Chapter 90 Aki’s POV Naging abala si Audrei sa pagmamaneho. Sa tuwing kukurba ang sasakyan sa kanto ay napapatingin ako sa kaniya. Wala lang, parang ang smooth lang ng dating sa tuwing isasabay ko roon ang pagbaling sa kaniya. Iba iyong hatak, eh, ang lakas-lakas. He’s so hot while driving, the same as when he’s in bed with me. Hanggang kailan kami pagbibigyan ng pagkakataon? Hanggang kailan ako pagbibigyang lasapin ang ganito kasarap na pakiramdam sa piling ng asawa ko? Hindi ko alam... Muli ako tumingin sa labas. One of the best hills in Taiwan, the one we went to. Kanina ko pa napapansin na nag-iba ang route namin. Hanggang sa makalabas na kami ng lungsod ng Taipei. Parang Tagaytay-feels lang ang yumayakap sa buong pakatao habang nakatanaw sa susud-sunod na mga bangin na natatamnan

