Casandar Pov
6 years after
"Mommyyyy!!!!! " tili ni charlotte na rinig ko habang nasa loob ako nang kwarto at nagbibihis galing ako sa work, kaya naman dali dali akong nagbihis at lumabas sa kwarto.
"What's going on here hah?? " tanong ko kasi nagkalat na naman ang mga laruan sa salas! At as usual nakasimangot na naman siya.
"Mommy! Kuya doesn't want to play with me kasi! " sumbong saakin at nginuso pa ang kuya na na bz naman sa pagbabasa sa book na paborito niyang gawain.
"I don't want to play! Why I need to play with you! " sagot naman ang isa ko pang anak, kaya naman napakamot pa ako sa ulo! Mukhang totoo nga ang sinabi nang kuya ko na kailangan na namin umuwi sa Pilipinas
"Anak, diba sabi ni mommy sayo, na kapag ayaw ni kuya wag pilitin? " malambing kong paala sa anak kong babae, oo kambal ang anak ko, pagkatapos nang nangyari sa gabing yun! Natakot ako! Kaya naman kinausap ko sila mom, dad, kuya na kung pwede umalis nalang ako sa PILIPINAS.
At eto nga kami ngayon! At lumalaki na rin sila! At salamat sa dios kasi kinaya ko naman kahit alalang alala nuon sila mommy at daddy, hindi naman ako nahirapan kasi lagi naman ako binibisita nila kuya, oo nila! Kasi 3years na silang kasal ni Betina,
Si Au naman hindi ko alam kung nasaan na ang kaibigan kong yun, dahil mula sa gabi nang party bigla nalang siyang nawala! Wala din ako balita sa kanya kasi ako din naman may problema, pero ngayon masasabi ko ok na ako!
"Hello!!! " bungad sa pintuan si Chris isa pa tong pasaway na to eh! Ini spoiled din ang mga anak ko! At pati din siya dahil sa nalugi daw ang companya dumito na rin tumira sa France!
"Hello tito Chris saan yung pasulubong ko po? " bati agad nang anak kong babae samantalang ang lalaki hindi naman tumatayo sa kinauupuan niya, ewan ko sa panganay ko, minsan naalala ko sa kanya ang ama niya pareho silang seryoso!
"Makakalimutan ko ba baby girl! Tsarannnn!! " wagayway pa niya sa isang babydoll na naman!! Napailing nalang ako!
"Cheap!! " bulong nang anak kong lalaki at tumayo na at pumasok sa kwarto na medyo nagtaka pa ako! Kaya naman tinawag ko!
"Marvin comeback here!! " sigaw ko sa kanya pero tuloy tuloy lang siya sa paglalakad,
"Isa!! " bilang ko at tumigil naman! Kahit andito kami sa France tiruan ko parin silang gamitin ang lengwahe sa pilipino dahil alam ko naman uuwi din kami balang araw.
"Kailan kapa naging bastos hah! " pagalit ko sa kanya, "It's ok cassy! " sita saakin ni Chris pero pinagalitan ko din, " No! Hindi maganda ang inasta niya sayo! " sabi ko na ikinatigil nilang tatlo dahil pati ang anak kong babae tumigil din alam kasi nila kung paano ako magalit.
"Say sorry to tito Chris? " utos ko sa kanya pero tiningala lang ako, "No! " sagot niya sabay iling! Aba saan siya natuto nang pagsaway saakin ang batang to!
"Marvin!!! Isa? " pagbabanta ko pa! Pero ayaw parin magsalita! "Dalawa! " bilang ko pa pero tumulo na luha niya! " sorry! " sabi at tumakbo na papunta sa kwarto, nagtaka pa ako sa asta niya bat naging ganun na siya hindi naman siya ganun dati.
"Chris I'm sorry pero hindi naman kita pinapalayas kaso mukhang kailangan ko silang makausap na dalawa" nahihiya ko pang sabi sa kanya.
"Yeah, pero wag mo nag pagalitan hayaan mo na ganun talaga kapag bata! " paalala pa saakin kaya tinanguan ko na.
"Bye baby girl! " paalam pa niya sa anak ko na ngayon ay nagliligpit na nang mga kalat niya, pero sumagot naman "bye tito Chris thanks po sa doll" malambing niyang tugon sa isa kaya tuluyan na siyang umalis at sinarado ko na ang pinto.
"Anak stay here ok, kakausapin ko lang si kuya, " paalam ko pasa kanya, "Yes po mommy!" sagot naman saakin, kahit limang taon palang sila marunong na silang magligpit nang kanilang kalat partikular sa kanilang laruan at marunong na din silang magbihis sa sarili nila.
Yun kasi ang turo ko sa kanila nuon, dahil wala akong ibang aasahan kundi kami kami lang,dahil hindi naman naglalagi sila kuya dito at meron na din siyang sariling pamilya.
Binuksan ko na ang pinto at nakita ko ang anak kong lalaki na nakaupo sa ibabaw nang bed at nagpupunas nang mata, umiiyak nga!
"My I come in? " tanong ko pa at tumango lang naman, kaya naman niyakap ko na siya,
"Kuya bakit nag aatitude kana hmmp? " tanong ko agad sabay haplos sa likud niya, kasi para din etong matanda minsan kahit nabibilang ang sasabihin niya, hindi katulad nang kapatid niya na hindi titigil yun sa kakasalita kapag hindi mo pinatigil.
"Kasi mommy sabi niya saakin mahal kadaw niya! " sumbong niya saakin, kaya naman niyakap ko siya ulit, oo nga ilang beses nang sinabi saakin ni Chris na mahal niya ako na handa niyang akuhin lahat pero ilang beses ko din tinanggihan, dahil para saakin sapat na ang dalawa kong anak.
"Anak, hindi naman ibig sabihin mahal niya ako eh iiwan ko na kayo o ipagpalit diba? Isa pa diba sinabi ko naman sa inyo na kayo lang ni Charlotte sapat na? " paliwanag ko pa sa kanya na akala mo maiintindihan ako,
"Promise mommy! Hindi mo sasagutin si tito Chris? " sabi pa saakin na tumitigil na din sa pag iyak, kaya naman tumango ako at pinunasan ko na ang mukha niya na puno na ang luha,
"I' promise anak, kayo lang ni Charlotte ang laman neto! " turo ko pa sa puso ko at niyakap na ako. "Ilove you mommy forever... " sagot saakin na napaluha pa ako, "Iloveyou too anak forever and ever... " sagot ko naman at siya naman ang pagpasok nang kapatid niya!
"Me too hug me!!! " sigaw pa niya at tatlo na kaming nagyakapan! "Ilove you mommy forever and ever! " sabi pa niya saamin kaya naman ang drama kanina napuno na nang hagikgikan!
Natapos ang hagikgikan nasa sala sila na nanonood nang Tv... At ako naglulutu nang dinner namin! Tapos biglang may nag doorbell
"Dingdong...."
"Anak buksan mo nga yun baka si tito mo Chris! " utos ko sa kanila at hindi na naman nakaligtas ang pag Tsk ni Marvin,
"Narinig ko yun kuya hah! " sabi ko pa sa kanya, at napa sorry nalang din siya,
"Sorry mommy! " sigaw niya! Narinig ko pang nag click ang pintuan patunay na pumasok na ang bisita, pero nagtaka pa ako at bakit tahimik ata sila, siguro nga dahil kay marvin,
Habang nag luluto ako nang pasta tahimik lang sila sa salas, kaya naman binilisan ko pa ang galaw dahil mamaya gutom na sila at mag aalborot na naman ang anak kong babae,
"Ayan tapos na! Dahil may bisita kami dinagdagan ko nalang ang apat na plato ang lamesa namin. "Dinner's ready!! Maghugas na kayo nang kamay niyo mga anak! " sigaw ko pa sa kanila
Pero walang sumasagot, kaya medyo nagtaka pa ako! "Marvin anak Charlotte! " ulit ko kaya kinabahan ako, "OMG baka kinuha sila nang ng masasamang luob! "Kausap ko sarili ko at mabilis akong tumakbo sa sala at ganun nalang ang gulat ko sa nadatnan ko!
Habang nakatingin ang tatlo sa dalawa kong anak na nakatitig din sa kanila na walang sinoman magpapatalo, pero hindi maialis saakin ang kabahan.
"A... Anong ginagawa niyo dito? " nauutal ko pang tanong, at siya naman ang isa isa nilang sulyap saakin.
"Casandra?? " si Jade na may pagtatanong sa mga mata niya! Pero pinatatag ko ang loob ko! Paano nila ako natunton dito sa France? Mga katanungan sa isip ko.
"Are you may dad? " tanong ni Marvin kay Franko na ikina halakhak nang isa! Nabigla pa ako sa tanong nang anak ko, dahil ni minsan hindi naman siya bumabanggit sa ama niya saakin.
"Pare walang duda!! Nagkalat na pala si Altamerano oh, tignan mo copy na copy! " bulalas ni Lexter sabay turo pa sa anak!
"Put down your hand! And don't point on me!" utos na naman niya kay Lexter at bigla naman parang natulala pa ang isa!
"Walang duda pare!! 100% sure na! " sabi na naman ni Lexter! Kaya kinabahan ako sa pinagsasabi nila.
Samantalang si Jade nakatingin lang saakin,
"Ahm! Anak mauna na kayong kumain nang kapatid mo ok? Please....! " pakiusap ko pa sa anak kong lalaki, at buti naman nakinig sila saakin.
Dahil wala na sa harapan namin nag dalawang bata, hinarap ko sila, wala naman kasalanan ang mga to pero bago ako umalis sa bansa nalaman ko lahat ang nangyari! Dahil sa sama nang luob ko at takot din nila mommy na baka anu mangyari saakin, kaya pinayagan din akong umalis kahit labag sa kaluuban nila.
"So, anong kailangan niyo? " matatag kong tanong sa kanila, kung sabagay hindi na ako magtataka kung bakit sila andito dahil wala naman nagpapatalo sa kanilang apat kung yaman din ang pag uusapan.
"Casandra! Ano tong nakita namin? "Si Jade ang nagsalita na seryoso ang mukha kaya namam sinagot ko nang seryoso din,
"Nakita niyo mga anak ko! Bakit ano nakakabigla duon? " sagot ko na deretso pero napa iling lang silang sabay sabay pa
"Casandra kay Marco sila diba? " si Jade ulit kaya naman natahimik ako sa saglit dahil anim na taon na walang sinuman bumanggit ang pangalan na yun,
"NO!! anak ko lang sila! At walang Marco na involve! " pagsisinungaling ko pero umiling iling sila!
"Kailangan niya tong malaman! " sabi ni Franco at idadial na sana niya ang fone niya na tinipa ako at natapon pa! At tatlo pa silang nagtaka sa inasta ko!
"I'm sorry! " paumanhin ko kay Franco, pinulot namam ni Lexter ang selfone na natapon sa sahig,
"Please wag niyong sabihin sa kanya, isa pa masaya na ako, kami, at siya!! Diba kinasal na siya? Wag niyo na idamay ang mga anak ko maatim nyo ba na masasaktan ang mga bata hah? " pagsusumamo ko pa sa kanila
"Casandra you don't know what are you talking about! " si Jade na naman ang sumagot! Kaya hinarap ko siya,
"Please naman Jade ayaw kong masaktan ang mga anak ko, kaya nga lumayo kami diba dahil ayaw ko may madamay please naman oh! "Pagsusumamo ko pa ulit,
Pagkatapos nang mahaba habang usapan nagpaalam na sila saakin pati sa mga bata, pero bago pa sila umalis may binilin pa sila,
"Pag isipan mo mabuti ang sinabi namin Casandra kilala mo ang ama nila, at meron din siya karapatan sa anak mo."