IPINILIG ni Helena ang ulo dahil naging dalawang tao na ang kanina ay iisa lang na kaharap niya. Seems like she drank one too many shots of the bitter amber liquid the two of them were sharing.
“Don’t do that! You’re making my head spin.” Anito habang pinipigilan ng dalawang kamay ang magkabilang bahagi ng ulo niya. Malagihay pa lamang ito nang maabutan niya ngunit mukhang nasobrahan na rin ito sa pag-inom. Sino ba naman kasi ang mahihilo sa pagtingin lamang sa isang taong umiiling?
Helena flashed a loopy smile his way. “Look at us. Aren’t we funny?” aniya sabay tawa.
Kunot ang noong tumitig lang sa kanya ang lalaki. “You’re. f*****g. Crazy. Woman!” saad nito at pagkatapos ay umiling. Agad naman nitong sinapo ang ulo dahil sa ginawa. “f**k!”
Muling natawa si Helena. All the while trying to imprint the memory of that encounter to the recesses of her memory. Her memories, she found, were starting to get foggy so she started recounting them.
Natatandaan pa naman niyang naabutan niya ang lalaking kaulayaw si Pareng Jack sa kusina ng bahay na pansamantala niyang tinutuluyan sa Pagudpud. Natatandaan niya maging ang pagkakahulog ng iPod niya sa sahig nang mabitawan niya iyon dahil sa inisyal na pagkabigla nang makilala kung sino ang lalaki. At higit sa lahat, natatandaan pa rin niya ang reaksyon nito nang makita siya roon.
“WHO THE hell are you? Seynow ka at anowng geynagawa mo reytow?”
Malakas na napahalakhak si Helena. Never in her wildest dreams did she imagine her first meeting with him would go that way.
Patuloy lang siya sa pagtawa sa pinaghalong kaba at hindi pagkapaniwala. Habang ito naman ay kunot ang noong nakatingin lang sa kanya. Marahil ay iniisip nitong isa siyang baliw na naligaw lamang sa lugar na iyon.
With tears on her eyes, she summoned the courage to look straight at him. Minsan lang mangyari ang ganoong bagay sa buhay niya. She had to make the most out of it, and especially make a good impression to him.
Nang tuluyang mapagmasdan ang hitsura ng lalaki ay saka lamang natauhan si Helena.
Ang lalaking nasa harap niya ngayon ay ibang-iba na sa lalaking tinitingala ng marami, kabilang na siya, noon.
Helena stared directly into the man’s eyes and saw an empty, soulless abyss inside those piercing dark orbs. A never ending blackness that she was so familiar with because it was the same piercing emptiness that stares back at her whenever she looked at the mirror lately.
What happened next was something she wouldn’t have done were she not in her current state at that time.
Lumapit si Helena sa lalaki at inagaw ang bote ng alak mula rito saka walang anu-anong tinungga ang laman niyon. Isang bagay na agad niyang pinagsisihan sapagkat nasamid lamang siya nang sumayad ang mainit at mapait na likido sa kanyang lalamunan. Agad niyang tinakbo ang lababong malapit lamang at doon napaduwal.
Helena continued heaving on the kitchen sink and it was while on that pitiful state that she felt a warm, wide hand gently stroke her back. Helena stiffened. “Stupid girl. What’d you do that for?”
Helena relaxed a bit as he continued to stroke her back. Muli siyang napaduwal habang patuloy pa rin ito sa paghagod sa kanyang likod. Maya-maya ay nadama niyang lumisan ng init ng kamay at presensya nito. Kasabay niyon ang pagdapo ng isang uri ng kahungkagan sa dibdib niya.
Hinamig niya ang sarili at nagmumog ng tubig mula sa lababo. Sino ba naman siya upang patuloy na asikasuhin pa ng lalaki? In fact, he should have thrown her out by now. She sighed and straightened up to turn around.
Nabigla pa siya nang makitang naroon ito sa likuran niya. Tangan nito ang isang basong tubig na agad nitong iniumang sa kanya. “Here. Drink this.”
May pag-aalinlangang tinanggap niya ang baso ng tubig at sinimsim iyon. Tumango ang lalaki sa kanya at saka tinungo ang mesa. Helena spared a glance at the table and saw that the Jack was no longer there. Napalitan iyon ng malaking bote ni Johnny, isang malaking tasang puno ng ice cubes at dalawang maliit na baso.
Muli siyang nilingon ng lalaki nang makalapit ito sa mesa. “Care to share my misery, miss?”
AND THAT was how they both ended up well and properly hammered. Dalawang taong estranghero sa isa’t-isa ngunit ang mga damdamin ay magkatugma.
“So, what made you crazy enough to take up on my offer and join a man you barely know in this miserable drunk-fest?” maya-maya ay tanong nito sa kanya, madulas na ang dila sa kalasingan.
Nagkibit-balikat lamang si Helena at pumangalumbaba sa mesa. Nakaupo ito sa kabisera niyon paharap sa kanya habang siya naman ay nasa gawing kanan nito. “Kanina pa tayo nagpapalitan ng tagay dito, ngayon mo lang naisip itanong ‘yan?” she replied in equally slurry speech.
The man slumped on his seat and stared upward. “I don’t know. There’s just something about you…” pinutol nito ang sinasabi at saka diretsong tumingin sa kanya. “There’s just something in those eyes of yours…”
Helena summoned all courage and returned his stare. Ang mga titig nitong sa screen pa lamang ng TV ay nakakaapekto na sa kanya, higit lalo pala kapag totohanan na. Tila siya hinihigop ng mga mata nitong matiim kung tumingin. “Dude, lasing ka lang.” Nasabi niya na lamang at nagpasyang idaan sa biro ang lahat.
“Sheynowng lasheyng? Heynde pa akow lasheyng.”
Muling natawa si Helena. Lasing na nga at lahat, sleng pa rin ang bigkas ng lalaki sa Tagalog.
“Eykaw ata eyng lasheyng na dyen, eh.” Tila napipikon nang hirit nito sa kanya. Muli siyang natawa sa sinabi nito. Upang matigilan lamang nang bigla ay bahagyang inilapit nito sa mukha niya ang mukha nitong sapo ng isang kamay sa baba.
Bumilis ang tahip ng dibdib ni Helena. Sa kabila kasi ng kalasingang lumulukob sa sistema niya, nananatili ang kamalayan niya sa presensya ng lalaki.
“Now, answer my question.” Seryosong nakatitig ito sa kanya habang sinasabi iyon. “Honestly, crazy stranger. Why are you still here with me?”
Gadali na lamang halos ang layo ng mukha nila sa isa’t-isa. Sakali at wala siya sa ilalim ng impluwensiya ng alak, baka nagkukumahog na si Helena sa paglayo rito dahil sa pagkahiya. But the alcohol in her system lent her some courage to stare at the man face to face. She stared intently at him and said “Because you’re not the only miserable person around, mister.”
“Misery loves company, eh?” he responded with a bitterly sad smile on his face.
May kung anong bumikig sa lalamunan ni Helena dahil doon at tila may pumiga rin sa kanyang puso. Kung kaya bago pa man sumungaw ang mga luha sa kanyang mga mata ay dagli siyang tumayo sa kabila ng pagkahilong nadama. “Tama ka. Lasheyng na nga ‘ata ako.” She continued to scramble out from her seat and turned away from him, tightly holding the chair’s back for support. “Ikaw rin. Mabuti pa itulog na lang natin ito, ‘no?” aniyang binunutan pa ng isang tawa. Tawang alam niyang walang silbi upang pagtakpan ang tunay niyang nadarama dahil pagak namang lumabas mula sa kanyang bibig.
Helena tried taking a few steps toward the kitchen entry but her knees failed her. Akala niya ay lalagpak na siya sa sahig ngunit sa halip ay dalawang mainit at matatag na bisig ang sumalo sa pagbagsak niya.
Kung paanong agad siyang nadaluhan ng lalaki sa kabila ng kalasingan nito ay hindi maturol ni Helena. “What the heck’s wrong with you, woman? Why’d you suddenly do that?” he gently reprimanded her that Helena couldn’t keep the tears at bay anymore. Niyakap na lamang niya ang lalaki at saka humagulgol ng iyak sa dibdib nito. She cried not just for her own sadness, but even more for the proud man who had shown her his weak and broken side despite the absence of her worth.
“Hey!” tila naman nabigla ang lalaki sa ginawa niya ngunit agad ding nakabawi. He heard him sigh and felt his warm hands stroking her back while letting her cry in silence.
Unti-unti ay nakalma ang pakiramdam ni Helena. Hindi niya alam kung bakit ngunit may hatid na kapayapaan sa kanya ang mainit na palad ng lalaki. Sa bisig nito natagpuan niya ang kapanatagang ilang linggo na niyang inaasam.
It was then that Helena realized how his strong arms around her felt like.
Home.
Maya-maya ay binasag ng lalaki ang katahimikan. “I know now what I saw in your eyes, crazy stranger,” tumingala siya rito. “It’s the same as what I saw in mine.” Pagpapatuloy nito habang matamang tinitingnan ang mga mata niya.
Napalunok si Helena sapagkat sa ilalim ng kalungkutang nababanaag niya sa mga mata nito ay natagpuan niya ang isa pang emosyong buong intensidad nitong ipinaparating sa kanya.
“I don’t know where the very same emotion in your eyes was coming from. What I do know is that I would give anything to forget this darkness consuming me even for a while. And I know you feel the same way, too.”
Napakapit nang mahigpit si Helena sa balikat ng lalaki. Batid niya ang nais sabihin nito ngunit hindi niya nais gawin ang isang bagay na maari niyang pagsisihan sa huli.
“Will you help me forget, Miss Crazy Stranger?”
And then he lowered his lips onto her for a kiss that shattered all of Helena’s resolve.