aaral ko. Pero mabilis akong tumanggi baka mabaon lang kami sa utang, saan namin hagilapin ang monthly payment plus interest pa. " Suot mo na ito, Liezel." binigay na niya sa akin ang isang helmet. " Baka may pupuntahan ka pa,Kevin.Okay naman akong mag commute nalang." singit ko. Nagtataka kasi ako kung bakit may dala siyang extra helmet. " Sinundo talaga kita, Liezel. Alam kong pagod ka.Galing na ako doon sa bahay n'yo para bisitahin na sana kita." wika niya " Ganun ba, maraming salamat,Kevin." sagot ko nalang , inaalalayan na niya akong sumakay sa motor niya. Ngunit bago pa kami tuluyang umalis ni Kevin. Napalingon ako sa kabilang kalsada. Sa gulat ko yata ay biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng matanaw ko si sir Warren.Mataman nakasandal sa pintuan ng kanyang sasakyan. Wait...nakatingin siya sa direksiyon kung saan kami ni Kevin... Nagkasalubong pa ang aming tingin pero mabilis akong nagbawi. " Kumapit ka sa akin,Liezel." boses ni Kevin, ang nagpabalik sa sarili ko. Mabilis na akong kumapit sa bewang niya. Mabilis ng pinatakbo nito ang kanyang motor. PANIBAGONG umaga na naman, pero hindi na ganun kaaga ang gising ko ngayon dahil normal days na ang pagtitinda namin sa karinderya. Naabutan ko si mama na maagang nagkakape. Para magbukas na sa kanyang munting sari-sari store. " Kumusta ang catering ninyo kahapon,Liezel?" agad nitong tanong. Umupo ako sa lamesa katabi niya. Nagsimula na din akong magtimpla ng gatas.Hindi kasi ako mahilig sa kape dahil hindi ako maka tulog sa gabi nang minsan sinubukan kong uminom nito. " Okay naman po,mama.Tuwang-tuwa nga po si tiyang.Dahil binigyan pa daw siya ng tip ng may-ari ng building." masayang wika ko. Natigilan pa ako ng pagsambit ng may-ari ng building . Dahil naalala ko lang naman ang nagkasalubong namin na tinginan ni sir Warren kagabi. " Hindi man kang kayo binahagian ng tiyang Lita n'yo sa tip na sinasabi mo, Liezel." natatawang wika ni mama. Nagkibit-balikat lang ako. Hindi ko na iyon ini-expect. Si tiyang lang binigyan eh,siguro para lang iyon sa kanya. " Kay tiyang Lita lang talaga iyon,mama." natatawang sabi ko din. " Si Kevin, sinagot mo na ba ang batang iyon? Matagal na iyon nanliligaw sa'yo." paiba nito sa usapan. Gustong-gusto ni mama si Kevin dahil mabait daw ito at hindi mayabang sa kabila ng estado nito sa buhay. Si sir Warren din naman,mukhang mabait. Napangiwi pa ako. Dahil bakit nasingit na naman sa isipan ko ang may-ari ng building na iyon. Mas malala pa ako nito kay Grace. " Tinatanong kita, Liezel...sinagot mo na ba ang batang iyon?" tanong ulit ni mama. " Hindi pa po,mama...ayaw ko naman siyang paasahin. Kaibigan lang po ang pagtingin ko sa kanya." malumanay kong sabi. " Hay...ngayon palang kausapin mo na siya. Hanga pa naman ako sa batang iyon. Kahit mapera sila,pinagtiyagaan ka talaga niyang ligawan. Ibig sabihin lang nun, seryoso sa'yo." dagdag pa ni mama. Tumango lang ako. Nakikita ko naman iyon kay Kevin na seryoso talaga siya sa akin. Pero ayaw ko naman sagutin siya dahil lang sa awa.He deserves better than me. Nagpaalam na si mama na mauna na siya sa akin. Mabilis ko naman inubos ang gatas ko. Napangiti ako ng maalala ko na naman ang tinginan namin ni sor Warren kagabi.Bigla tuloy pumintig ang puso ko. NAPANGITI na ako ng matanaw ko na ang karinderya ng tiyang ko. Alas 6am palang marami-rami narin ang nag-aalmusal. Kaya mabilis akong pumasok. " Oh, Liezel... pakihatid muna ito doon sa matandang babae na naka uniform." agad na wika ni tiya ng tuluyan na akong pumasok sa loob. Nagka pwesto na si Grace sa cashier. Ngitian ako ng pinsan ko, mukhang blooming ah... " Magandang araw po, ito na po ang order n'yo." mabilis kong wika ng makalapit na ako sa sinabi ni tiyang na babae. Ngumiti ito sa akin. " Napakaganda mong bata,ineng..." wika nito na nakangiti sa akin. Bigla naman akong nahiya sa sinabi nito. Ano naman ikaganda sa mukha ko ni wala nga akong nilagay na lipstick man lang. " Ako pala si Neri, yaya ako ng anak ng may-ari ng mataas na building na iyan sa tapat ng karinderya ninyo." pakilala nito sa akin. Natigil siya sa narinig dito. Anak ng may-ari? So,ibig sabihin may asawa na nga si sir Warren at may anak pa. Sa hindi alam ang dahilan bigla siyang nalungkot sa nalaman. " Talaga ho? Kumusta po kayo, manang Neri?" tanong ko sa kanya. Hindi ko pinakita dito ang lungkot ng boses ko. " Maayos naman kaya lang, hindi ko na kayang magbantay pa ng bata. Makulit na kasi ang alaga ko." sagot nito na natatawa. " Hindi niyo po sinabi kay sir Warren?" wika ko ulit. Nakapalagayan na kami ng loob ni manang Neri. Kung hindi pa ako tinawag ni Grace para kakain na kami ng almusal. Gusto ko pa sanang makipag-kwentuhan dito saglit. " Kilala mo si sir Warren, ,ineng?" nahiwagaan nitong tanong. " Opo, kami kasi iyong nag-cater kahapon." mabilis na sagot ko. " Sayang, hindi ka namin nakita kahapon ni Miah." na ang tinutukoy siguro nito ang alaga niya. " Maghatid po ako mamaya ng rasyon sa site,manang Neri." wika ko dito. " Sige,salamat,ineng.Sana magkita tayo sa site. Para ipakilala ko sa'yo ang alaga ko." masayang wika nito. Tumango na lamang ako. Hindi na ako interesado pa na makilala ang alaga niya. Nalungkot ako sa katotohanan na taken na pala ang pinapantasyahan namin ni Grace. What do you expect,Liezel? Sa gwapong iyon at sa yaman nun,walang magkandarapa doon? pang-aasar ng kabilang isip ko. Nagpaalam na ako sa kanya ng tuluyan para kakain na ng almusal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD