Casandra Pov
"Ehem! Hi! " bati saamin nang isang gwapong lalaki na hulog nang langit! Dahil sa dami nang pagkain sa bibig ko nabilaukan pa ako!
"I think, you need this? " sabay abot niya saakin nang isang botle na tubig, kaya naman kahit nahihiya ako kinuha ko na at ininom ko!
"Thank you! " pasalamat ko nung medyo ok na ang pakiramdam ko! Samantalang ang kaibigan ko eto din nakanganga! Kaya naman siniko ko at natauhan naman!
"Bessshy! Ang swerte natin! Bat ba inuulan tayo nang mga nag gwagwapohang nilalang! " bulong pa saakin at napatawa pa nang mahina ang kaharap namin na lalaki dahil narinig niya ata ang bulong nang kaibigan ko,
"Ahm! Pasyensya na kayo sa abala ko, nakita ko kasing nakabukas ang pinto, kaya naman pumasok na ako, I'm sorry! " paghingi pa niya nang paumanhin saamin!
"Naku sir! Ok lang yun saka isa pa shop eto welcome ang lahat na gustong pumasok! " sagot ko naman sa kanya at tumingin pa sa buong paligid nang shop at napatango tango pa!
"Yeah! So, pwede ba ako tumingin sa mga paninda niyo miss? " paalam pa niya saamin dahil palipat lipat ang tingin niya saamin nang kaibigan ko, kaya naman sinagot ko na ulit, kasi tong kaibigan ko wala! tulala na naman!
"Yes sir! As I said, shop po eto! " nakangiti ko namang sagot sa kanya, at ngumiti siya at ako naman ang napatulala, grabeee talaga ang gwapo niya!!!! Pero pinigil ko ang sarili ko syempre!
"Thanks! Pwede mo na ituloy ang pagkain mo miss! " sabi pa saakin na hindi nawawala ang ngiti niya! Parang gusto kong tumili Crush ko na ata ako!! Ayeeehhhh!
Pero pagtingin ko sa side ko! Isang mapanakit na tingin ang bumungad saakin,dahil kung makatitig para akong kakainin, at pumasok lang naman ang isang simpatiko! Kaya nawala ang ngiti sa labi ko at gana ko sa pagkain, nagtaka pa ang kaibigan ko!
'Ow, anong nangyari sayo? Kanina lang nangingisay kapa sa kilig diyan? "Bulalas saakin parang hindi niya napansin si Simpatiko na pumasok! Dahil naka fucos siya sa lalaking ubod nang kagwapohan!
Kaya naman tumingin ako sa gawi niya! At hindi ko talaga mapigilan ang hindi mapangiti dahil bz siya sa pamimili nang paninda namin sa luob nang shop!
Natigil lang ang ngiti ko nang may humarang sa pinapanood ko! Kaya naman tiningala ko at nawalan na ang ngiti sa labi ko!
"Umalis ka nga diyan!! " bulyaw ko sa kanya! At hind nakaligtas saakin ang pagsulyap niya sa basurahan at pag igting nang kanyang mga panga!
Siya naman ang paglapit nang lalaking ubud nang kagwapohan! Kaya yung inis ko sa isa nawala dahil nakangiti ako na parang temang!
"Hi miss, I just want to take all of this! Ang gaganda nang mga to hah, ikaw ba ang may gawa neto? " tanong pa saakin sa hawak niyang bracelate na ginawa ko mismo pero galing lang naman sa divisoria lahat! Pero inarange ko lang.
"Yes sir! Kami po ang may gawa nang kaibigan ko... " magalang ko naman na sagot! Kaya naman sumeryoso siya nang anyo!
"Anyway, don't call me sir! Napakapormal mo naman, would you mind, call me by my name!, by the way! I'm Christopher, just call me Chris must better! " mahaba niyang litanya saakin sabay lahad nang kanyang kamay.
Pakurap kurap pa ako dahil hindi ako makapaniwala! Gwapo na mabait pa! Hindi katulad nang isa diyan! "Ano ba ginagawa niya dito! "Tanong ko pa sa sarili ko.
Kukunin ko na sana ang kamay niya nang umepal na naman si mr simpatiko! Ni hindi ko nga kailangan dito eh bakit andito kasi ang epal na to! Magpapakita kung kailan gusto niya!! In and out ganun!
"Ehem! Lahat ba nang customer kailangan nakikipagkamay? " sabat niya saamin, at sinamaan niya nang tingin ang taong kaharap ko, pero hindi rin nakaligtas saakin ang pag igting nang panga nang isa! Kung siguro nakakamatay lang ang igting nang panga nila baka dalawa na silang nakabulagta sa harap ko!
"What are you doing here, Mr Manzano?? " tanong niya kay Chris at tinawag na Mr Manzano! Ibig sabihin magkakilala sila??
"Bumibili neto! Bakit? " sarcastic naman na sagot ang isa sa lalaking simpatiko sabay taas pa ang mga paninda ko sa kanya! Pero ang isa parang nainsulto sa inasta niya!kung sabagay nga naman! Ay ewan!
"Sinusundan mo ba ako?? " tanong ni Marco kay Manzano, pero ang isa napangisi lang na nag iigting nang mga panga niya, kaya naman palipat lipat ako nang tingin sa kanilang dalawa
"Mr Altamerano, as I remember ako ang nauna dito sa shop! Isa pa bakit naman kita susundan lovers ba kita? " pang iinsulto na sagot ni Manzano kay Altamerano kaya naman ang isa kinulyuhan niya at nag iigting nang galit.
"Wag na wag mo akong susubukan Mr Manzano, you know who I'am isang pitik ko lang...... " sabi ni Altamerano na hindi na naituloy ang sasabihin niya kasi si Manzano na ang nagpatuloy kung ano man ang sasabihin,
Nagtataka din ako at hindi naman takot ang isa kahit pa sinasakal niya siya neto! Parehas lang sila nang itsura na para bang walang magpapatalo sa kanilang dalawa!
"Isang pitik mo lang ano??? Pababagsakin ang mga kompanya na pinaghirapan namin! Diyan ka magaling Mr Altamerano dinadaan mo lahat sa pera mo! Pero wag kang masyadong magyabang! Dahil darating ang araw sisingilin ka nang kayabangan mo demonyo!! " sagot ni Manzano sabay tulak niya kay Altamerano na hindi naman agad nakauma ang isa!
Kaya medyo kinabahan pa ako sa nasaksihan ko! Napaangat lang ako nang tingin nang tinawag ako ni Chris....
"Miss I'am sorry for what happened today! Anyway, babayaran ko nalang to and I have to go! " paumanhin pa saakin! At nag iwan nalang nang libo libo sa desk ko na subra subrang kabayaran sa mga kinuha niya!
Samantalang ang isa sinundan pa niya sa labas! Siya naman ang paglapit nang kaibigan ko saakin!
"Hoy! Anong nagyari sa dalawa?? " tanong saakin, nagkibit lang ako sa balikat dahil pati ako hindi ko din alam.
"Hindi ko alam Au, mukhang magkakilala naman sila, pero parang may lalim silang ugnayan sa isa't isa! Hindi ako sure! " sagot ko naman sa kaibigan ko.
"Bessh, aminin ko man natakot ako noh! Akala ko mag aaway na sila! Walang magpatalo eh! Parehas may dating! " bulalas nang kaibigan ko saakin,
Pero ang hindi mawala wala sa isip ko yung sinabi ni Chris na, na isang pitik lang kaya niyang pabagsakin ang isang companya!! "Ganun ba talaga kayaman ang isang Marco? " kausap ko pa sa sarili ko.
"Hindi ko din alam Au," nasagot ko nalang sa kaibigan ko! Sumulyap pa ako sa labas pero parehong wala na ang kanilang sasakyan!
"Hayyy naku besshy! Yaan nalang natin sila bahala sila sa buhay nila! " bulalas naman nang kaibigan ko, kaya tumango nalang din ako!
Saka naman ang pagsulyap ko sa basurahan at nakita ko ang bulaklak duon, at may nakaipit na papel, kaya naman dahil sa corious ako kinuha ko ang papel na hindi ko kanina napansin,
"Ano yan?? " tanong ni Au saakin, "ah wala" sagot ko naman sa kanya at nilagay ko na sa bag ko ang isang papel na nanggaling sa bulaklak kanina,
Saka naman ako napaisip! "Bakit bigla bigla nalang siya sumusolpot? " kausap ko sa sarili ko saka naman ako may naramdaman na pagsiko mula sa tagiliran ko!
"Hoy!! Tulala ka besshy! May bumabagabag ba sayo?? " tanong niya saakin na may pagtataka sa kanyang mukha!
"Wala Au! May iniisip lang ako, yung tungkol sa order ni Miss Betina? May naisip kanaba? " pag iiba ko sa usapan baka mabasa pa nang kaibigan ko kung ano na sa isip ko, magaling paman din siyang reader's lalo na saakin.
"Ayyy oo besshy! Meron na akong naisip! Ikaw sa accessories ako sa damit, pwede naman magtulungan tayo besshy ok ba yun sayo? " suggest pa saakin kaya naman tumango pa ako!
"Yes besshy!! Ganun nga saka simulan na natin at baka maubusan tayo nang oras lalo binigyan na tayo nang downpayment nakakahiya sa tao! " sabi ko pa sa kaibigan ko,
"Yes besshy, pwede naman natin gawin dito sa shop natin paunti unti ba, tapos yung hindi natin matapos i uwi natin sa bahay tapos dun natin ituloy, suggest pa ulit saakin,
Mukhang gumagana ang utak nang kaibigan ko ngayon, hindi puro kalokohan! Buti naman at naligaw ko siya!
"So, ganun nalang ang gagawin natin besshy! kaya magligpit na tayo at uuwi na tayo! Dahil wala naman nang bibili dahil gabi na! " bulalas ko pa kasi naman napasarap na naman kami nang kwentohan!
"Yes bessy! Ako na bahala magpasok nang mga paninda sa labas, ikaw na dito sa luob! " sabi pa saakin kaya tumango naman ako! Kinuha ko na lahat ang pera pati mga cheque na bigay saamin nang tatlong lalaking parang walang halaga sa kanila ang pera kung umasta!
Napailing nalang ako sa naiisip ko! Meron din kaming kasama sa shop pero 6pm palang pinapauwi na namin sila! Kaya dalawa lang kami ni Au na naiiwan sa shop hangang alas nuebe nang gabi!
Tiningala ko pa ang orasan sa dingding maaga pa naman, dahil alas otso palang nang gabi! Tapos na ata ang kaibigan ko dahil pumasok na siya!
"Bess tapos na ako! Halika na kung tapos kana diyan! " tawag pa saakin! "Ok bessh wait lang saglit! " sagot ko naman sa kanya at tumayo na ako! Ginala ko pa ang mata ko sa paligid mukhang ok na naman na lahat! Pati nga switch nang ilaw at saksakan! Naka off na.
Nalock na namin ang aming shop ni Au at kanya kanya nakaming sakay sa kotse! "Bye besshy see you tomorrow! " paalam pa saakin sabay beso. Ganun din naman ang ginawa ko sa kanya!
"Bye bessh! Ingat tayo hah! Uwi na tayo wag kung saan saan ka naman magpunta may pasok pa tayo bukas!! " paalala ko pa sa kanya kasi baka mag babar na naman siya! Palibhasa wala ang kuya ko na lalandiin niya!
"Yes ate!! " ganting sagot naman niya sabay bungisngis!! Kahit kailan talaga siya sira na naman utak niya! "Seyoso ako Au! " sagot ko pa na malakas ang boses ko kasi nakasakay na kami sa kotse namin.
Nagbosina pa siya bago niya pinaharorot ang kotse niya!! Kaya naman napailing nalang ako! Kung ako slight lang sa pagmamaneho! Ang kaibigan ko naman parang nakikipagkarera sa kalye sa subrang bilis!
Kaya naman umalis na din ako!! At pina andar ko na ang kotse ko at aalis na din ako! Pakanta kanta pa ako habang nag mamaneho, kasi hindi naman masyadong trafic! Saktong pagliko ko at siya naman ang may humarang saaking kotse kaya naman bigla akong nagpreno!!
"Lintik na!! Sino na naman ba ang hinayupak na humarang saakin!!! " sigaw ko pa sa kawalan! At lumabas duon ang hindi ko inaasahan na nilalang!!