Casabdra Pov
"Ready? " tanong ni kuya sakin, kaya naman nginitian ko siya! Eto kasi ang araw nang party para sa mga mayayamang negosyante sa buong bansa!
"Yes kuya! Ready na ako! " masigla kong tugon, unti unti ko na din natatanggap ang lahat, kaya naman alam ko darating ang araw na magiging tuluyan din akong masaya kasama ang mga anak ko,
Oo, mga anak ko, dahil dalawa ang nabubuhay sa loob nang sinapupunan ko, sabi ni kuya saakin, hindi na daw kailangan na malaman pa nang ama nila ang kalagayan ko,
Kung sabagay tama naman siya, dahil para saakin isang bangongot lang siya sa buhay ko!
"Lets go? " pukaw saakin ni kuya kaya naman kinawit ko na ang kamay ko sa braso niya,
At duon sa baba naghihintay sila mom and Dad saamin, ok na din sila mommy and daddy nung nahimatay silang pareho dahil sa nangyari saakin, at salamat sa dios kasi ok naman ang puso ni daddy,
Anduon din si Au na napakaganda din ang suot nang kaibigan ko, para din siyang angel na bumaba sa lupa pero sa likud nang maamo niyang mukha duon naman nagtatago ang malatigre niyang ugali, kaya napailing nalang ako sa naiisip ko.
"Wow ang ganda naman ni buntis!! " bulalas pa saakin, kaya napatawa nalang si mom at dad! "Sigurado ako besshy babae at lalaki yan! " bulalas pa saakin, kaya napailing nalang si mom sa kaibigan ko dahil ang daming alam
"Mom, Dad alis na kami! " paalam ni kuya sa mommy at daddy ko! Sabay beso na din namin ni Au sa kanila, "sige mga anak mag iingat kayo hah! Dave yang kapatid mo hah ingatan mo! " paalala pa ni daddy kay kuya.
"Yes dad! Ako na bahala! " sagot naman nang kuya ko kay daddy, at umalis na nga kami,
"Kuya kilala mo pala si Miss Betina? " tanong ko sa kanya habang nasa driver seat siya dahil siya nga ang driver namin, samantalang sa pasenger seat kami nang kaibigan ko.
"Yeah! She's a good friend! " sagot naman ni kuya pero duda ako, kasi napapansin ko sa kanya kumikininang ang mga mata niya kapag siya ang pinag uusapan namin, at etong kaibigann ko nakasimangot na naman!
"Hoy! Anong nangyari sayo? " siko ko sa kanya kasi naman yung nguso niya pwede nang sabitan nang hanger! Pero napahinga lang siya nang malalim,
"Broken hearted ako besshy! " bulong niya na abot naman sa pandinig ko! "Kanino! " bulong ko rin, "sa driver? " ganting bulong niya kaya pinalo ko siya! Kahit kailan talaga nag jowjowk na naman siya!
Pero sinamaan ako nang tingin, "bakit sa dinami dami nang pwede kong karibal besshy duon pa sa dyosa! " drama niya saakin, at sinulyapan ko siya at oo nga malungkot talaga siya,
"Hoy! Seryoso ka? " tanong ko pa baka kasi drina dramahan na naman ako best actress paman din siya kasi nadadala ako sa mga drama niya minsan.
"Oo nga! " sabi niya kaya naman hinaplos ko na ang likud niya, "yaan mo na malay natin makikita mo mamaya ang truelove mo sa party! " pag che cheer ko sa kanya at bigla naman nagliwanag ang mukha niya, see kita mo ang dali niyang mag move on.
"Oo nga noh besshy? Bakit nga ba ako magpapakamartir sa taong hindi naman makita ang halaga ko! " sabi pa niya saakin na medyo tinamaan ako, kung sabagay hindi ko pala hinabol ang ama nang anak ko. And speaking of him dalawang buwan na rin ang nakaraan ni hindi ko makita ang anino niya!
"Beautifuls ladies andito na tayo! " masiglang bulalas ni kuya saamin, pero himala tong kaibigan ko hindi nangisay da kilig sa tinawag na endearment nang driver namin, mukhang nakamove on nga agad!
Kaya naman pag park ni kuya sa harap nang napakagandang hotel yata eto! Binigay nalang niya ang susi sa mga naka uniform. At pumasok na kami sa loob, siya naman ang paglabas nang isang napakaganda at eleganting babae, sabi nga nang kaibigan ko DYOSA!
"I'm glad you came!! " masayang bati niya saamin, at beneso kami at niyakap! Pansin ko rin sa kaibigan ko na may nagbago ang tingin niya kay Miss B, kasi naman kung ano napapansin ko sa kanilang dalawa ni kuya yun yata ang napapansin nang kaibigan ko,
"Lets go inside! " aya pa niya saamin kaya naman pumasok na kami, lumapit pa saakin nang kuya ko at pinaalahanan niya ako na bawal ako sa alak, kaya naman tinawanan ko lang siya!
"Mr Rodrigez I'm glad you here! " bati nang isang lalaki sa kuya ko kung hindi ako nagkakamali kaedaran siya nang kuya ko, pero ginala ko sa ang paningin ko bigla nalang nawala ang kaibigan mo,"nasaan na ba yun" kausap ko pa sarili ko
"And who's this lovely lady? " tanong pa niya sa kuya ko, kaya naman sinagot din siya nang kuya ko, samantalang ako nakangiti lang.
"By the way Mr Anderson, she's my sister Casanda! " pakilala naman ni kuya saakin! At nakipagkamay din naman ako!
"Wow! May kapatid ka palang maganda pare bakit hindi ko manlang alam? " bulalas pa nang lalaki kaya napailing nalang ako! Siya naman nag paglapit nang isa kong kilala at dumeretso pa saamin,
"Dude!! " kaway pa niya sa kuya ko pero saakin naman nakatingin, "oh Manzano you came! " bulalas din ni kuya! Magkakilala sila?
"Ofcoures palalampasin ko ba ang pagkakataon na to pare! Darating daw ang CEO nang mga brandnew car galing sa France hindi ko to palalampasin! " dagdag pa nang isa
"And by the way.... I know here? " sabi pa niya sa kuya ko na iniisip yata niya kung saan ako nakita, "saan ko nga ba siya nakita! " bulong pa niya,
"Bata bata ulyanin na na pala! " bulong ko pero umabot yata sa pandinig niya at tumawa pa siya nang malakas kaya nama nasa amin ang attention nang mga tao sa loob.
"Do you know each other?? " palipat lipat samin ni kuya ang tingin! Tumango naman ako bilang sagot at ang isa naman hindi matapos tapos sa kakatawa kaya naman sinipa ko ang tuhod niya para matigil na!
"Ouchhhh!! " bulalas pa niya na ikina bungisngis ko! Pero bigla akong nakaramdam nang kaba, dahil pakiramdam ko may nakatitig saakin, kaya naman palinga linga pa ako pero lahat naman sila bz sa kanya kanyang table.
"Are you ok? " alalang tanong nang kuya dave ko, kaya ang lalaking tawa nang tawa kanina mukhang nagugulat, akala niya ata lovers kami nang kuya ko,
"By the way pare, my sister Casandra! " sabi nang kuya ko sa kanya na ikinaliwanag nang mukha niya na kanina lang parang naguguluhan,
"What?? Akala ko.... Anyway nice to meet you again Casandra!" sabi niya saakin sabay lahad nang kamay niya kaya kinuha ko na rin.
Nung una kita ko siya, aaminin ko crush ko pero nagbabago pala ang damdamin sa isang iglap! Parang man hater na ako! Pero mahal ko si daddy at kuya ko syempre!
"Akala mo girlfriend niya kasi ngayon mo lang nakita? " bulalas ni Mr Anderson! At sinuntok lang naman ang isa feeling ko close ang tatlo!
"Hi Handsome! Ok lang ba kayo dito? " bati ni Miss B sa dalawang lalaki sabay beso niya sa kapatid ko, pero hindi naman bineso ang dalawa,
"Tsk! Nagpapa inggit ba kayo! " wag naman dito mahiya nga kayo! "Reklamo ni Manzano kaya hindi ko na mapigilan ang mapabungisngis, na nagpatigil sa kanilang lahat at natulala pa saakin,
"What?? " takang tanong ko pa sa kanila dahil naka nga nga lang naman ang tatlong lalaki saakin,
"Masama ba ang tumawa?? " tanong ko pa ulit sabay tawa na naman! At sinabayan pa ako ni Miss B.
Habang masaya kami, bigla naman may umagaw nang eksena! At lumapit saamin nang hindi ko inaasahan na makita!
Lahat na andito sa mesa ay natahimik lahat pero hindi nakaligtas saakin ang pag igting na kani kanilang panga!
"Hi miss Betina congrats! Ang ganda nang venue! " agaw eksena nang kasama niyang babae, walang iba kundi si Monique, pero bakit parang bumalik ang sakit sa dibdib ko,
Naramdaman ko pa ang pagpisil nang kuya ko sa kamay ko sa ilalim nang mesa. Kaya naman tiningala ko siya at nginitian,
"Thank you Monique! " maikli naman na sagot ni Miss B kay monique ni hindi nga beneso, "oh Mr. Altamerano I'm glad you here!"
Bati din niya sa lalaking pakiramdam ko saakin nakatitig.
At siya naman ang pagtugtug nang lovesong! "If you don't mind pare pwede bang isayaw ang sister mo? " paalam ni Chris sa kuya ko, kaya naman hindi ko na hinintay na sumagot ang kuya ko at agad agad ko nang kinuha ang kamay niya at ako na din ang humila sa kanya sa gitna nang dance floor.
Hindi rin nakaligtas saakin ang pag igting nang panga ni marco at pagkuyom nang mga kamao niya! Pero bakit ba siya nagagalit,
"Are you ok? "Bulong saakin ni Chris kasi kapag hindi siya bumulong hindi ko rin naman maririnig dahil sa lakas nang sound sa loob!
"Yeah, don't mind me!" sagot ko na nakangiti at binulong ko din sa kanya "do you know how beautiful you are Casandra" bulong na naman niya saakin, namula pa ang mukha ko sa sinabi niya,
"Bolero ka rin pala! " bulalas ko pa sabay iling, at siya na naman ang napahalakhak siya! Kaya tumawa na rin ako, kung may makakita saamin baka nagkamalaan kaming sweet na sweet sa isa'r isa.
Habang sumayaw kami, bigla bigla nalang na may sumugod sa gitna nang dance floor at sinuntok ang kasayaw ko! At mukhang malakas dahil dinugo pa ang ilong!
Pagtingin ko sa sumuntok si Marco na nag aapoy nang galit! Kaya naman hindi ko na mapigilan ang sarili ko na kanina pa ako nagtitimpi!
"Ano bang problema mo hah!! " sigaw ko sa kanya, at siya naman ang lapit nang kuya ko at ni Miss B, wala din ako paki kung nakakakuha na ako nang attention nang mga tao!
"It's ok Casandra, I'm ok! " sabad naman ni Chris na ngayon nakatayo na pero may dugo parin sa ilong, habang ang lalaking sumuntok nakatitig lang saakin, hindi rin nakaligtas saakin ang mukha niya na nakalimutan na rin ata ang mag ahit!
"Lets go cassy! We need to go home! Aya saakin nang kuya ko pero bago pa niya ako mahila palayo nang kuya ko, nagsalita siya,
"Can we talk please....! " sabi niya na ikinatigil ko sa paghakbang, kung hindi ako nagkakamali eto ang unang araw na nag please siya! Pero sabi ko nga matigas na ako!
"Wala na tayong dapat pag usapan pa Mr Altamerano, dahil una sa lahat! Hindi naman kita kilala maliban lang sa pangalan mo, and please ayaw na kitang makita pa! " sabi ko sabay talikud ko at siya naman ang biglang pagsakit nang tiyan ko, at pagtingin ko sa hita ko may dugo!
"Kuya..... Kuya!!! Ang baby ko!! "