Kabanata 6: Going to Manila

1299 Words
Liezel's POV Maaga akong naligo dahil susunduin ako ngayon nila sir Warren. Ngayon ang flight namin papuntang Manila. Nagka-usap na din kami nila mama at papa. Pati narin ang mga kapatid ko. Supportado naman nila ang desisyon ko. " Lagi kang mag-ingat doon,anak. Ngayon ka lang lalayo sa amin." malungkot na wika ni mama sa akin. Kasalukuyan kaming nandito sa sala. Nakahanda na ako lahat. Isang maleta na hiniram ko pa kay Grace ang dala ko at isang personal bag ang dala ko. " Opo,mama.Kayo din po dito.Mag-ingat kayo palagi. Lagi po akong tatawag sa inyo. Kapag wala na po akong gagawin." wika ko pa. " Huwag kang masyadong magtitiwala doon sa mga kasamahan mo sa bahay. Baka ipapahamak ka pa." dagdag na habilin ulit ni mama. " Opo,mama." tanging sagot ko nalang. Nalulungkot lang ito sa pag-alis ko kaya ganun na ang mga salitaan nito. Maya-maya pa ay may nauligan na kaming boses sa labas na nag-uusap. " Ate,Liezel, nandito na po ang sundo mo." sabi sa amin ni Brent,ang bunso kong kapatid. " Labas na tayo,mama." wika ko. Tulak ko na ang maleta.Nagulat pa ako nasa labas na pala sila papa at Beatrize ang pangalawa kong kapatid. " Papa,aalis na po ako." wiko ko na mahigpit ko siyang niyakap. Pati din si Beatrize. Nagkayakapan pa kami bago ako lumapit sa sasakyan ni sir Warren. Nagsimula na naman bumilis ang pintig ng puso ko. Nakasandal ito sa sasakyan niya. Nakasuot ito ng puting damit at nakapantalon. Mas lalo ito naging gwapong tingnan dahil nakasuot na naman ito ng dark shade.Kaya hindi ko alam kung nakatingin ba ito sa akin o hindi. " Get inside,Liezel." sabi niya ng mabilis na binuksan ang pintuan sa harapan. " Ako na po,sir..." agap ko ng buhatin niya ang maleta ko. " Ako na ilagay ko iyan sa compartment ng sasakyan." wika niya. Ayy...oo nga pala, tanga mo naman,Liezel. Nilagay na nito ang maleta sa compartment ng sasakyan. Bago ito pumasok sa loob ng sasakyan. May sinabi pa ito sa pamilya ko na nakapamulsa pa ito. " Pwede po kayong bumisita kay, Liezel kahit anong oras. Magsabi lang po kayo at ipapasundo ko kayo sa tauhan ko." wika niya. Nagulat naman sila mama sa sinabi nito. Kahit ako man ay nagulat sa narinig. " Huwag ho kayo mag-alala,ituring ho namin si Liezel na pamilya.Walang magkamaling manakit sa kanya doon. Tiyak malalagot sa akin." dagdag pa niya. Hindi ko alam kung seryoso ba ito o kaya nagbibiro lang. Para hindi masyadong malungkot ang pag-alis ko sa pamilya ko. Umikot na siya papunta sa driver seat. Kumaway na ako sa kanila mama at sa mga kapatid ko. Kinagat ko pa ang labi ko. Dahil nakaramdam ako ng lungkot na para bang gusto kong maiyak. First time kong malayo sa kanila. Alang-ala sa pangarap ko na makapagtapos para matulungan ko din ang mga kapatid ko sa pag-aaral ay kakayanin ko ito. Malaking opportunidad na ito sa akin na malaki ang sahod.Mabait naman si Miah ang batang alagaan ko at nandoon naman si aling Neri na kasundo ko. Si sir Warren...mukhang mabait naman siya. " Ayy..." napasigaw ako ng biglang lumapit sa akin si sir Warren. " Sorry,po sir..." sabi ko. "Tss...kanina pa kita kinakausap,Liezel.Just fasten your seatbelt,aalis na tayo." wika niya. Mabilis ko naman sinuot ang seatbelt ko. " Pasensya na po, sir Warren." hinging paumanhin ko sa kanya. " Did you miss your boyfriend? Nagpaalam ka naman siguro sa kanya." wika niya. Napakunot-noo naman ako. Mabuti pa siya, paladesisyon sa buhay ko. May boyfriend na daw ako. Eh,wala nga kahit isa.No boyfriend since birth ako. " Matagal na ba kayo ng boyfriend mo? " tanong ulit niya sa akin. Habang nagmamaneho na ito patungong airport. Hala siya... paladesisyon talaga siya. " Wala pa po akong boyfriend,sir Warren." sagot ko. " Hmm...and who's that guy, na sumundo sa'yo nung nakaraang gabi?" tanong niya. " Manliligaw po..." matipid kong sagot. Naasiwa ako sa sitwasyon namin. Masyado naman personal ang mga katanungan niya sa akin. " Good..." wika niya. Nilingon ko siya.May bahid na ngiti na nakasilay sa labi niya. Gwapo naman ng papable na ito.Swerte naman ng asawa nito. MALAPAD na ngiti sa labi ko ng makita ko sila aling Neri at Miah. Kasama ang mga tauhan ni sir Warren na nakasuot ng uniform na itim. May nakalagay na headseat sa tainga ng mga ito. Mana yata sila sa amo nila dahil nakasuot din ang mga ito ng dark shade. Kaya hindi ko na naman mawari kung nakatingin ba sila sa akin. " Hello,pretty ate. How are you? Are you excited to come in Manila with us?" salubong sa akin ni Miah. " Yes... pretty girl." matipid kong sabi. Dios na mahabagin,huwag na sana akong englisin ng alaga ko. Baka dudugo na ang ilong ko nito. Minsan din kasi si sir Warren,iniinglis din ako. "Hi, daddy pogi.Karga." wika ni Miah. " Sure,my little princess..." wika ni sir Warren,na agad ng kinarga si Miah. Naka private plane pala kami. Nauna ng sumakay sila sir Warren at Miah. Nakasunod lang kami ni aling Neri. Nakasunod naman sa amin ang mga tauhan ni Luke. Ngayon palang nagsimula na akong kinabahan. First time ko din na sumakay ng eroplano.Ang ganda pala sa loob.Nakikita ko lang ito sa TV. Pero ngayon heto ako, kinakabahan. " Are you okay,Liezel?" baling sa akin ni sir Warren. "Okay lang po ako,sir." mabilis na sagot ko. Wala akong katabi.Kaya tahimik lang ako. Sana pala tumabi nalang ako kay aling Neri. "Ayy..." napasigaw pa ako sa gulat ng mag-take off na ang private plane. Nahiya naman akong napatingin kanila sir Warren at Miah. " Sorry po..." kagat-labi kong sabi. " It's your first time, pretty ate?" tanong ni Miah sa akin na ang tinutukoy nito ang pagsakay ko ng eroplano. Tumango lang ako. " Ssss...behave,little princess." wika ni sir Warren. Tahimik na kami sa loob.Tiningnan ko sila Miah at sir Warren.Mukhang tulog na ang mga ito. Hindi ako makatulog, parang naiihi ako.Mahiya naman akong tumayo para iihi.Sinilip ko din si aling Neri,mukhang tulog din ito. May flight attendant na lumapit sa pwesto ko. " What do you need,ma'am? " maarte nitong tanong. Ganda ng boses nito bagay sa mukha nito at porma. " Iihi sana ako, saan po ang cr dito?" tanong ko. " This way po,ma'am." nakangiti niyang sabi. Agad akong tumayo. Dahan-dahan pa akong naglakad baka matumba ako. "Thank you,miss..." sabi ko sa magandang flight attendant. "Wow..." wika ko ulit. Ang ganda pala sa loob ng cr parang hotel lang din. Napatutop ako ng paglabas ko ay nakita ng dalawang mata ko. Shocks! naghahalikan sila sir Warren at ang flight attendant na kausap ko kanina. Nakangisi pang nakatingin si sir Warren sa akin. " That's enough, Candy." sabi ni sir Warren sa babae. Bigla naman napasimangot ang babae. Mataray niya akong tiningnan. " Disturbo..." sabi niya. Sinadya pa niyang banggain ang balikat ko. " Spoiled whore...." napailing na sabi ni sir Warren,nang makaalis na ang babae. " Sorry po, sir Warren. Hindi ko sinasadya...." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang dinikit nito ang daliri niya sa labi ko. " Don't talk too much...I hate the girl...noisy." sabi niya. Hindi na ito bago sa akin na may dumikit sa akin na lalaki. Pero bakit ganito ang naramdaman ko. Biglang nag-iinit ang katawan ko. Nang hinapit ni sir Warren ang bewang ko palapit sa kanya. " Behave, Liezel." sabi niya. Tumango lang ako para pakawalan na niya ako. " Hindi ko po sasabihin, sir, ang nakita ko po." nakapikit na sabi ko. Sana pala,hindi nalang ako nag-cr. Nakakita tuloy ako ng hindi dapat makita ng mga mata ko. " Your so pretty innocence,young lady." wika pa niya. Bago niya pinakawalan ang bewang ko. Napabuntong-hininga ako bago ako sumunod sa kanya pabalik sa pwesto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD