Chapter 79 Murfin’s POV “You zipper your mouth for this, Murfin,” matigas nitong sinabi at sa anyong mapapatahimik ka, bahagyang dilat ang mga mata at ang panga’y naggagalawan. Napasulyap siya sa may pinto ngunit mabilis ding ibinalik ang tingin sa akin. Malinaw ko pa ring narinig ang babala nito kahit pa tila ginigiling ng galit niyang mga bagang ang bawat salitang lumabas sa bibig niya. Pero ewan at hindi pa rin ako napatiklop nito. “Bakit, Dad? Hindi rin ba alam ni Tita Blaire ang totoo?” Patuya akong ngumiti. Mas lalong nandilat ang mga mata niya sa galit. “Stay away from these, Murfin. Wala kang sasabihin sa kahit kanino. You are not even one hundred percent sure! Sa mga sinabi ng Tita Odette mo, alin ba roon ang tama?” “You are caught and yet still continue denying? Seriously?”

