Liezel's POV
Naghatid na ako ng rasyon na pagkain sa mga construction workers na nagtatrabaho sa building nila sir Warren.
Nakangiti naman sa akin ang mga ito.
" Masarap talaga ang kain natin ito.Kung kasing ganda ni Liezel ang taga-hatid ng mga pagakain natin." salubong sa akin ng foreman.
Ngumiti lang ako sa kanila. Nahihiya akong makipag-usap lalo na puro mga lalaki sila. Baka may masabi pa sa akin ang mga tao.
Pagkatapos kong maibigay sa kanila ang mga orders. Mabilis na akong umalis para bumalik sa karinderya.
Tumabi ako sa gilid ng may papasok na magarang sasakyan sa site. Kinabahan pa ako ng biglang huminto ito kung saan ako nakatayo.
" Liezel,ineng..." may tumawag sa akin sa loob ng sasakyan.
Napatingin ako sa bintana.Si manang Neri pala.
" Hello po,manang Neri." yumukod pa ako para bumati.
Tumingin ako sa driver, binaba din kasi nito ang bintana.
Ganun nalang ang pagtibok ng puso ko na parang may mga kabayong nagrarambulan sa loob.
Si sir Warren pala ang nag-drive. Ang gwapo nito sa suot niyang kulang itim na t-shirt na mas lalong nakadagdag sa karisma nito. Nakasuot ito ng dark shade. Kaya hindi ko mawari kung nakatingin din ba ito sa akin.
" Excuse me po, babalik na po ako sa karinderya,manang Neri." paalam ko dito.
Mainit kasi sa tinatayuan ko kaya kailangan ko ng magpaalam. Atleast nakita ko parin si sor Warren.
Tumigil ka Liezel,may asawa na iyong pinapantasyahan mo.
" Sige,kita ulit tayo mamaya,ineng." wika din ni manang Neri.
Napangiti siya sa isipin na nagustuhan ni manang Neri ang pagkain sa karinderya. Balak pa yata nitong kakain mamaya ng hapunan.
Mabilis na akong naglakad pabalik sa karinderya.
Mag-alas sais magsasarado na kami. Hindi na yata makapunta dito si manang Neri.Mag-cr muna ako bago ako uuwi ng bahay.
Nagkwentahan pa naman sila tiyang at Grace ng benta kaya antayin ko nalang din si Grace pauwi.
" Liezel, may bisita ka." salubong sa akin ni Grace na parang kinikilig.
"Si Kevin na naman..." walang gana kong sagot.
" Hindi... si sir Warren." bulong niya sa akin.
Ito na naman ako, marinig ko lang ang pangalan na iyan. Mawala na naman sa isip ko na pamilyado na itong tao.
" Ha? bakit daw?" naguguluhan kong tanong.
" Kausapin ka daw...ang gwapo niya,cas." wika ulit nito sa akin bago ako iniwan.
Mabilis kong tinungo ang customers place. Kung saan nakalagay ang mga lamesa ng mga customer na kakain.
Humigit pa ako ng buntong-hininga ng makita ko si sir Warren. Nakatalikod ito na nakaharap sa labasan. Hindi pa pala nagsara sila tiyang. Pero wala ng kumakain.
Si sir Warren nalang yata ang inaantay na aalis bago magsara. Pero wait...kausapin daw ako nito.
Kausapin yata ako nito,na bawal magdala o papasok ng ibang tao na hindi workers sa construction for safety nga rin naman. Pero may permiso kami kay engineer Jovan.
" Magandang gabi po,sir Warren. Kakausapin niyo daw po ako?" wika ko sa mahinang boses.
Nahihiya kasi ako sa kanya. At isa pa kinabahan ako kung anong sadya nito sa akin. Nilingon ko pa sila Grace at Tiyang na naghihintay lang din sa counter.
Lumingon siya sa akin. Tama nga si Grace,subrang gwapo na naman nito. Siya iyong mga tipo ng lalaki na mapapanood ko sa mga palabas sa ibang bansa.
" Take a sit, Liezel." wika niya.
Mabilis naman akong umupo sa harapan niya. Pero nakayuko ako dahil hindi ko kayang tumingin sa kanya.
Para siyang may magnet sa mata nito na kaya niya akong hilahin para mawala ako sa aking sarili.
Tumukhim muna ito bago nagsalita ulit.
" I'm sorry,for disturbing you.I think pauwi ka na."
" Okay lang po, sir Warren."
"Ahm... I need my daughter's nanny.Yaya Neri can't longer to taking care of my child. She's old enough. Hindi na niya kaya...."
Pabitin niyang wika sa akin.
" Ahm...I offer you, a thirty thousand a month, Liezel. Kasama ka din namin,kung may travel kami out of the country. Sagot ko na din ang personal needs mo." mahabang wika nito.
" Wala kang ibang gagawin.Kundi alagaan lang ang anak ko,Liezel." dagdag pa niyang wika.
Biglang lumaki ang mga mata ko sa offer nito. Sigurado ba ito?...
" Sigurado po ba kayo, sir?" mabuti ng sigurado baka nagkamali lang ako ng pandinig.
" I'm sure about that...pag-isipan mo ng mabuti ang offer ko. Two days from now,babalik na kami ng Manila." pagtatapos nito sa usapan.
" Papayag na po ako, maging yaya sa anak niyo po, sir Warren." mabilis pa sa alas-kwatro ang sagot ko.
Thirty thousand...subrang laki na nun sa sahod ng isang yaya. Daig ko pa ang nakapagtapos ng pag-aaral nito.
Tapos mag-alaga lang daw ako ng anak niya. Isantabi ko muna ang naramdaman ko.Wala na akong pakialam kung may asawa na siya.
Hanggang doon nalang talaga ako,pantasya nalang. Atleast makapag-ipon na ako nito at makabalik na sa pag-aaral.
Napangiti ito. " It's a deal, sunduin ka namin sa bahay n'yo. Kung aalis na tayo pa Manila." wika pa niya.
Napalingon kami ng may maingay sa pintuan na boses batang babae.
" Hello po, daddy pogi..." boses ng batang babae.
Ito na siguro ang alaga ni manang Neri. At anak ni sir Warren. Ang cute ng bata, mataba at kulot ang buhok nito. Kahit ko pa nakita ang asawa ni sir Warren, tiyak nagmana ito sa mommy niya.Subrang ganda ng bata.
Perfect combination kumbaga gwapo ang daddy.Malaman maganda din ang mommy,kukuha ba naman ito na hindi pasok sa standard niya.
" Oh,hi...little princess,how are you?" salubong ni sir Warren.
Agad niyang kinarga ang nasabing bata. Ang sweet naman ng mag-ama na ito. Saan kaya ang mommy nito,bakit hindi sumama dito sa Cebu.
" Is she my new nanny, daddy?" baling nito sa akin.
Nanatili parin akong nakaupo. Habang nakatayo na si sir Waren na karga ang anak niya. Nasa kalayuan lang si manang Neri na nakangiting nakatingin sa akin.
" Yes,be good to your new nanny,little princess...." wika ni sir Warren.
Ngumiti ako. " Hello, pretty girl." nakangiti kong wika dito.
" Hi, are you my new nanny?" tanong ulit nito.
" Yes,...I'm your, ate Liezel." nakangiting sagot ko.
" Your pretty,ate Liezel. It's okay If I call you,ate pretty? tanong nito.
Napatda naman ako sa sinabi nito. Nakakahiya naman kay sir Warren. I'm not pretty naman kasi.
" Don't be afraid of me, ate pretty ,ha.? I'm not a bad girl..." singit naman ng bata.
" Of course not,pretty girl." natawa siya sa sinabi ng bata.
" Manang, pakikuha mo muna si Miah,please. May isa pa akong importanteng sabihin kay Liezel.
" Masusunod, sir Arvin..." mabilis na wika ni manang Neri. Kinuha na niya si Miah.
Umupo ulit ito sa upuan. Seryoso ng nakatitig sa akin. Nakuha ko na din tumitig sa kanya. Kailangan sanayin ko na ang sarili ko.Alang-alang sa thirty thousand,labanan ko ang naramdaman ko para dito.
"And...I have a one rule of my house. Bawal may dadalaw dun, specially kapag lalaki." madiin niyang wika sa seryosong boses.
Bigla naman nang-init ang mukha ko sa sinabi niya. Hindi naman ako ganun sa akala nito. Siyempre, kung may date man ako labas na dun ang pagiging yaya ko.
" But... your family and friends can visit there..." pahabol pa niya.
"Thank you po, sir Warren. Masusunod po ang patakaran n'yo." mahinahong wika ko.
Hinatid ko na sila sa labas ng karinderya. Nagpaalam na ito. Aalis na sana sila nang biglang naman sumingit si Miah.
" Hi,pretty ate, pumayag ka na po maging nanny ko?" bibo nitong tanong.
Ang cute talaga nito.Naninigurado talaga ito kung pumayag na ako maging yaya niya.
Nakangiti akong tumango sa kanya. Ang cute talaga nito. Sarap panggigilan ang mukha nito na namumula ang pisngi.
" Pretty ate, sama ka po sa amin sa condo. I have something to give you." wika ulit nito.
Napa O shape naman ang bibig ko.Hindi pa naman ako nakapagsimulang alagaan siya. Pero magaan na ang loob ko sa kanya.Ganun din siya sa akin komportable na din siya sa akin.
"Little princess, uuwi na si ate Liezel mo sa bahay nila. She's getting tired for her whole day duty." singit naman ni sir Warren.
Tuluyan na silang umalis. Pumasok na ako sa karinderya para kausapin si tiyang sa desisyon ko.