Liezel's POV
Excited na akong ibalita kay Grace ang bago kong trabaho. Paalam muna ako kay tiyang na aalis na ako sa karinderya niya. Pagkakataon ko na ito na makapag-ipon. Para makapag-aral ulit ako.
Nakita ko si tiyang nakaupo sa mesa. Talagang inaantay ako kung anong napag-usapan namin ni sir Warren.
"Tiyang...may sasabihin sana ako..." pabitin kong wika.
Nakatingin lang siya sa akin. Naghihintay ng kasunod ko pang sasabihin.
" Ano kasi...si sir Warren. Nangangailangan ng bagong yaya sa anak niya..."
" Kung malaki naman ang pasahod ni sir Warren sunggaban mo na,Liezel." sabad nito sa akin. Hindi na ako nito pinatapos sa pagsasalita ko.
" Basta mag-ingat ka. Lalo na sa mga mayayaman.Si sir Warren,okay lang dahil mabait naman iyon. Pero hindi natin alam ang mga kasamahan niya sa bahay nila." habilin nito sa akin.
" Opo,tiyang,mag-iingat po ako dun. Isang araw nalang po ako dito sa karinderya." malungkot na paalam ko.
Kahit papaano nakakamiss din ang samahan namin dito sa karinderya. Lalo na iyong masasarap na luto ni tiyang Lita.
" Anong drama ito? Bakit ang seryoso ng usapan n'yo?" sabad ni Grace na lumapit na sa lamesa namin.Galing siguro ito sa kusina.
" Iyang pinsan mo magtatrabaho na kanila sir Warren." mabilis na wika ni tiyang.
" Weh...seryoso ka, cas? " hindi makapaniwalang tanong ni Grace.
" Oo,Grace, kinuha akong bagong yaya sa anak niya." sagot ko.
" Yaya? as in nanny? Iyang ganda mong iyan, pumayag ka na maging yaya? Come on, cas, akala ko pa naman maging girlfriend ni sir Warren." natatawang biro nito.
Bwesit na babaitang ito, seryoso na ang usapan. Hinaluan pa ng kalokohan. Alam na nga niyang anak ko ang babantayan. Ibig sabihin may asawa na si sir Warren.
" Grace, tumigil ka nga,baka may makarinig sa'yo. May asawa na nga iyong tao. Anak nga diba? Anak niya ang babantayan ko. Alam mo ba, magkano ang sahod?" nakangiti kong tanong dito.
" Magkano ba?" mabilis niyang tanong.
" Thirty thousand lang naman,Grace.Libre pa pagkain at mga personal needs ko." masaya kong sambit sa kanila.
" Talaga?...halos magkasabay pa sila ni tiyang.
Hindi rin sila makapaniwala sa sahod ko at mga benepisyo ko bilang yaya ni Miah.
" At ito pa, dahil yaya ako ng anak niya. Matik din,na kasama ako kapag may travel sila out of country." masaya ko ulit na wika na nagpapadyang pa ako ng paa.
" Wow...bongga naman, cas. Baka, kailangan pa ni sir Warren, sabihin mo kamo kahit taga ligo nalang ako sa kanya." hindi parin ito tumigil sa pagbibiro.
" Sampal,gusto mo? Pasampal ka dun asawa niya." ganting biro ko din dito.
Kahit kailan talaga itong pinsan ko.Basta ma isingit nalang ang kalokohan nito.
" Alis na kami tiyang, napagod na ako." wika ni Grace.
Nagpaalam na kami.
Mataman kaming nag-antay ni Grace ng jeep pauwi sa bahay namin. Nandito kami sa labas na ng karinderya.
May humintong magarang sasakyan. Napakunot-noo naman ako. Dahil kilala ko ang may-ari ng sasakyan na ito. Kay sir Warren ito.
Anong ginawa niya sa oras na ito? May nakalimutan ba ito at bumalik pa sa karinderya.
Bumukas ang driver seat. Bumaba ang nasabing sakay, walang iba kundi si sir Warren.Sumunod dito si engineer Jovan.....
" Nandiyan sila sir pogi,oh..." siko sa akin ni Grace.
Ang gwapo niya talaga.Anong ginawa nila.
" Hi, girls...pauwi na kayo? " agad na tanong ni engineer Jovan.
Mas lalo naging gwapo si sir Warren dahil sa suot nito. Kaswal lang ang suot niya pero ang expensive ng dating.
" Nag-aabang pa kami ng masasakyan, sir Jov." sagot ni Grace. Tahimik lang ako,habang lihim kong sinulyapan si sir Warren.
" Tamang-tama, hatid na namin kayo. By the way, girls, may alam ba kayo na pwedeng puntahan or something kainan." tanong ni engineer Jovan.
" Maraming class restaurant po dito,sir Jov." sagot naman ni Grace.
Napakamot naman ng ulo si engineer Jovan.
" Yeah,I know. Pero not this time,ladies.Iba ang trip ngayon ni boss Warren. Nakakasawa na daw kumain sa five-star restaurant." agad na wika nito.
Lumingon pa kami kay sir Warren na ngumiti lang sa sinabi ni engineer Jovan.
" Sa Azul Cebu po. Para kaiba naman." singit ko.
Napatingin naman si sir Warren sa akin.
" Ahm...if it's okay, samahan niyo kami,ladies." nagsalita na din ito.
Nagkatinginan naman kami ni Grace. Nakakahiya naman tumanggi sa magiging amo ko.
" Sige po..." halos panabay namin sagot ni Grace.
Binuksan na nito ang pintuan sa back seat. Mabilis na kaming sumakay ni Grace.
Akala ko ba pagod kami ni Grace. Pero bakit bigla nalang kaming um-oo sa kanilang dalawa.
Tahimik lang kami sa biyahe. Ang ganda talaga pagmasdan ang city lights ng buong siyudad ng Cebu.
Nagulat pa ako ng magtama ang mga mata namin ni sir Warren sa rear mirrow ng sasakyan nito. Sa tingin ko mukhang magbarkada lang sila engineer Jovan. The way, sila mag-usap.
" Dude, kumusta na pala kayo ni, Shane?" biglang tanong ni engineer Jovan.
Tama nga ako, magbarkada nga lang sila dahil tinawag lang nito si sir Warren ng tawagang magbarkada.
Tumawa naman si sir Warren." Nagtatampo parin, hindi ko pa nasuyo. Busy ako sa construction ng building dito." sagot naman nito.
Ganito ba mga bilyonaryo. Mahalaga sa kanila ang business nila kaysa sa pamilya nila.Kaya siguro hindi ito sumama dito sa Cebu dahil nagtampo pala ang asawa nito.
Natigil lang ang pag-iisip ko ng pagtingin ko na naman sa rear mirror ay nagkasalubong na naman kami ng tingin.
" Mahirap talaga suyuin ang mga bata ngayon. Mahirap mag- girlfriend na mas bata sa atin,dude..." natatawang wika ni sir Jovan.
Nagkatinginan naman kami ni Grace sa narinig. Hindi kami makarelate kung paano magtampo at suyuin.
Dahil pareho kami ni Grace na wala pang karanasan sa pag-ibig. Hanggang pantasya lang kami ng pinsan ko sa mga pinanood namin sa TV at sa mga characters na lalaki sa mga online romance stories.
" Sinabi mo pa. Sakit sa ulo, pero wala eh. Challenge ang magmahal ng mas bata sa atin,dude. Dalawang ulo ang pasakitin sa'yo." wika nito.
Sabay naman silang tumawa. Sila lang nagkaintindihan sa unahan.
" Sorry,ladies... pasensyahan niyo na si boss Warren." singit ni sir Jovan na lumingon pa sa pwesto namin ni Grace.
Maya-maya pa dumating na kami sa Azul Cebu. Ang dami ng kumakain dito. Subrang ganda ang ambiance dito lalo na sa tuwing gabi dahil sa mga pailaw dito.
Mas naunang bumaba si sir Jovan. Pinagbuksan pa kami ng pintuan nito.
" Nice place..." wika ni sir Warren sa likuran namin.
Naghahanap na kami ng pwesto namin.Napalingon pa ang ibang kumakain dito. Kinilig ang ibang mga kumakain lalo na ang mga babae.
Huwag kayong mag-alala mga girls...hindi kayo nag-iisa. Kaso nga lang, may asawa at anak na ang isa namin kasama.
Sila na ni sir Jovan at Grace ang nag-order ng pagkain namin.
Nagulat pa ako ng biglang may magflash sa cellphone ni sir Warren na tapat sa mukha ko.
" I'm sorry, napindot ko ang camera." wika niya.
" How young you are,Liezel?" tanong niya sa akin.
" Twenty-one na po ako,sir..."
" Wow...your so young,hmp..." nakangiti nitong wika.
Hindi ko mapigilan, hindi mapataas ang kilay ko. Bata? I'm twenty-one already, I'm not young enough of what he thinks.
" I think, magkasundo kayo ng anak ko. Masabayan mo pa siya,lalo na sa mga trend ngayon. Yaya Neri is old enough na.Kaya siguro ayaw na din ni Miah kay yaya." natatawang sabi niya.
Natawa naman ako.Tumigil naman siya ng matawa ako.
" I like your smile, Liezel. Laughing innocence." diretsong wika niya na nakatitig sa akin.
Help me Lord, anong ginawa ni sir Warren sa sarili niya. Nilalandi niya ba ako? Hindi pa man ako nagsimula.Baka makalbo na ako ng asawa nito.
" Ohh,I'm sorry,my mouth..." nakangiti ito.
Tumango lang ako. Binaling ko nalang ang tingin ko sa ibang mesa. Paano ba naman kasi, nagsimula ng kumabog ang dibdib ko.
I can't resist his power of charisma. Don't tease me,daddy...
Napangiti ako ng malapad nang pabalik na sila Grace at sir Jovan sa lamesa namin.
Masarap naman kausap ang dalawa. Hindi mo makitaan ang mga ito na mayaman sila at mahirap lang kami ni Grace.
Hinatid na kami ni Grace. Mas naunang hinatid si sir Jovan bago si Grace. Ako ang huling hinatid.
" Cas,ingat ka sa pag-uwi." paalam ko kay Grace ng bumaba na siya ng sasakyan.
" Salamat cas, ikaw din ingat ka. Pogi pa naman ang magiging boss mo." biro nito sa kanya.
Napailing nalang ako sa biro nito. Hindi ko tuloy maiwasan na mahiya kay sir Warren sa tuwing magkasalubong ang aming tingin.
Hindi ko alam kung saan na ako uupo. Sa backseat parin ba o tatabi sa kanya.
" Sit beside me, Liezel. Ginawa mo naman akong driver niyan." biro nito.
Mabilis na nitong pinatakbo ang sasakyan para ako naman ang ihatid nito sa bahay namin. Natawa pa kaming dalawa ng sabay kaming napalingon sa isa't-isa.