Chapter 78 Aki’s POV Napapalunok kong ibinagsak ang tingin sa kamay na hinalikan niya. “Stop it, Audrei,” turan ko sabay hila ng kamay ko. “You shouldn’t have done that,” dagdag ko sa maliit na tinig. Hindi naman ako nahirapang bawiin ito dahil ipinaubaya naman niya. Hanggang ngayon, pakiramdam ko nakadikit pa rin ang mga labi niya rito. Gusto ko ang ginawa niya, nasiyahan ang puso ko pero mali ang hayaan kong matangay ako sa simpleng ginawa niyang iyon. Narito na kami sa Gongguan station. Ibinaling ko ang atensiyon sa mga kasabayang naglalakad palabas ng train station. “But I feel like I want to do that so I did,” aniya nang walang bahid ng pagsisisi. “I am sorry but until now, it still hasn’t sunk in on me that we’re going to split up... Whatever we are going through, whatever you

