Chapter Three

3367 Words
GENESIS woke up later than usual the day after he moved to his new house. Napagpasyahan niyang lumipat ng tirahan dahil may pakiramdam siyang ini-stalk na naman siya ng isang fan. It was something he had been used to when he was still based on the States.     Kung noon ay hinahayaan lang niyang gawin iyon ng mga ito sa ngalan ng pagiging fan, ngayon ay hindi na. Genesis learned the hard way that ignoring the actions of rabid fans would eventually lead to something regrettable. At hindi lamang sa kanya kundi maging sa mga fans na rin.     Bumangon siya mula sa kama at nag-inat. For the first time in a long time, he felt refreshed after a long sleep. Kadalasan ay mahaba na ang tatlong oras na tulog sa kanya. Pinatay niya ang cell phone nang nagdaang gabi at buong magdamag na hinayaan lang iyong naka-charge sa dock kung kaya payapa siyang nahimbing.     Genesis wore some clothes, as he slept in the nude, before going out of his room. Bago siya lumabas ay kinuha muna niya ang cell phone mula sa charging dock nito at binuksan iyon. He readied himself for the barrage of calls and messages he would inevitably receive. Hindi kasi niya sinabi kahit kanino na lilipat siya ng bahay at nawala siya sa sirkulasyon ng isang araw. Kabilin-bilinan pa naman ng handler niya na huwag na huwag siyang mawawala sa radar nito na kadalasan ay sinusunod naman niya. Kadalasan being the operative term.     Hindi naman nagkabula ang kanyang hinala.  His phone started ringing just a few seconds after booting up. Genesis smiled upon seeing the name of the caller.     “Hey, Glynn.” Bungad niya sa tumatawag. It was his older sister.     “Goodness, Geno! Where the hell are you?” was his sister’s hysterical reply. “I’ve been trying to reach you for ages. Bakit patay ang telepono mo?”     Genesis went down to the kitchen and placed the call on speakerphone. Breakfast first. “I’m fine, Glynn. You don’t need to worry much about me.”     His sister’s exasperated breath came through the phone. “Alam kong malaki ka na at alam mo na ang ginagawa mo sa buhay. But you can’t expect me to calm down when it seemed like you disappeared from the face of the Earth again.”     Iiling-iling na nagsalang siya ng kape sa coffee maker. Expect his sister to exaggerate. Ever since his sudden disappearance a few years back, she’d been worried like a mother hen. Na nauunawaan naman din ni Genesis. He’d been living with her and her family when he was still at the States. Marahil minsan ay busy siya sa mga concert tour ngunit hindi pa pumalya na tawagan niya ito at kapag natapos naman ang tour ay diretsong umuuwi siya rito. Ngayon lang siya tuluyang mapapalayo sa ate niya dahil mas pinili niyang manirahan na sa Pilipinas.     “Besides, I heard from Timothy that you think you’re being followed again.” Tukoy nito sa pinakabago at pinakabatang miyembro ng Chapter Three.     Damn you, Timoi, and your big mouth!     “Kaya nga lumipat na ako ng bahay, eh. You worry too much, Glynn. You know perfectly well that I can protect myself from stalkers and such.”     “You did what, Genesis?!”     Here we go again. Kilalang-kilala na ni Genesis ang tonong iyon ng kapatid. Kadalasan ay daig pa nito ang kanilang ina sa pagiging overprotective sa kanya. “I left the condo and bought a new house.”     He heard a pause on the other end of the line. Malamang ay kinakalma ng kapatid niya ang sarili nito. “Care to tell my why your band and handler did not know of this.”     “Because I wanted to keep it a secret,” Genesis nonchalantly replied. “Pero ngayon, sinabi ko na sa iyo. So, malalaman na rin nila.”     “Sinasabi mo bang tsismosa ang ate mo, ha, Genesis?” ang tila nasaktang tugon nito sa sinabi niya na ikinatawa ni Genesis. “Whatever. O, eh, saang lupalop ng Pilipinas mo naman naisipang lumipat ng bahay, aber?”     Kumulo ang kape at hinayaan muna iyong mag-drip ni Genesis saka niya tinugon ang kapatid. “Nah-uh. I won’t be telling you just yet. Rest assured that I’m perfectly safe here. The neighbors are quite nice although a bit nosy.”     Just as he said those words, a loud crash resounded from the direction of the living room. At dahil naka-speakerphone, narinig din iyon ng kapatid mula sa kabila ng linya. Kunot-noong dumako ang tingin ni Genesis sa gawi ng sala.     “What the heck was that, Geno?!” Glynn worriedly said from the phone.     Genesis straightened, all senses alert. “Catch you later, Glynn. And don’t worry, I can handle this. I didn’t actually train and practice martial arts for nothing, you know.” He said and abruptly ended the call.     He silently walked towards the living room. Madilim doon sapagkat napapaligiran ng makakapal na drapery ang mga bintana. Tahimik din dahil saradong-sarado ang kabahayan. Ngunit isang drape malapit sa pinto ang bahagyang gumagalaw. Genesis slowly stepped towards the door. Muntikan pa siyang madulas sa bolang nadaanan. Mukhang napigilan ng carpet ang bola sa paggulong niyon. Dinampot niya ang bola at tuluyang lumapit sa bintana.     “Well, shit.” ang namutawi mula sa kanyang bibig nang makita ang nabasag na bintana pagkahawi niya sa draping.     “Kunin niyo ‘yung bola namin, mga salbahe kayo!” narinig niyang sigaw ng isang batang babae mula sa labas.     Tawanan ng mga batang lalaki ang sunod na narinig ni Genesis. “Kunin niyo. May powers naman kayong dalawa, eh. Special kasi kayo.” Anang isa sa mga batang lalaki sabay muling tumawa.     “Shut up, Drake!”     “Besides, girls shouldn’t play with boys’ toys. Kita mo nga, Kim, hindi mo nasalo ‘yung bolang hinagis ni Drake.” Mayabang namang segunda ng isa pang batang lalaki.     “Keep your nose out of our games, Paolo. I’m going to tell on you to your mom.” Matigas na saad naman ng isa pang batang babae.     “Hah! Who would believe you, Kandi? You’re just a couple of brats with a loser mom who stupidly got herself knocked off by some unknown guy.”     Lalong lumalim ang gatla sa noo ni Genesis nang marinig iyon. Talaga bang sa isang bata nanggaling ang mga salitang iyon? Where on Earth did that kid hear that? Those weren’t words that were supposed to come out from kids’ mouths.     Hindi nakatiis na lumabas siya ng bahay. Beyond his house’s low fence were a few kids. Three boys seem to be ganging up on two girls. “Hey!” tawag-pansin niya sa mga ito. “Kaninong bola ito?” aniyang itinaas ang bola.     Mukhang nasindak sa kanya ang tatlong batang lalaki na agad tumakbo. Sa tantiya ni Genesis ay mga walo hanggang sampung taon ang mga iyon. Napailing siya. Kung siya ang magulang ng mga batang iyon, nakatikim na ang mga ito ng palo mula sa kanya. Ang aagang natuto ng katarantaduhan.     Lumapit siya sa dalawang batang babae. “Here, your ball.”     “Thank you po, sir,” anang isa sa mga ito na kinuha sa kanya ang bola. “Kim, here.”     “Thank you po,” baling sa kanya ng tinawag na Kim. Agad na kumunot ang noo nito nang mapagmasdan ang mukha niya. “Kandi, doesn’t he look like someone we know?”     Agad din naman siyang pinagmasdan ng batang tinawag na Kandi. “Oh, yeah. I think Nanay had a picture of him inside her room. A big picture.” Lumapit ang dalawa sa kanya at magkatabing tiningala siya.     Genesis squatted in front of the girls. “Are you, girls, sisters?” tanong niya sa mga ito.     “Twins, sir. We’re twins po.” Sabay na tugon ng mga ito sa kanya, malapad ang pagkakangiti.     “Ah, alam ko na, Kim! We saw him at that concert. The one where Uncle Shin took Nanay and us.” Nanlalaki ang mga matang wika ni Kandi.     Kumunot ang noo ni Genesis sa narinig at saka lang nakilala ang isa sa kambal. And he remembered their feisty mother as well.     Well, well, well…     Agad na gumana ang isip ni Genesis. Hindi pa rin pala niya nakakalimutan ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Helena Villanueva. The only fan he met who didn’t swoon and throw herself on his feet upon meeting him. Genesis’ ego somehow took a blow that night when he encountered her.     Kasalanan mo rin naman. Ang yabang kasi ng dating mo noon, men.     Pinawi ni Genesis ang boses ng rasonableng bahagi ng kanyang utak. Mababaw na kung mababaw ngunit ang pride niyang umaaray sa ginawa ng babae sa kanya ay hindi mapapalampas ang pagkakataong makabawi.     “Girls, can you take me to your mom?” nakangiti at buong lumanay na wika niya sa mga bata. “See, my window got broken because of this incident with your ball so I have to talk to her about it.”     Nagkatinginan muna ang dalawa bago siya tinugon ni Kim. “But, sir, hindi naman po kami ang bumato sa bintana ninyo. Si Drake po iyon.” The cute little girl said with a pout.     Agad namang inusig si Genesis ng konsensiya niya. Ngunit bago pa niya mabawi ang unang plano ay inunahan na siya ni Kandi. “No, Kim. Remember what Nanay told us about responsibility. We didn’t break the mister’s window but we are part of the incident. We need to take responsibility. Sir,” baling sa kanya ng batang babae. “We’ll take you to our Nanay po.”     Hindi pa man nakakatugon si Genesis ay hinawakan na ng dalawa ang magkabila niyang kamay at iginiya siyang maglakad.     Nakarating sila sa isang flower shop hindi kalayuan mula sa bahay niya. Blooming K’s, the calligraphy on the sign read. “This is our Nanay’s flower shop. Behind po is our house.” Ani Kandi nang nasa tapat na sila pinto ng shop.     Pumasok sila sa loob at iginala ni Genesis ang paningin sa kabuuan ng shop. It had a homey atmosphere. Hindi rin makalat sa kabila ng maraming halamang naka-display.     “Ate Raya, is Nanay inside po?” narinig niyang tanong ng isa sa mga kambal sa isang dalagitang nag-aayos ng mga bulaklak sa isang bouquet.     “Hmm? Ah, yes, dear. Nasa loob si Nanay niyo.” Tugon nitong hindi inaalis ang paningin sa ginagawa.     “Papasok po kami, Ate, ha.” Paalam naman ni Kim dito.     “Ha? Eh, teka lang. Baka may kausap na client si Nanay niyo–” tugon nito ngunit biglang natigilan nang mapatingin sa kanila. Nabitiwan pa nito ang hawak na garden shears nang makilala siya. “Wait. W-What?!”     “Ah, ate. He’s looking for Nanay po so we brought him here. Pasok na po kami, ha.”     “Ay, saglit lang!” pahabol nito sa kanila ngunit nakapasok na sila sa kabahayan.     Ang unang napansin ni Genesis ay walang ipinagkaiba ang mismong bahay sa shop. It was homey, cozy. Maaliwalas at maliwanag din ang paligid hindi katulad ng bahay niyang madilim dahil sa nakapaligid na drapes.     This is what a proper home should look like. Biglang naisip ni Genesis.     “Dito po ang room ni Nanay, sir.” Tawag pansin sa kanya ni Kandi. “Let’s knock first, Kim.”     Mahinang kumatok naman si Kim sa pinto ngunit walang tugon. “Hay, let’s go inside na, Kandi. Baka may kausap si Nanay na client, hindi niya tayo marinig.” Binuksan na nga ni Kim ang pinto. “Tabi lang po tayo, sir. Kasi makikita po tayo ng client ni Nanay.”     Agad na narinig ni Genesis ang malakas na halakhak ng babae mula sa loob. Kumunot ang noo niya. Ang sabi ay “client” ang kausap, pero bakit parang siyang-siya naman ang babae? “Oh, Mr. Kim. That is quite a big banana you have there!” Bigla ay napatingin si Genesis sa dalawang bata. Alam na niya kung anong “client” ang tinutukoy ng mga ito. “Oh, yes, Mr. Kim. I would like to have a taste of your big banana.” narining niyang muling saad ng babae sabay halakhak nang buong-buo.     Nag-init ang ulo ni Genesis sa narinig at walang anu-anong lumapit sa kinaroroonan ni Helena. HINAINAN ni Helena ng inumin ang kanyang "bisita". Prenteng nakaupo ito sa pang-isahang sofa sa sala ng kanyang bahay na tila ba ito ang may-ari noon, at nadarama niya ang matamang pagtitig nito sa kanya.      Naupo siya sa silyang kaibayo nito at nagkipagtagisan ng titig dito. And for the life of her, she would never know how Genesis managed to still look regal even if he's only clad in a plain white shirt and a pair of black satin boxers. Hindi rin niya natagalan ang pakikipagtitigan dito at napabuntong-hininga. There's just something about Genesis' stare that unnerved her and made her insides feel tingly.      “So?" tanong niya kapagkuwan. Sinikap niyang patagin ang tinig kahit na nga ba tila may naghahabulang mga daga sa kanyang dibdib. The effect this man's presence on her system never changed no matter the length of time that passed.      D-um-ekwatro ito ng upo at inabot ang baso ng inumin mula sa mesita. He slowly sipped the juice, as if savoring the taste, all the while keeping his eyes on her.     Helena sighed. “Ano, wala ka bang balak mag-sorry? Do you know how much my clients are willing to pay for me to teach them English, Mr. Camiliano? At ngayon, kailangan ko pang humingi ng paumanhin kay Mr. Kim dahil sa ginawa mo.”     Ibinaba muli nito ang baso sa mesita saka nagsalita. “Well, forgive me for barging in on your session but who would’ve thought that you were teaching the man. It sounded like you were doing something else. Nandoon pa man din ang mga anak mo.”     “Must you always think ill of me, Mr. Camiliano? Hindi mo naman ako kilala aside from knowing I am your fan.” Napabuga ng hangin si Helena saka tumuwid ng upo. “That aside, ano ba ang ginawa ng mga anak ko sa iyo?”     When Genesis seemed to be confused about her question, Helena continued. “Dalawang bagay lang ang maaaring makapagpapunta sa mga kapitbahay ko sa bahay ko. Una, kukunin nila ang serbisyo ko bilang florist at gardener. Pangalawa, may nagawa ang kambal ko. Alin sa dalawa ang pakay mo?”     “Where’s your kids’ father?”     Malakas na kumabog ang dibdib ni Helena sa tanong ni Genesis. “W-Why do you ask?”     Genesis sighed and shrugged. “A bunch of kids were bullying your girls in front of my house earlier. They were saying some nasty things about you. Guess I got curious. Akala ko iyong gitarista ang tatay ng mga bata.”     Umiling si Helena, bahagyang nakahinga nang maluwag. “Nope. Shin was my friend and a former student. Hindi ba kaibigan naman ang pakilala niya sa akin noong magkita tayo sa music fest? And worry not about the ugly things those kids say about me. Sanay na ako. Ang problema lang sa eksenang sinabi mo, mga anak ko ang sinabihan ng ganoon. I will have to do something about this myself, though. It is none of your business.”     Kumunot naman ang noo ni Genesis sa sinabi niya na tila naiinis ito. “Why aren’t your kids at school? And what do those brats mean when they said your children are special?”     Kumunot din ang noo ni Helena. Unti-unting umaahon sa dibdib ang galit. “My kids aren’t at school because, like you said, they are special. I would have enrolled them at school if they were welcomed. Pero kulang na lang direktang sabihin sa akin ng teacher nila noon na abnormal ang mga anak ko. My kids have advanced brains, Mr. Camiliano. They’re just almost six yet they can speak straight English in correct grammar. They’re not going to school but that doesn’t mean they’re uneducated. I homeschool them.” Mahabang litanya ni Helena at natagpuan niya ang sariling bahagyang humihingal nang matapos.     At nang tingnan niya si Genesis ay nakangiti ito sa kanya. Himala ng mga himala, nakangiti ito sa kanya! “You might want to calm down a bit. Hindi ako ang kalaban, Ms. Villanueva. Truth be told, may galit din akong nadama nang marinig ko ang pinagsasasabi ng batang iyon sa mga anak mo. Those weren’t words that should come out of kids’ mouths.”     “Thank you, Mr. Camiliano. But you shouldn’t worry too much about them. My daughters and I have gone through worse.”     “Pero hindi kayo dapat masanay sa ganoon. Bakit ka pa rin nag-i-stay rito kung ganoon naman pala?”     “Ikaw, Mr. Camiliano, bakit ka bumalik sa showbiz kung palagi mong pinoproblema ang mga obsessed na fan? Hindi ba sinanay mo na rin ang sarili mong huwag magpaapekto sa mga stalker na parating sumusunod sa iyo?”     Natahimik ito sa sinabi niya. “Ngayon, kung iyon lang naman ang ipinunta mo rito,  salamat sa pag-aabala at pag-alala sa kapakanan ng mga anak ko. I’ll show you out.” Aniya rito at tumayo na.     “Wait, there’s something else.” Pigil ng binata sa kanya. “I won’t ask you to pay for the window that got broken. Hindi naman kasalanan ng mga anak mo iyon. But I want to get your services, Ms. Villanueva.”     “Siguraduhin mo lang na malinis ang intensiyon mo, Mr. Camiliano.”     Tumango ito sa kanya at seryoso ang mukha nang tumugon. “I just want to get your services for my garden. As you know, I just moved in. I want a garden that’ll look more or less like yours,” iminuwestra pa nito ang hardin niyang nasisilip sa bintana. “And I want to have that flower in my garden, as well.” Turo nito sa isang partikular na halamang namumulaklak.     Muling tumahip ang dibdib ni Helena sa halamang itinuro nito. The same flowering plant that had a special significance in her life. “Unless you have a regular gardener, that plant won’t do.”     “Problema ba ‘yun? You live here, don't you? At wala ka naman yatang balak umalis dito.”     Helena sighed and shrugged. “Whatever. When should I start?”     Genesis shrugged as well. “Ikaw ang bahala. Madalas naman akong mawawala dahil sa trabaho. My garden is yours for the taking.”     “It’s a deal, then.” Ani Helena habang inilalahad ang palad dito.     Nakangiti naman iyong tinanggap ni Genesis. Ngunit nabigla si Helena nang imbis na kamayan lamang iyon ay hinigit siya nito papalapit dito at bumulong sa kanyang tenga. “Shall we seal this deal with a kiss, Helena?”     Tila napasong lumayo si Helena mula rito. Ramdam niya ang pagtatayuan ng mga balahibo niya sa batok. Genesis' soft whisper sent shivers down her spine, especially when he called her by name. “S-Shut up.” kulang sa kombiksiyong nasambit niya. “Umuwi ka na. Bago pa may makaalam na nandito ka sa bahay ko at pagmulan pa iyon ng tsismis. I'll start on your garden tomorrow.”     Genesis flashed her his sexy smirk. “Quite feisty, aren't we?” Tinaasan lang niya ng kilay ang sinabi  nitong iyon na ikinatawa nito. “Very well. I'll see you tomorrow, then.” anito at nagpaalam na rin.     Napaupo na lang si Helena sa sofa pagkaalis ni Genesis.     I will probably never know how I can handle you face to face, Genesis Camiliano.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD