Chapter 13

1610 Words
Casandra Pov Nasa harap kami ngayon nang kotse niya na hindi siya gumagalaw! Parang nacemento na ata ang kanyang paa! "Hoy simpatikong bastos!! " tatayo ka nalang ba dito o baka naman gusto mo sumakay na tayo? " tanong ko sa kanya! Dahil nawala na ang takot ko sa kanya kaninang kinidnap ako ewan ko ba kung kidnap ba yun! "Papaano tayo papasok kung hangang ngayon hawak mo pa kamay ko! " ganting sagot naman niya saakin sabay taas sa kamay namin dalawa, dahil oo nga hawak ko pa! Kaya naman bigla ko nalang binitawan! At nakita ko sa kabilang kamay niya ang camera! Nang bata kanina! "Bat dala mo yan?? Kahit bata pinapatulan mo akin na nga at ibabalik ko! " sabi ko sa kanya sabay kuha sa camera pero tinaas lang niya, kahit naman matangkad ako hindi ko parin abot! Dahil ba naman sa laki niyang tao! Kaya patalon talon pa ako! Mukhang nag eenjoy naman ang impakto sa ginagawa ko, kaya naman sinimangutan ko siya dahil napagud din ako sa ginawa ko. "Bata man o hindi! Wag ka dapat nagtitiwala! Alam mo ba ang litrato pwede nilang gamitin para makasira nang tao! Tandaan mo yan! " sabi niya sabay tapon sa baba ang camera at inapak apakan pa! Kaya nama napalaki pa ang mata ko! "Bat mo sinira?? " tanong ko pa mukhang mamahalin pa naman ang camera! Kahit kailan talaga ang kasama kong lalaki ang hirap espilingin ang ugali! "Kung iniisip mo ang camera, I can buy many of that! So don't worry dahil bukas na bukas ipapadala ko ang kapalit niyan sa bahay nang bata! " sagot pa saakin na akalamo siguradong sigurado sa sinasabi! "Ipapadala mo sa bahay nang bata?? Bakit kilala mo ba ang batang yun at kung saan nakatira? " tanong ko pa sa kanya, pero sinulyapan lang ako at kinuha ang kamay ko at dinala na ako sa kotse niya, Ang lagay siya naman ngayon nag humawak sa kamay ko, kaya eto na naman ang puso ko kung maka react. "I will give you the proof tomorrow! " sagot pa saakin bago niya pinaandar ang kotse! Kaya naman sinulyapan ko siya, "gagawin ko yun para matahimik kana kahit labag sa loob ko!" Dagdag pa niya kaya naman napairap pa ako! "Mukha yatang totoo ang sinabi ni Chris kanina na demonyo ang kasama ko ngayon! " bulong ko sa sarili, hindi ko na siya sinagot at baka saan na naman mapunta ang usapan namin! At mukhang tumigil na din ang ulan. Mabaha haba pa ang byahe namin! Grabe talaga siya hindi ba siya napapagud na nag mamaneho halos buong gabi siya hah! Pasulyap sulyap naman siya saakin at ako din.... Pero walang gustong magsalita! Hindi ko rin maiwasan ang maantok, dahil siguro sa pagud ko na rin kahit nakaupo lang naman ako! Naramdaman ko pang gumalaw ang upuan na para bang nakahiga na ako! "Pwede pala maging bed" kausap ko pa sa sarili ko, dahil nga ayaw magsalita hindi ako nag thank you! Bahala siya sa buhay niya! pero hindi naman ako makatulog! Kaya naman pabalikwas ko nang pabalikwas, 'hindi kaba makatulog? " sa wakas nagsalita din siya pero hindi ako sumagot, "Malapit na tayo kunting tiis nalang! " sabi pa saakin na akala mo naman isa siyang santo na bumaba sa lupa! Eh diba kanina lang ang demonyo niya! Pero humarap na ako sa kanya at umupo na rin! Siya rin pag ayus nang upuan ko sa dating pwesto kasi may pinindot siya! "Saan mo ba ako dinala? " hindi ko na rin mapigilan na hindi siya sinagot! Mahirap na ang mapanis nang laway! "Sa isang resthouse ko! " malumanay naman niyang sagot! Resthouse daw pero hindi naman sinabi kung saan bang lugar "Anong pangalan nang place na to? Bat umabot tayo nang umaga? " takang tanong ko pa! Kasi naman nagliliwanag na ang kalangitan. "Pasyensya kana biglaan ang pagpunta natin dito, pwede naman tayo sumakay sa Private Jet ko pero biglaan talaga! " sagot pa niya hindi ko naman tinatanong yun! "Ang sabi ko, anong pangalan ang lugar na to?? Ulit ko dahil nayayabangan ako sa pinagsasabi niya paki ko ba kung mayaman siya! Kaya sinulyapan pa ako! Pero hindi na naman ako sinagot nang hinayupak! Kaya inirapan ko na naman siya "yabang!! " bulong ko pa Pero may binabagtas kaming pagkahaba haba na daan na puno nang kakahuyan! Kaya medyo nagtaka pa ako! At siya naman ang kuha niya sa selpon niya at sumulyap na naman saakin! "Anong gusto mong kainin at ipapahanda ko? " tanong pa saakin, kakain na naman! Eh halos katatapos lang namin! "Ayaw kong kumain gusto ko matulog ako pwede ba yun? " pasuplada kong sagot! At ngumisi pa ang luko, na akala mo nakakatuwa ang sinabi ko! "Pwedeng pwede!! " sagot naman niya at binaba na ang selpon niya, hindi na siguro itutuloy ang tatawagan niya! Mga 30mins din namin binagts ang mahabang daan hah! Malayo pala yun, at medyo tanghali na! At nakarating na kami sa malaking gate!! Hindi ko rin mapigilan ang ma mangha dahil sa subrang ganda! "Bakasyonan ba to? Bakit ang laki naman! " kausap ko pa sarili ko Siya naman ng nagsiyukuan na mga kasam bahay niya ata at nakayuko lahat sila sa lalaking kasama ko na parang isang hari! "Maligayang pagdating Master! " sabay sabay pa nilang bati sa tinawag nilang master! Hindi ko naman siya narinig na sumagot kahit ni ngumiti nga hindi magawa! Pero napatigil din siya sa paglakad! At humarap sa mga kasambahay na nakayuko lahat! "All of you!! I want you to meet my Wife....! " sabi niya sa mga kasambahay niya at nabigla pa ako hah! Bakit wife agad! Kanina lang girlfriend! Magsasalita pa sana ako pero nagsalita ulit siya, "Kapag may nanakit ni isa sa inyo at hindi niyo sinunod ang utos niya o sinabi niya! Lahat kayo may kalalagyan! " banta pa niya kaya naman nag sitanguan ang mga kawawang angels.... Kaya sinamaan ko siya nang tingin! Pero hindi nakaligtas saakin ang pagsinghap nila sa ginawa ko sa master daw nila! "Lets go! Gusto mo matulog diba? " sabi pa saakin sabay hila na saakin kamay kaya naman bigla akong kinabahan parang gusto kong magsisi sasinabi ko kanina! "Sandali!!!! " sigaw ko at tumigil ako sa paglalakad, pati din siya napatigil dahil nga nakahawak siya sa kamay ko, "Yes what It is? " tanong pa niya na naghihintay nang sagot ko! Kaya nag isip ako nang pwede alibay dahil ayaw kong matulog "Gutom ako!! " bulalas ko sa kanya, pero eto na naman napangiti na naman siya! "Ok anong gusto mong kainin? " tanong pa saakin! "Kahit ano!! Basta may makain! " sabi ko naman pero napalunok pa siya sa sagot ko ni hindi ko nga alam kung saan siya napalonok eh! "Hmmp! Ok come! " aya niya saakin at dinala ako sa dine in! "Gutom daw ang ma'amm niyo! Bigyan niyo siya nang makakain! " utos niya sa mga kasambahay niya at lahat naman sila nataranta! Pero ang mayordoma lang ang hindi at nakangiti pa saakin. Kaya naman nginitian ko din, "goodmorning po manang! " bati ko sa kanya, at natuwa pa ata saakin kasi napangiti pa siya nang tuluyan, "Naku ma'amgoodmorning din po! Ang bait nyo naman pala! " sagot pa saakin! Pati mga kasamahan niya parang nabunutan lahat nang tinik ata sa katawan dahil gumalaw na silng lahat, "Kung hindi niyo mamasamahin pwedeng magtanong? " tanong ko sa kanila! Tumango naman silang lahat! "Bakit parang takot na takot kayo sa master niyo? Saka bakit mster ang tawag niyo sa kanya?? Tanong ko sa mas bata sa kanila! 'Naku ma'am! Malala kapag nagalit si master! Nanakit din siya kahit pa babae! Pero mabait naman ma'am! " sabay bawi niya, "Paanong mabait kung sabi mo nga nanakit diba? Bakit sinaktan naba kayo? " tanong ko pa siya naman ang pagdating ni manang, at napatigil na rin ang kausap ko! Kaya wala na akong nagawa kundi panoorin nalang sila sa kanilang ginagawa, at hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapapikit pa ako sa upuan! Parang dinadalaw na talaga ako sa antok, kaya naman habang naghihintay ako sa luto nila ipipikit ko muna mga mata ko! "Manang! Gisingin niyo nalang ako hah kapag nakalutu na kayo! Ok lang po ba kung iidlip lang ako dito saglit? " paalam ko pa samayordoma hindi ko na siya narinig na sumagot dahil padilim na ang paningin ko, hindi ko na kasi talaga malabanan ang antok ko! At nakatulog na nga ako! Nananiginip pa daw ako na lumilipad, kaya naman nakangiti pa ako! Pero nakasimangot ako dahil pati sa panaginip ko sumasama si Mr simpatiko! "Hoy!! Bakit pati sa panagini ko sumasama ka hah? Hindi naman kita iniisip! " sabi ko pa daw sa kanya! Pero ang hinayupak tumawa lang! "Alam mo mas gwapo ka kapag nakangiti ka at nakatawa! Kaso ang suplado mo alam mo bang tinakot mo ako kagabi! " sabi ko pa sa kanya total naman panaginip eto lubuslubsin ko na! "Kapag talaga magalit ang mommy ko saakin, malalagot ka! Alam mo ba na yun ang unang beses na nagalit ang mommy ko saakin kaya masakit dito!" Turo ko pa pa puso ko, Nakita ko pang medyo nasaktan siya at sumeryoso na naman ang mukha! "Ayan seryoso ka na naman ngumiti kana mas gwapo ka kapag nakangiti ka! " utos ko pa sa kanya at ngumiti naman kaya napangiti pa ako! "Sleepyhead! Sweetdream, sweetty!! " sabi pa saakin at hinalikan ako sa labi! " dahil panaginip nga lubulubusin kona! Gumanti din ako sa halik niya!! "Sarap!!! " sabi ko pa at napa halakhak pa siya! Pero dahil nga panaginip hinayaan ko nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD