Chapter 12

2028 Words
Casandra Pov Nag ngingitngit ako sa galit dahil ang humarang lang naman saakin ay walang iba kundi si Mr simpatiko! At nakita ko pa siyang bumaba at galit na galit na lumakad papunta sa gawi ko! Aba! Siya pa may ganang magalit! Bwisit talaga siya! Kaya naman binuksan ko din ang kotse ko at bumaba din ako! "Hoy simpatikong bastos! Sayo ba ang daan hah! " bulyaw ko sa kanya parang pamilyar ang eksenang to saakin! Habang siya nag iigting ang panga katulad kanina sa shop! Hindi ko din maiwasan ang hindi kabahan noh! At dahil sa mabilis niyang paglakad papunta sa gawi ko, napaatras pa ako sa subrang lapit na niya saakin, at etong puso ko dumadagundong na naman sa subrang bilis nang t***k, "A... Anong.. G... Ginagawa mo? " utal utal ko pang tanong sa kanya kasi naman palapit siya nang palapit saakin, ako naman paatras nang paatras, "Ginagalit mo ba talaga ako!! " sigaw pa saakin na parang nasira pa ata ang eardrum ko sa subrang lakas nang boses niya! Kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko at nasampal siya! "Hoy!! Una sa lahat! Wala kang karapatan na sigawan ako! Pangalawa ni hindi nga kita kilala! At isa pa sino kaba sa buhay ko!! " sigaw ko sa kanya pagkatapos kong siyang sinampal! "Pagbabayaran mo ang ginawa mo pagsampal saakin kaya halika!!! " sabi niya saakin sabay hila saaking braso! Masakit din hah! "Sandali!!! Masakit hayop ka kidnaping to binatawan mo ako simpatiko ka talaga hayop ka!! " mga sigaw ko sa kanya at walang babalang tinulak pa ako sa kotse niya! "ouch! " reklamo ko pa! Bubuksan ko sana, kaso nakalock kaya naman hindi ako makalabas! Siya naman ang pagpasok niya kaya kinuha ko ang fone ko para tawagan sana si daddy pero pilit niya na kinuha at basta nalang tinapon sa labas! "How dare you!! Hayop ka talaga!!! "Sigaw ko sa kanya at pinagsusuntok ko siya! Wala akong pakialam kung mabangga kami mabuti na yun at dalawa kaming mamatay! "Can you stop! Mababangga tayo!! " sigaw pa saakin! " wala akong pakialam kahit mamatay pa tayo ngayon! " ganting sigaw ko naman sa kanya, at hindi nakaligtas saakin na parang may lungkot sa kanyang mga mata, pero agad din naman nawala dahil nanlilisik siya nang galit na hindi ko alam ang dahilan. Iyak lang ako nang iyak sa loob nang kotse, pagud na pagud na rin ako sa kakasalita kahit anong gawin ko, hindi siya nakikinig saakin, hindi ko rin alam kung ano ba ang nangyayari sa taong to! "Ibalik mo na ako saamin please!! " pakiusap ko pa sa kanya baka sakaling makinig na siya saakin. "NO!! " maikli niyang sagot na para bang walang sinomang makapagpigil sa kanya! Kaya hinarap ko siya na puno na ang luha sa mukha ko! "Ano bang gusto mo saakin, yung pagsampal ko sayo sorry na? " pagsusumamo ko pa baka sakaling pakawalan na ako! Pero hindi parin siya nagsasalita! Malayo layo na rin ang tinakbo nang kotse ayon sa orasan nang harapan nang sasakyan niya mag aaluna na! Ganun na pala kami katagal sa byahe, ibig sabihin nasa labas na kami nang manila! Kaya naman iyak na ako nang iyak! "Mommy!!!! " tawag ko pa sa mommy ko na akalamo matutulungan niya ako! Sigurado ako mag alala sila saakin dahil hindi ako nakauwi tapos wala pa akong selfon. "Kung saan mo man ako dalhin, please, kahit payagan mo lang akong tawagan ang mommy ko o kahit ang kaibigan ko nalang, hindi sanay sila daddy na hindi ako umuuwi sa bahay parang awa mo na!! " pakiusap ko pa sa kanya! Sinulyapan naman ako saglit pero binalik din agad ang tingin sa kalsada, at binigay naman ang selfon niya saakin, pero bago yun may sinabi pa siya. "Papayagan kitang gamitin mo ang selfone ko, pero sa isang kondisyon! " sabi pa saakin na akala mo boss na hindi pwedeng baliin kahit anong sabihin niya. "Ano yun? " agad ko naman na sagot sa kanya! Sinulyapan na naman ako bago nag isip pa ata ang sasabihin niya bago ako sinagot! "Sabihin mo sa kanila na wag silang mag alala at sumama ka sa boyfriend mo!! " sabi niya na seryoso ang mukha! Kahit gusto ko sana tumutul kaso iniisip ko ang kalagayan ni daddy lalo sa companya, may sakit sa puso ang ama ko, may problema pa sa companya! Kung bibigyan ko nang panibagong proble ang pamilya ko baka kung ano pa ang mangari kay daddy! "Ok.... Gagawin ko kung ano gusto mo, pwede ko nabang tawagan sila mommy? "Sagot ko sa kanya pero hindi parin mawala ang galit ko! Kaya binigay naman saakin ang fone niya! At agad kong dinial ang selpone ni mommoy! Isang ring lang at sinagot agad, sigurado ako na nag aalala na sila saakin. Inayos ko muna ang boses ko bago ako nagsalita! Kailangan hindi nila mahalata na umiyak ako dahil mag aalala sila saakin. "Hello mommy! " nasigla kong boses! At narinig kong napahikbi ang mommy ko! "Anak asan ka nag aala kami sayo alam mo ba na pinahahanap ka nang daddy mo yung sasakyan mo nakita sa gita nang daan! "Sagot agad ni mommy saakin, tumingin pa ako sa kasama kong nagmamaneho pero isang seryosong sulyap lang ang binigay saakin, "Mom! Pakisabi kay dad na emergency kasi.... Sumama ako sa boyfriend ko!! " mahina kong sagot sa mommy ko lalo na sa last na linya "May boyfrien ka anak? Diba sinabi namin sayo na ipakilala mo siya bago ka sumasama na hindi namin alam hah! "Hindi naman kami mahigpit sayo Casandra pinag alala mo pa kami nang husto! " galit na si mommy saakin! Mukhang mali na ata ang ginawa kong disisyon dapat pala sinabi ko nalang ang totoo sa kanila, siya naman nag biglang pagkuha nang selpone nang kasama ko at pinatay na niya ang tawag, "Nasabi mo na ang gusto mong sabihin ok na yun! Nasa kanila na kung magalit sila sayo o hindi! " sabi pa niya na parang wala lang sa kanya ang nangyari kaya naman inbis na sagutin ko siya tumingin nalang ako sa labas kahit wala naman akong makita dahil sa kadiliman, Mukhang pati ang langit nakikisimptya pa saakin, dahil umuulan na! Eto ang unang nagalit saakin si mommy kaya medyo masakit saakin dibdib, "I'm sorry mom! Ayaw ko magsinungaling sa inyo pero wala akong magawa.... I'm sorry! " bulong ko pa sa hangin na akala mo maririnig ako! "Tama na ang iyak mo, inaaksaya mo lang ang mga luha mo sa wala naman kwentang bagay! " rinig ko pang sabi niya saakin, na akala mo walang halaga ang pamilya ko, kaya naman inbis na patulan siya hindi nalang ako umimik! "Mag ready ka punasan mo na ang luha mo! Kakain tayo! " sabi saakin at tinigil niya ang sasakyan niya sa isang restaurant! Dahil wala akong ganang kumain hindi ako gumalaw sa kina uupuan ko. "Pero pagtingin ko sa resto, parang pamilyar saakin ang LOGO neto.... Dahil isa eto sa minsan may nagdiliver na pagkain sa shop namin ni Au, and speaking of shop!! Bigla na naman akong nalungkot. Siya naman ang pagkatok sa bintana nang sasakyan niya dahil bumalik siya siguro hindi niya ako nahintay! Pero hindi ko siya pinagbuksan kaya naman siya na ang nagbukas nang pintuan at nagsalita! "Look! Gutom na ako at pagud! Kung pwede lang bumaba kana diyan at kakain na tayo para makarating na tayo kung saan tayo pupunta! " mahina niyang salita saakin pero nag iigting ang mga panga niya na parang pinipigilan niya ang magalit! "Kung gutom ka ikaw nalang ang kumain! At isa pa! Hindi ako ang may gusto na sumama sayo! Kaya wag mong isisi saakin ngayon kung pagud ka!! " ganti ko sa kanya dahil galit na galit din ako akala niya! "Kung hindi ka sasama saakin, baka magsisi ka sa gagawin ko sayo makuha mo!! " banta pa saakin, kaya naman hinarap ko siya! At nakatitig pala saakin. Pero hindi ako nagpatalo! "B.. Bakit ano ba gagawin mo saakin?? " utal ko pang sagot sa kanya dahil nadadala ako sa mga titig niya! "Kapag hindi ka sumama saakin nang maayos, bubuhatin kita mula dito hangang sa loob! " bulong niya saakin na nagbigay ang kakaiba saaking katawan dahil sa init nang kanyang hininga, kaya napalonok pa ako! "Ayaw ko! Ikaw nalang!" sagot ko na lumabas sa bibig ko! Kaya naman napatili pa ako dahil tinutoo nga niya ang banta, at nasa ere na ako! "Hayop ka hinayupak ka ibaba mo ako bwisit ka!! " reklamo ko sabay suntok sa likud niya, pero yumugyug lang ang balikat niya, ibig sabihin tunatawa siya?? Napatigil lang ako sa ginagawa ko nang pumasok na kami sa luob, at marami din tao kahit ganitong madaling araw na!! Kaya naman nagtaka pa ako, Dahil sa hiya ko, tinakpan ko nalang ang mukha ko gamit ang buhok ko! Siya naman ang pag ngiti nang kasama ko! "Hah ngumiti na naman siya? " kausap ko na naman sarili ko pero saglit lang ang ngiti niya dahil nawala na naman agad. Siya naman ang paglapit nang waiter saamin! At nakatitig saakin ang waiter na lalaki, "Subukan mo pa siyang titigan dahil mamaya lang wala kanang trabho! " seryosong sambit nang katabi kong lalaki sa waiter at bigla naman natakot ang isa! "I'm sorry Mr Altamerano hindi na po mauulit! " pag hingi naman nang waiter nang paumanhin sa katabi ko, hindi naman sumagot ang katabi ko sa sinabi nang waiter, at umalis na nga ang kawawang waiter na hindi manlang sumulyap! Medyo naawa pa ako sa waiter.... Kaya naman inirapan ko lang ang katabi ko, "kahit kailan talaga bossy! " bulong ko pa sa hangin! Pero napasulyap saakin pero pinaikutan ko lang siya nang mata! At sa wakas..... Dumating din ang pagkain! At nagulat pa ako bakit ang dami! At masasarap lahat! Parang hindi ako nanggaling sa iyak kanina hah! Dahil gutom nga ako nakalimutan ko ang nagyari saakin. Basta kain lang ako nang kain, at hindi nakaligtas saakin nang pagtaas nang kamay nang katabi ko at may lumapit naman na isa pang waitress na parang takot na takot! Pero ako binaliwala ko bahala sila basta ako kakain ako! "Sabihin mo sa mga customer kapag tumingin pa sila sa kasama ko, bukas na bukas bagsak na ang mga companya nila! " utos niya sa waitress, at agad naman umalis, tumingin pa ako sa paligi ko nakatingin nga lahat saakin lalo na ang mga kalalakihan, pero ang mga babae napatas kilay sila saakin, paki ko ba! At bigla nalang nagsilapitan ang mga waiter sa kanya kanyang mesa nila at may sinabi! At bigla nalang parang natakot ang mga mukha nila at nagsiyuko! "Anong nangyari sa kanila? " kausap ko pa sa sarili ko, Dahil busog na ako! Ok na ako! Dumigha pa ako sa harapan niya, dahil walang hiya siya wala din akong hiya, hindi nga ako nag sorry eh! Pero tumaas na naman nag labi niya parang pinipigilan niya ang mapangiti. "Are you done? O you want more? " tanong pa saakin, hindi ko alam kung nang iinsulto ba o concern talaga saakin, kasi seryuso naman ang mukha niya, "Hindi ako patay gutom noh! " irap ko pang sagot sa kanya, at hindi nakaligtas saakin nang pagflash nang camera! At biglang tumayo siya at pumunta kung saan my kumuha saamin nang letrato! "Mr. Altamerano bata lang yan pinapatulan mo? " sigaw nang isang may edad na babae! Kaya naman tumingin ako sa gawi nila! At hawak nga ni Mr Altamerano ang camera nang bata! "Bakit mo kami kinukuhanan nang litrato? " tanong niya sa bata na nanginginig na ata sa takot! Dahil hindi ko na matake ang ugali nang simpatiko tumayo na ako dahil pati bata papatulan pa niya! "Hello po, hello baby girl! Pasyensya na po kayo sa boyfriend ko mainitin lang po ang ulo kasi, sige ho salamat! "Sabi ko sa kanila at hinila ko na siya, mukhang natigilan pa ang luko kaya hinila ko nalang siya, hindi rin nakaligtas saakin ang pagsinghap nang mga kababaihan kanina! Pagtingin ko sa lalaking hawak ko ang kamay ay nangingiti na! Alla siya baliw na yata! Bulong ko pa sa hangin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD