Chapter 17

1700 Words
Cadandra Pov "Magbabayad siya kapag may nangyaring masama sa kapatid ko dad!! " mga sigaw ni kuya ang nagpagising saakin, "Nasaan ako?? " tanong ko sa kanila na mahina ang boses ko! At ang kuya ko kanina na galit na galit, ngayon parang sinukluban nang langit ang mukha sa subrang kalungkutan. "Anak, kamusta na ang pakiramdam mo? " tanong ni Daddy saakin, na nakikita ko din na may lungkot sa kanyang mga mata, "Ginala ko ang paligid andito sila lahat, si Mom na umiiyak pati si Au parang katatapos din ang iyak, "ano ba nangyayari sa kanila buhay pa naman ako! " bulong ko sa sarili ko. "Besshy........ " yun lang ang nasabi ni Au saakin at niyapak pa ako habang nakahiga ako, kaya medyo naguguluhan ako sa asta nilang lahat, "Bakit ganyan ang mga mukha niyo?may taning na ba ang buhay ko? " tanong ko sa kanila kasi naman kung maka react sila saakin parang malapit na akong mamatay! Lumapit si mommy saakin at hinawakan ang palad ko at hinaplos, "Cassy anak, lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari andito lang kami na pamilya mo ok.. " malambing niyang sabi saakin na parang pinipigilan ang hindi mapaiyak. Kaya mas lalo pa ako naguguluhan, Habang si daddy hindi rin nakaligtas saakin ang nagkikislapang mga luha na dumaloy sa mata niya, kaya mas lalo akong kinabahan, bakit lahat sila umiiyak! "Mom...... M....may sakit ba ako?? " utal kong tanong sa kanya pero umiling lang at umiyak na, "Then bakit lahat nang mukha niyo ganyan? May taning na ba ang buhay ko? " tanong ko pa sa kanila dahil palipat lipat ang mata ko sa kanilang apat. Siya naman ang pagpasok nang doctor sa loob nang kwarto, dahil nasa hospital pala ako, siguro tibakbo nila ako kaninang nahimatay ako. "Gising na pala ang pasyente natin? Kamusta ang pakiramdam mo hija? " tanong nang isang babaeng doctor kung hindi ako nagkakamali nasa mid50 siya, "Ok naman ako doc.... Yun lang po medyo nahihilo ako, " tapat kong sagot sa kanya dahil napapansin ko talaga sa sarili ko lagi nalang ako nahihilo kahit sa nagdaang araw! Ngumiti naman ang doctor saakin na para bang sinasabi na "ok lng"... At sinagot ako, "Normal lang hija sa nararamdaman mong ganyan, lalo na first stage ka palang sa pagdadalang tao" sagot saakin na ikinalaki nang mata ko? "Po?? " yun lang ang nasabi ko, kaya medyo napakonot pa ang mukha niya sa sinagot ko, "Oh, I'm sorry hija, pero 1month pregnant kana, saka wag mong pababayaan ang baby mo maselan ka paman din," sabi saakin na bigla kong ikinatahimik, Kaya ba tahimik silang lahat dahil buntis ako? Nagbunga ang kahayupan nang demonyong yun saakin!! Kaya naman hindi ko maiwasan ang hindi magwala! "No!!!! Hindi totoo yan! Nagbibiro kalang doc hindi ba??? No!! No!! Ayaw ko!! Mommy ayawko!! " nagmamakaawa ako sa mommy ko pero panay lang din ang iyak niya, "Mis calmdown, makakasama sayo at sa baby mo ang ginagawa mo. " mahihanon na sabi nang doctor saakin kaya naman tumigil ako sa pagwawala. "Misis bilhin niyo lahat ang kailangan niyang vitamin, nakakasama sa kanya ang maistress... " bilin pa nang doctor sa mommy ko, habang si kuya nang gagalaiti sa galit! At si daddy biglang nahimatay.... "Hon!!! " sigaw ni mommy!! Hindi nila alam kung sino ang una nilang saklolohan dahil pati si mommy nahimatay na rin! Dahil magulo pa sa isip ko ang lahat, hindi parin nagsisink lahat sa utak ko, pero hindi naman imposible na magbunga nga ang kahayupan niya saakin, dahil hindi naman iisang beses na ginawa niya iyon! Lumipas ang araw.... Andito ako ngayon sa bahay dahil ayaw kong lumabas, sinisi din ni kuya ang sarili niya dahil para sa kanya kasalanan daw niya ang lahat.Pero hangang ngayon hindi niya parin sinabi ang totoong dahilan. Pero kahit ganun nilinaw ko naman sa kanya na wala siyang kasalanan, dahil meron talagang mapaglamang na tao! Siguro nabihag din ako sa taglay niyang karisma nuon, ni hindi ko naisip na magagawan ako nang ganun kasama! Pero sabi nga ni mommy! Walang kasalanan ang bata sa nangyari, hindi din naman siguro masama na mabuntis ako kahit nasa 22anyos palang ako, yun ngalang pati ang magiging anak ko makakaramdam nang hindi kompleto na pamilya, "Ahm! Ang lalim na naman nang iniisip nang maganda kong kaibigan hah! " pagbabalik saakin ni Au sa kasalukuyan, kaya naman nilingon ko siya "Bakit ka na naman andito, sino na naman ang pinagbantaymo sa shop! " pasuplada kong tanong sa kanya, kasi naman kahit gusto ko magtrabaho hindi talaga kaya ang katawan ko. "Wow ang sungit ni buntis hah! " kunwaring tampo pa saakin kasi nakasimangot na naman! Kaya naman hinarap ko na siya! "Opppp! Galit ka na niyan bessy?andito lang po ako kasi ibibigay ko sayo to, pinabibigay ni Miss Betina. " sabi saakin sabay abot nang isang subre, "Ano to? " takang tanong ko kasi ang pagkakaalam ko hindi natuloy ang project namin sa kanya dahil nga sa nangyari saakin at hindi daw kinaya ang kaibigan ko kaya nung nalaman ko sinuli ko sa kanya ang pera niya. "Invitation bessy! Anduon daw lahat nang mayayaman at gusto daw tayo imbatahan para makilala nila tayo, dahil ang ginawa natin na example nagustuhan nila! " masiglang balita ni Au saakin. "Ikaw nalang ang pupunta, alam mo naman ang lagay ko, isa pa baka hindi ako payagan ni kuya...! " malungkot kong sagot sa kaibigan ko at napabuntong hininga pa siya, "Eh di kausapin na tin bessy, hindi naman pwede na dito kanalang sa bahay niyo! Lumabas kadin kaya! " sermon pa saakin, "Hindi ako sanay na ganyan ka Casandra hah, asan na ba ang kaibigan kong palaban hah? Ganyan ba ang gusto mo na makita nang anak mo? " dagdag pa niya kaya niyakap ko siya "Thank you sa inyo hah, na kahit anung nangyari saakin hindi niyo ako binatawan kaya pangako ko, babangon ako Au! Babangon ako para sa anak ko! " sabi ko sa kaibigan ko na hinahaplos na ang likud ko, "Issshhhh! Wag kanang umiyak ok, diba sabi nang doctor nakakasama sayo nang maistress, isa pa excited na kaya ako maging ninang! " bungisngis pa niya kaya pinalo ko na siya! "Ikaw talaga kahit kailan, basta salamat sayo hah! " sabi ko ulit kaya naman siya na ang yumakap saakin, "anything for you my bestfriend, basta gusto ko wag kanang malungkot, at balik kana sa shop, at syempre kakausapin natin si fafa dave na pupunta tayo sa party!! " masigla pa niyang bulalas saakin "Goodluck sayo then!! " sagot ko naman pero sinamaan ako nang tingin! "Anong sayo!! Saatin kamo!! Babaeng to!! " maktol na naman niya kaya napahalakhak na ako!! At siya naman ang pagpasok ni kuya, at nabigla pa ata dahil tumatawa kami ni Au na nadatnan niya sa sala! "Anong meron dito? " takang tanong niya sabay yakap saakin! "Kumusta na ang pakiramdam mo? " alalang bulalas niya, ganyan talaga siya kasi nga sinisisi niya sarili niya sa nangyari saakin kahit ilang beses ko na bang sinabi na wala siyang kasalanan. "Fafa dave ako walang yakap at kiss?? " si Au na naka pout pa ang nguso, kaya naman inbis na yakap at kiss ang ibigay nang kuya ko, ginulo lang niya ang buhok ni Au! At ang isa mas lalong nakasimangot kaya naman napahalakhak pa ako ulit! "Ang sama mo talaga fafa Dave hah! " reklamo ni Au! "Ang dami mong alam! " sagot naman nang kuya ko, sabay tingin saakin at napangiti na siya, "I'm happy na bumabalik kana sa dati, basta wag mong papabayaan ang sarili mo ok? " paalala pa saakin, "opo kuya wag kanang mag alala saakin" sagot ko naman "Ay siya nga pala fafa dave! Meron palang binigay si Miss Betina na Invitation eh pwede ba kami pumunta duon? Sige naman na kuya please! " paawa effect pa ni Au, kapag kasi tinawag na niyang kuya ang kapatid ko mahirap nang tumanggi ang isa. Pero sinulyapan lang ako ni kuya, na para bang sinasabi saakin na kaya ko ba! Kaya naman ngumiti ako bilang sagot, at nagsalita na siya, "Ok, kailan ba yan at sasama ako! " tanong pa niya saamin ni Au, kaya biglang nagliwanag ang mukha nang isa!! " wow talaga kuya? " sagot ni Au na hindi makapaniwala pati din ako hindi rin makapaniwala. "Oo naman!! Isang malaking apportunity para sa inyo yan, at hindi basta bastang tao lang si Betina isa siyang sikat na designer! Kaya i grab niyo na, basa ipangako niyo saakin walang mangyayari masama sa inyo ok? " bilin pa samin ni kuya kaya naman napayakap ako sa kanya, "Yes kuya dave! Sa susunod na po na buwan yung party daw! " sagot nang kaibigan ko. "Then good hindi na ako bz sa araw na yan! Kaya makakasama ako, " sagot naman nang kuya ko, kaya masaya kami nang kaibigan ko, "Anyway gusto niyo ba nang makakain? " alok pa saamin, kaya naman etong si Au walang sinasayang na pagkakataon, sininyasan pa ako na sakyan ko ang kalokohan niya, Kaya naman sinabi ko na sa kuya ko na gusto kong kumain kahit hindi naman, alam kasi ni Au na hindi ako matatanggihan nang kuya ko, kaya tuwang tuwang siya na pumunta sa kusina ang kuya ko. "Ikaw talaga!! " kurot ko sa tagiliran niya! "Ang landi mo sa kuya ko hah! " dagdag ko pa at napabungisngis lang ang luko. "Eto na meryenda niyo! Kain lang kayo! Sige at aakyat na ako may gagawin lang ako, at ikaw! " turo niya kay Au, " umuwi kana rin mamaya nalulugi na kami sayo! " dagdag pa niya kaya naman napanganga nalang ang kaibigan ko! "Besshy!!!!! " tili pa niya nung nakaalis na ang kuya ko, ang OA talaga nang kaibigan ko, "narinig mo yun?? Pumipick up na si fafa dave saakin...... " bulalas pa niya na parang kiliglig na "Baliw kana talaga Au! Kumain kana nga! " sabi ko sabay subo sa kanya ang pizza na bigay nang kuya ko, kaya sinamaan ako nang tingin! At napahalakhak nalang ako sa itsura niya! "Basta besshy hah! Magpaganda tayo sa party sa susunod na buwan!! Excited na ako!!! " bulalas pa niyana parang kilig na kilig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD