Chapter Two

3259 Words
ILANG minuto lang silang naghintay sa pagdating ni Shin. At nang dumating ito ay agad na tumakbo si Kimbel patungo rito. “Uncle Shin! I’m sorry po.” Anito habang muli na namang napaiyak. Agad naman itong sinalo ni Shin at niyakap. “It’s okay, Kimmy, dear. It’s okay.” Pag-alo naman nito sa bata. “What happened?” agad na tanong ni Helena sa binata nang makalapit ito sa kanya habang karga pa rin ang anak niyang sumisigok-sigok. Ngumiti lang sa kanya si Shin. Her friend was ever gentle and so kind as always. “It’s alright, Lei. Wala namang naging problema overall. Genesis managed to calm the crowd and the general feedback was even better than expected so they were willing to let Kimbel off the hook.” Nakahinga ng maluwag si Helena sa sinabi ng kaibigan. Truth be told, she wouldn’t know what to do should the production ask her to pay the damages. Hindi marahil sasapat kahit pagsamahin pa niya ang kinikita ng flower shop at maging ang nakukuha niya sa pagtuturo ng English online upang magbayad ng danyos perhuwisyo. “Thank you, Shin. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung sakali.” Nagkibit lamang ng balikat ang kaibigan niya bilang tugon. “Oh, yeah. Iyong sorpresa ko pala sa iyo.” “Naku,” todo-iling si Helena sa pagtanggi. “Hindi na, Shin. Okay na sa aking hindi ko kailangang magbayad ng danyos.” “It’s fine, Lei. A promise is a promise. Besides, he said he also wanted to talk to you, so...” pagtatapos ni Shin sabay kibit-balikat. Kumunot ang noo ni Helena. “Ano ba kasing sorpresa iyon?” A sudden commotion near the door caught their attention even before Shin got to reply. “Oh! That’s probably him now,” tumatango-tango pang saad ni Shin. “You know, I just realized today why you’re so into the guy. Seeing him perform earlier and doing what he did to keep the crowd’s attention, it’s no wonder that he actually got your admiration for such a long time. The guy was just that great a performer.” Kumabog ang dibdib ni Helena sa sinabi ni Shin. “Oi, Ninomiya-san. Don’t tell me…” But Helena already knew even before she asked. She had been aware of his strong presence even without catching a glimpse of him yet. “What? You only refer to me that way when you’re a little pissed. Are you pissed, Lena-sensei?” natatawang sabi nito sa kanya ngunit agad ding ibinaling ang paningin sa may pinto ng security office. “Sir Genesis!” Nothing probably would ever prepare Helena, not even the length of time that passed, to meeting Genesis face to face once again. Dama niya ang bigat ng titig nito sa likod ng madilim na antiparang lagi nitong suot. Lumapit ito sa kanila at nakipagkamay kay Shin. “You can drop the ‘Sir’, Shin. ‘Genesis’ is just fine.” Tila naman na-starstruck ang kaibigan niya rito. “It’s an honor, Si- I mean, Genesis. Thanks for accepting my request. This here is my friend, Helena Villanueva. She’s a long-time fan of yours.” Pagpapakilala nito sa kanya at ngali-ngali niyang pandilatan si Shin dahil doon. “Oh, really?” swabeng tugon ni Genesis sa sinabi ng kaibigan niya saka bumaling uli ang paningin sa kanya. For some reason, Helena felt something sinister in his stare. “Since when, if I may ask?” “Since her teenage years. Ain’t that right, Lei?” si Shin na rin ang sumagot para sa kanya dahil hindi niya maapuhap ang tinig. “Oh,” Genesis drawled, the ‘o’ sound rolling on his tongue. “Is that so, Ms. Helena?” Tango ang tanging naisagot niya sa tanong ng lalaki. “Hey, Lei. Tell you what. Ako na muna’ng bahala sa kambal. You talk to Genesis, okay?” malapad ang ngiting prisinta ng kaibigan niya. Hindi nito alam na hindi iyon ang nais niyang mangyari. Tinapik ni Genesis ang balikat ni Shin sa puntong iyon. “What a nice idea, Shin, my friend. Pero mas maiging kayo na ng mga bata ang maiwan dito at kami ang lalabas. Shall we, Ms. Helena?” baling nito sa kanya habang nakalahad ang isang kamay. Helena inwardly sighed and took Genesis’ hand. “I’ll be back soon tapos uuwi na tayo, okay, mga anak?” “I’ll take you home later, Lei. Don’t worry too much and enjoy, ‘kay?” pahabol ni Shin sabay kindat pa sa kanya. Tipid na ngiti lamang ang tinugon niya rito at nagpaakay na kay Genesis kung saan siya nito dadalhin. Helena feared the fact that she would gladly go anywhere he would take her even with the warning bells in her mind. MALAYO-LAYO na ang nalalakad nila, sa dakong wala gaanong tao, nang huminto si Genesis sa paglalakad. Binitiwan nito ang kamay niya at saka humarap sa kanya. Suot pa rin nito ang antiparang tumatabing sa mga mata nito sa kabila ng kadiliman ng paligid. Ito lang yata ang tanging makagagawa noon na hindi magmumukhang abnormal.     May ilang minutong nakatingin lang ito sa kanya at siya rito. The tension between them was so thick it suffocated Helena. Hindi naman siya nag-aalalang makilala nito sapagkat nagbago na nang tuluyan ang hitsura niya mula noong huli silang magkita. Besides, five years is a long time for someone of Genesis’ caliber to remember an ordinary woman like her.     “Well?” maya-maya ay basag nito sa katahimikan.     Kumunot ang noo ni Helena. “Well, what?”     Genesis smirked and removed the covering from his eyes.  “Well, what are you still waiting for? Heto na nga at nagkasolo na tayo.”     “Ano ba’ng pinagsasasabi mo diyan, Mister Camiliano?” tuluyan nang nainis si Helena na hindi niya akalaing mararamdaman para sa lalaking kaharap.     The man merely scoffed. “Playing hard to get, are we? Hindi ba ito naman ang gusto ninyong mga ‘fangirls’? Ang i-invade kahit ang kaliit-liitang himaymay pagakatao ng mga idolo ninyo. And often without clear regard for the people who will be affected by your actions. Just look at you. Neglecting your children just because you’re selfish enough to leave them alone all for the sake of fangirling.”     Sa sinabi ng lalaki ay hindi na nakatiis si Helena at isang sampal ang pinadapo sa mukha nito. Isang bagay na hindi niya kailanmang maisip na magagawa kay Genesis. “You don’t know me, Mister Camiliano, so don’t you dare judge me. Tandaan mo lang na hindi lahat ng fans tulad ng taong sumira sa buhay mo.”     Nanginginig sa galit na iniwan na niya ang lalaki roon. Helena felt the telltale pinpricks of tears threatening to fall from her eyes. Hindi siya naghintay ng limang taon mahigit upang muling makita ito para lamang sa ganoon mauwi ang muling pagkikita nila. "Ugh! Such a heartless jerk!" Nanggigil na sigaw niya sa isip.     Bago makalapit sa security office ay hinamig muna ni Helena ang sarili. Ayaw niyang malaman ng iba ang nangyari, higit lalo ni Shin at ng kanyang mga anak.     Agad siyang sinalubong ng tatlo pagpasok pa lang niya sa opisina. “Well, you don’t look like a person who’s just seen her long-time idol.” Kunot-noong agad na puna ni Shin.     “Sows. Ano ka ba? Siyempre, medyo emotional lang ako kasi, finally, nakita ko na face-to-face si Genesis at nakausap ko pa.” aniya sabay pabirong hampas sa balikat nito.     “If you say so.” Ani Shin na nagkibit-balikat na lang. “Shall I take you, girls, home now?”     Tipid na ngumiti si Helena sa kaibigan. “Yes. Let’s go home.” Hindi na niya kakayanin pa ang muling maka-engkwentro si Genesis sa lagay na iyon.     Helena sighed inwardly.  Hanggang doon na nga lang yata siguro sila ni Genesis. Fangirl at idol. At hindi na mababago pa iyon ng kahit anong sirkumstansya at pangyayari kailanman. ISANG mahabang hikab ang pinawalan ni Helena habang itinataas ang roll-up shutter ng flower shop na kanyang pag-aari, ang Blooming K's. Alas otso pa lamang ng umaga ay nagbubukas na siya ng tindahan ngunit maaga pa roon ay nagsisimula na ang araw niya. Kadalasang alas-sais pa lamang ay gising na siya dahil kailangan pa niyang maghanda ng almusal ng kanyang pamilya at ng assistant niya sa shop. She opened Blooming K's about three years ago. Bata pa lamang kasi ay mahilig na siya sa paghahalaman, isang bagay na namana niya mula sa kanyang namayapang abuelo. Their garden was always abound with flowering plants and there even was a little organic vegetable patch. Noong bumukod siya ng tirahan sa pamilya mula nang ipanganak niya ang kambal, pumili siya ng isang maliit na bahay na may espasyo para sa hardin at vegetable patch sa bahagi ng village kung saan naroon ang mga low-cost housing. Helena's garden was the envy of many village homeowners, even those who came from the “elite” part of the subdivision. Soon, her name became famous around the village that many people came to her to buy flowering plants and even hire her for gardening services. Noong mga panahong iyon ay tanggap lamang siya nang tanggap ng mga patrabaho kabilang na ang pagiging isang online English teacher. Sa larangang iyon niya nakilala si Shin na isa sa mga naging estudyante niya. Shin was also the one who gave her the idea of professionally offering her goods and services under a business name. Nag-alok pa nga ito na pahihiramin siya ng pampuhunan ngunit tinanggihan niya. Ang tanging sinunod niya ay ang payo nitong pormal nang gawing isang negosyo ang Blooming K's. Helena started to arrange the plants and flowers she will put on display on the front porch of the shop. Sinipat niya ang relong pambisig at natagpuang labinlimang minuto na pala ang nakakalipas mula nang magbukas siya ng shop at wala pa rin ang kanyang assistant na si Raya. Anak ito ng isang kasambahay ng kanyang ina at doon na rin sa bahay nito tumutuloy. Paminsan-minsan talaga ay nahuhuli ito ng dating dahil napag-uutusan din ng nanay niya. Ngunit hindi pa nangyaring hindi ito nakapagsabi na mahuhuli ito ng dating. Oh, well. Baka wala lang load or whatever. Tinapos na rin ni Helena ang pagbubukas ng shop at nagsimula nang mag-check ng online orders. Sinubukan nilang magbukas ng isang online flower delivery shop at kasalukuyan iyong nasa Beta stage. Siyempre, kasabay ng pagbubukas ng online shop ng Blooming K’s ay ang pagla-log-in din ni Helena sa isang bahagi ng digital na mundo kung saan niya napapakawalan ang dugong fangirl niya na hindi niya magawa sa tunay na mundo.     Naging bahagi siya ng online forum na Fangirls United noong panahong halos mabaliw-baliw na siya dahil nalaman niyang buntis siya. Nagbunga ang isang gabi ng kapusukan na pinagsaluhan niya at ng lalaking nakasama sa Pagudpud noong mga panahong miserableng miserable siya dahil sa naunsiyaming pagpapakasal.     Helena could turn to no one. Hindi uso sa kababaihan ng pamilya nila ang magbuntis nang walang boyfriend o asawa. At natural nang si Ace ang iisipin ng mga katandaan na ama ng kanyang dinadala  dahil wala naman sa personalidad ni Helena ang pumatol sa kung sino lang.     Stressed out and going crazy because of her situation, pinatulan na ni Helena ang isang private Internet forum/chatroom na pinamumugaran ng mga fangirls sa lahat ng sulok ng mundo.     [***Insert F.U. chat flashback here***] HELENA grinned widely after browsing the forum. Kakaiba talaga ang mga member ng F.U. Higit sa lahat, lahat sila magkakasundo no matter which fandom they belong in. Kapag kasi may nag-incite ng fanwar, naki-kick agad ang taong iyon at ibina-ban ng mga admin ang IP address.        Matapos i-check ang lahat ng online transaction ng Blooming K's, tumuwid ng upo si Helena at nag-inat. Nangunot ang noo niya nang mahagip ang relo sa computer. Aba! Anong petsa na at wala pa rin si Raya?                Akmang dadamputin na niya ang cellphone para tawagan ang dalagita nang makita niyang naroon na pala ito.     “O, Raya. Andiyan ka na pala. Bakit ‘di ka man lang nagsasabi?” Aniya sa dalagita upang mapakunot lamang ang noo dahil sa ekspresyon nito. “Hoy, Hiraya Manawari!” muling pukaw niya rito. Nakatanaw lamang ang dalagita sa pinto ng shop na tila nananaginip nang gising. “Earth to Haraya Mallari?” tinampal-tampal na niya ang braso nito. “Anyayare sa iyong babae ka?”     Sukat ay humarap ito sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang braso. “Ate Lens, ang gwapo-gwapo pala talaga niya.”     “Ha?” kumunot ang noo ni Helena sa iginagawi ng assistant niya. “Sino ba’ng sinasabi mo? May gwapo ba rito sa parteng ‘to ng village natin?”     “Siyempre, wiz! Noon ‘yun. Pero ngayon, meron na, ate. Meron na tayong kapitbahay na gwapo.” Anitong nagkikisay pa sa kilig.     “Ah, oo nga pala. May moving truck nga pala diyan sa kabila noong makalawa.” Ani Helena habang tumatango-tango pa.     Ginaya naman siya ng dalagitang tumango-tango rin. “At, ate, kaya ko sinasabi sa iyo ang bagay na ito dahil alam kong sadyang ikatutuwa mo’ng malaman kung sino ang gwapo na, talentado pang kapitbahay natin.” Tila nakadiskubre ng solusyon sa global warming na pagbibida nito sa kanya.     “Ano ba’ng pinagsasasabi mo diyan, Raya? Saka paano mo nalamang talentado iyong tao, eh, ngayon mo lang naman nakita?”     “Ay, grabe siya. ‘Te, ‘wag naman turtle ang brains.” Tugon nitong nakaingos sa kanya. Kinuha nito ang cell phone at saglit na nagpipindot sa screen niyon. “’Eto, Ate Lens, ang bago nating kapitbahay.” And then faced the cell phone’s screen towards her with a flourish.     Helena squinted her eyes at the picture on the screen. “Ano ba’ng dapat kong tinitingnan dito? Iyong ulo ba ng mga tsismosa nating kapitbahay?”     Tila naiinis na napa-tsk pa ito bago muling iniharap sa sarili ang telepono habang bumubulong-bulong tungkol sa mga buwisit na usisera.  Muli nitong pinadaan ang mga daliri sa screen ng telepono at saka iniharap uli sa kanya iyon. “There, o. Sa may gate ng balur.”     Helena removed the glasses she wore while at home and peered closely into the phone’s screen. Kasabay ng pagkunot ng noo ay ang pagtahip ng dibdib niya. She blinked twice, thrice, and even rubbed her eyes, almost sure that they’re just playing tricks on her.     Because it would be next to impossible that he would be their new neighbor.     “Believe it or not, ate. That’s him right there. Your Genesis.”     Helena looked at Raya, pretty sure disbelief’s written all over her face. “Cannot be, my dear. Granted, nasa loob ng magandang subdivision itong bahay natin. Pero rito sa phase na ito? No can be. Nah-uh.”     Chateau de Merveilles Village is a high-end subdivision, indeed. Maraming high profile na indibidwal ang nagmamay-ari ng mga bahay doon. Subalit may mga phase ang subdivision para sa tinaguriang low-cost housing. Ang bahay ni Helena ay naroon sa isa sa mga phase na iyon kung saan karamihan ng nakatira ay mga working class, ‘ika nga.      She refused to believe that an international artist like Genesis Camiliano would choose to live among the masses.     “And considering his previous experience, I don’t think he will.” Helena thought sadly, remembering her last encounter with the man.     As a fangirl, she can understand the extent of the craziness a fan can have towards her idol. Ngunit hinding-hindi niya magagawang manira ng buhay ng isang tao dahil lang sa pagka-obsess sa iniidolo. Kung kaya labis na nasaktan si Helena sa akusasyon ni Genesis sa kanya. At labis din siyang nalungkot dahil doon.     Ever since his wife’s passing, Genesis had been much more aloof towards his fans even after the lengthy hiatus he took from showbiz. Kapansin-pansin ang mas pinaiksing talk segment sa mga concert nito. Marami ang tumiwalag na sa fandom dahil pakiramdam daw ng mga ito ay pineperahan na lamang sila ni Genesis. Ngunit marami pa rin ang nanatili at patuloy na umaasa sa pagbabalik ng Genesis noon na unang isinasaalang-alang ang mga fans.     “Aba, ate, anong malay natin. Baka nagtitipid o kung ano,” anito sabay kibit-balikat. “Wala ka ba’ng nasagap diyan sa F.U.?”     Umiling si Helena. “Iyon na nga, eh. Walang kaingay-ingay.”     Muli ay nagkibit lamang ito ng balikat at sinimulan na ang trabaho nito sa shop. Ito ang occasional flower arranger ng Blooming K’s. “Hindi naman talaga nalalaman ng mga tao kung naglilipat-bahay ba ang mga artista, ‘di ba? Siyempre, proteksyon nila ‘yun. Malay natin, may stalker pala si Genesis, ate.”     Nahulog sa malalim na pag-iisip si Helena habang nakatitig pa rin sa larawan sa cell phone ni Raya. “Ang weird mo rin talaga, Ate Lens,” pukaw sa kanya ni Raya na nagpabaling ng paningin niya rito. “Hindi ba dapat tipong nagtatatalon ka na diyan sa tuwa? Pagkatagal-tagal mo nang fan niyang si Genesis at abot-kamay mo na lang siya ngayon. Hindi ito ang panahon para maging skeptical ka. Dapat ang iniisip mo, paano ka magiging close doon sa tao o ‘di kaya naman kung paano mo siya mapipikot.” Raya ended her litany with a mischievous smile on her face.     Napamaang si Helena sa tinuran ng dalagita. “Iyan! Iyan ang napupulot mo kapapanood mo niyong mga local soap opera. ‘Pag narinig ni mama iyang pinagsasasabi mo, nalagot ka nang bruha ka.”     “Aba, malay mo naman, ‘te. Baka nga mamaya um-agree pa sa akin si Mama T. Kung kayo ni Genesis ang magkakatuluyan, aba, may instant daddy-yo na ang kambal, hindi mo pa kailangan ng sangkaterbang sideline. ‘Etong BK lang, keri na, kasi ‘di mo na kelangan kumayod ng bonggabels para lang kumita. Instant Donya Helena ka na!” anito sabay halakhak.     Binato niya ito ng floral foam na nadampot lang niya kung saan dahil sa katabilan ng dila nito. Hindi nito alam, iyong-iyon nga ang tingin ni Genesis sa lahat ng fangirls nito. “Baliw ka talagang babae ka. Magtigil ka na nga riyan sa kalokohan mong naiisip at magtrabaho. Sisilipin ko lang ang mga bata kung nagising na.”     Naririnig pa ni Helena ang halakhak ng kanyang assistant hanggang makapasok siya sa main house.     Sa komedor siya dinala ng mga paa at napaupo na lamang sa isang upuan nang makarating doon. Mabilis na mabilis ang pagtahip ng kanyang dibdib kahit wala naman siyang ginagawa. She blew out air, thinking about Raya’s words.     The bratty teenager didn’t know how close she hit to home with her words. Helena wondered if it was fate playing tricks on her.     Malalim na napabuntong-hininga si Helena. Fate or whatever, one thing’s for sure. The world seem to be getting smaller and smaller for her and Genesis. At wala sa mga kamay nilang dalawa ang kontrol upang pigilan ang pagkakalapit nila sa isa’t-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD