CHAPTER 8.5
Bridget’s POV
Ang saya talaga sa feeling pag ikaw ang may pinakamataas na score sa game. Na halos sa sobrang kati mo sa game, wala talagang makapatay patay sa 'yo. Ang standing nga ng Jinx ko ay 16-3-8. Walo lang ang assists ko dahil ako lagi ang nakakapatay. Hindi ako KS ah, I know how to play fair.
Sila Luce at Cayden naman, ay hangang hanga sa standing ko. Kakasimula ko pa lang talaga maglaro kaya hindi pa nasa level 30 ang account ko. 'Di pa ako nakakalaro ng mga ranked games, hindi tulad ng mga 'to. Alam na ang mga pasikot-sikot. Baka nga kung may lagusan sa loob ng Summoner’s Rift, eh alam na alam na nila eh. Eh kaso, wala naman yata.
Best played champion ko talaga 'tong si Jinx. Ah! Pati pala sila Caitlyn… Vayne… At Quinn. ADR talaga ang mga gusto ko. Para kapag 'yung basic attack lang nila ay malayo, kahit pulado na ang buhay… Makati pa rin!
Bakit ko nga ba sinasabi sa inyo ito, eh hindi naman yata kayo mga LOL gamers. Nashare ko lang, sila Cayden kasi eh… Yayaya na maglaro, mga baog naman.
“Ano bang mga items mo?” Tanong sa akin ni Luce. Vayne kasi ang gamit niya, edi ADR din 'yun kaya tinatanung niya sa akin kung ano ang mga build ko
“Blood thirster, phantom dancer, IE, boots, at frozen mallet.” Cool kong pagkakasabi. 'Yan na yata ang pagkakasunod sunod na binili ko sa store nung game. Oo, 'yan nga.
“Grabe. Ang bilis mong makakuha ng pera. Imba gaming ka, pre!” At nakipag-high five siya sa akin. Sabi sa inyo eh, hanga na 'yan sa akin.
Minsan lang daw talaga sila makakilala ng mga babaeng gamer. Actually, ako pa lang daw pala ang nakikilala nilang babaeng gamer na may mga imba moves din eh. I wonder, bakit nga ba hindi naglalaro ng mga gan’to ang babae? Bakit ayaw nila sa DoTA? Sa LOL? Eh ang cool nga ng mga graphics nito eh, ang ganda pa! Tapos kapag alam mo na ang mga hot keys na pipindutin mo, feeling mo pro ka na kung maglaro. Oo seryoso, 'yun kasi ang nararamdaman ko everytime na naglo-LOL ako.
Matawa tawa pa ako dito kay Luce kanina, halos aagawin ba naman ang ACE ko? Eh pa’no, clash kasi nun kaya medyo makakati na rin ang mga kalaban. Edi namatay na agad sila Luce at Cayden nun. Dahil malakas ang loob ko, pinagtulong tulungan na nila ako. Medyo pulado na rin ang mga buhay nila kaya agad ko rin naman silang natapos… Unti unti. Hanggang sa nag-teleport agad si Luce sa isang minion dahil buhay na siya, aagawin na sana niya ang pang-penta kill ko pero buti na lang ako ang naka-last hit. Mangke-KS o Kill Steal pa ang loko eh.
Wala, natatawa lang ako. Kasi ang saya talaga maglaro nito.
Hanggang sa…
“Imba! Tara, pustahan?”
Nagulat naman kami sa nagsalita sa may banda likuran namin kaya napatingin naman kami sa likuran namin at tinignan kung sino ang nagsalita… Aba, malakas ang loob ng isang 'to ah. Bakit siya andito? Dito rin ba siya naglalaro? At ako pa ngayon 'tong hinahamon niya.
“Pustahan? Sige ba, Mr. Conceited Dean.” Sabi ko. Tama, ang Luke na 'to ang nagyayaya sa akin. Nakita niya na naman siguro kung paano ako maglaro? Hmm.
“Magkano?”
“Ayoko ng pera. Gusto ko… Dare.” Lakas loob kong sabi. Eh pa’no kasi kung talo ako? Edi wala akong pambayad sa pusta? Mukhang mayaman pa naman 'to kaya baka malaki ang ipusta niya.
“Dare? Ano naman ba?”
“Hmm. 'Pag nanalo ako, lulubayan mo na ako. Hindi mo na ako papansinin pa nor kukulitin pa. Basta! WALA NANG PANSINAN PA AH? At sa iba ka na makikiupo, hindi na sa tabi ko. Okay ba 'yun?” Tuloy tuloy kong sabi. Desidido talaga ako dito.
“Haha. Eh pa’no kapag ako naman ang nanalo?” Lumapit ang mukha niya ng kaunti at ngumiti siya nang nakakaloko. Medyo kinabahan naman ako dun. Isa lang nga pala sa aming dalawa ang mananalo… At matatalo.
“I-ikaw ang bahalang magpa-dare!”
“Sure ka? Masama pa naman ako pag nagpapa-dare. Binubuhos ko kasi talaga lahat pag nagpapa-dare ako.”
Lumunok ako ng laway. Bakit ganun? Kinakabahan ako sa itsura niya ngayon! Bakit ba siya ganyan? Mukha ngang nakakatakot 'to magpa-dare.
“O-oh sige. Pag nanalo ka… B-babayaran na lang kita!” Kahit wala akong pera.
“And how much is that?”
“F-five hundred pesos?” Nako. 'Yan na ang malaking budget na maiaalok ko. Tsk. Ipon ko na 'yun sa loob ng isang buwan eh!
“Five hundred pesos isn’t enough. Mas worst naman ata ang pinapagawa mong dare sa akin. Ano ba 'yan, life time dare na?”
Napaisip ako sa sinabi niya, life time dare na nga ba talaga 'to? Edi kung life time na, NAPAKASUWERTE KO KUNG MANANALO AKO! Eh pa’no kung siya pala mananalo? Life time na su-supply-an ko siya ng five hundred pesos every day? Week? Month? Ganun? Eh 'yung five hundred pesos na 'yun ay baon ko na 'yun for two weeks. Tsk. 'Di yata kaya ng ganun. May mga binabayaran at binibili pa rin naman kasi ako dito sa school.
Pero, bahala na… “Oo!” Lakas loob kong sabi.
“Edi bawal ang pera. Dapat… May dare rin ako sa 'yo kung sakaling manalo man ako?” Ayan na naman. Bumalik na naman sa mukha niya ang nakakalokong ngiting 'yan! Nakakainis naman. Tama nga bang hindi ako bumack out sa pustang 'to?
Sila Luce at Cayden naman… Nakatingin lang sa amin. Luce and Cayden mouthed the words, “We got your back.” 'Yan ba ang sinasabi nilang they got my back? Oo nga! Sila ngang bahala habang nasa likod sila, malamang sa malamang naman… Sila lang naman ang nasa likod ko! Mga friends naman eh, tulong naman dito!
“A-ano ba kasi 'yun?”
“Okay. Kapag nanalo ako, hahayaan mo akong dumikit nang dumikit sa 'yo. Asarin ka, bugnutin ka, inisin ka, pag-trip-an ka, bwusiten ka, yamutin ka, bagotin ka at bad trip-in ka. Okay na ba 'yun? Ah! Kung gusto pala kitang kausapin o pansinin dapat nice ang pagsagot at pagtrato mo sa akin pabalik ah? Saka kung gustuhin man kitang utos utusan, susunod ka sa akin. Kundi…”
“K-kundi ano?”
“Ang lumabag sa dare, for example, lumabag ako sa dare mo dahil panalo ka nga… Kapag ikaw ininis ko pa rin ng ininis, isang pitik lagi sa tainga? Haha.” Psh! Siraulo ba siya? 'Yun lang pala, akala ko pa naman mabigat na parusa ang lalabag sa dare!
“'Di. Kapag lumabag ka sa dare ko kung sakaling mananalo man ako pero alam ko namang ako ang mananalo, LILIPAT KA NA NG IBANG SECTION!---“
“At kapag ikaw naman ang lumabag sa dare kung sakaling manalo naman ako, IDA-DATE NA LANG PALA KITA. Okay?”
Huh! Date? Psh! 'Wag siyang maging kampante. Ngayon pa lang naman niya akong nakitang maglaro, kung makapaghamon na eh… Pati pala sa paglalaro napakataas ng self confidence niya. Sige lang, uuwi talaga sa akin 'to ng luhaan.
“Ano, deal?”
“Deal!” Haay. Isang laro lang 'to, ang dami namang mangyayari sa pusta. Tsk!
“Dahil mabait ako, hindi na for life time. Sa loob na lamang ng isang buwan 'yan, payag ka ba?” Aba. Talagang mabait nga si Luke ah. PERO, NGAYON LANG!
“Payag na payag ako! Sige ba, sige!” Sagot ko, kahit ako naman ang nag-suggest kanina na for a life time. Pero life time na rin naman ang paglipat niya sa ibang section, diba? Hindi ko na siya masiyadong makakausap o makikita pag ganun. Hayahay ang buhay!
“Grabe. May dare na nga, pero pag hindi pa nasunod ang dare na 'yun… May dare pa! Hahaha.” Singit ni Cayden. Oo nga eh. Dami kasing pauso ng lalaking 'to eh.
“Naman. Tignan natin ang natatago mo pang galing sa paglo-LOL.” Inaangasan ba ako ng Luke na 'to? 'Pag siya talaga pinakitaan ko… Nang galing! Hu u 'to sa akin.
“Sa 'yo rin, Mr. Luke.”
“Saktong tatlo naman yata kayo diba? Tamang tama, isasali ko pa 'tong dalawa kong kaibigan para saktong tatlo na rin kami.” Turo niya sa dalawa niyang kaibigan. Nag-wave naman ng kamay ang dalawang 'yun sa amin. Medyo kinabahan na naman ako. Oo nga pala, kailangan balanced. 3v3 nga pala.
“Sige, Luce at Cayd… Alam na this.” Tumingin ako sa kanila at saka tumango. Kaya natin 'to, guys! “Ano? So… Rakrakan na?” Pagaayaya ko. Oo nae-excite ako at the same time ay kinakabahan. Tama nga bang isugal ko ang dignidad at reputasyon ko sa kanya? Magkakaalaman na lang talaga.
“Sure, Miss Bridge.” 'Yan na naman siya sa kaka-Bridge niya eh.
**
“Mid ako.” Sabi ko.
“Sige, mid din ako.” Sabi naman ni Luke. Haay! Ako ba talaga ang tinatapatan nito? Tsk. Kunsabagay, Lux naman ang gamit ko.
“Good luck guys!” Sabi ko sa dalawa kong kaibigan, “Sa 'yo rin, Luke.” Katabi ko naman siya kaya binulungan ko siya ng pesteng good luck na 'yan. May halong sumpa 'yan kung alam niyo lang! Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na tumingin siya sa akin. At lumapad pa ang ngiti niya. Okay? What was that for?
Nagsimula na ang laro. Hulaan niyo kung sinong na-first blood…
SIYEMPRE, SI LUKE!Papalag pa siya sa akin ah. Tuloy tuloy na 'to!
**
“OM NA! OM NA!” Ang ingay ko na yata kanina pa dito sa computer shop. Oo, sumisigaw na ako. Nakakapagmura na nga eh. Pero natural lang naman 'to sa mga naglalaro. Pampalabas na rin ng kaba ang pagsigaw ko dito. Only Mid ang meaning nun.
Lamang kami sa push nila. Pero ang score ay 14v9. Kami ang nakaka-14 kills na.
“Magtanim kayo ng wards, magte-teleport ako!” Sabi naman ni Luce, kaya naman naglagay naman ako ng wards sa bush.
“Def muna ako ng bot, napu-push na!” Sabi naman ni Cayden.
“Bigyan ko kayo ng tip, i-chat niyo na lang kaya ang mga sinasabi niyo? Nalalaman tuloy namin kung anong ginagawa niyo sa base ninyo. Kahiya naman eh. Haha.” Sabi ni Luke habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya sa screen ng computer.
Shit. Oo nga 'no? Ay nako. Edi chinat ko nga muna saglit sila Luce at Cayden na 'wag na lang sumigaw. Aish. Bakit nga ba kasi hindi ko naisip 'yun?
*SHUT DOWN!*
Shit! N-na…shut down… A-AKO… NASHUTDOWNAKO! Tinignan ko ang death recap at… ANGPESTENGLUKENA’YANANGNAKAPATAYSAAKIN! Este, ANG PESTENG LUKE NA ‘YAN ANG NAKAPATAY SA AKIN! Fudge. Binahiran niya ang napakagandang record ko! Ngayon pa nga lang ako namatay, t-tapos… SIYA NAMAN ANG NAKAPATAY SA AKIN? 'Di ko yata ito matanggap!
[Caydee (Zed) All: Idol na luke! Haha. :-)]
[Lucefer (Caitlyn) All: Imba! Hahaha.] Aba, mga lokong 'to! Kampi ba sila sa Luke na 'to? Waaah! Nakakainis naman kasi!
[Gigitte (Lux) All: Weak. Suupot. Baaog.] Sorry! Naiinis ako eh. Bad trip.
“Hahahaha!” Sabay na tumawa sila Cayd at Luce.
“Tawa kayo ng tawa diyan, mga def niyo napu-push na.” Sabi ni Luke. Ow s**t! Oo nga. Hay nako! Nakakainis naman kasi!
Patagal na ng patagal… Tinamad na yata ang dalawang kasama ko maglaro. Pa’no, nagpa-feed na lang ng nagpa-feed! TUMABA AT KUMATI NA RIN ANG AKALI NA 'YAN! Akali kasi ang gamit ni Luke. s**t naman kasi eh! Ayan na! Nahihirapan na tuloy kaming wasakin ang Akali na 'to. Tsk. TUMABA NA!
*THE ENEMY IS UNSTOPPABLE!* *GODLIKE!* *LEGENDARY!*
“s**t!” Napasigaw na ako sa sobrang pagkainis. Lahat nang 'yan, ANG LUCE NA 'YAN ANG NAKAKAKUHA NG CREDITS! “LUCE! CAYD! 'WAG NGANG MGA BABAOG BAOG! GUMALAW KAYO DIYAN! KAYA PA NATIN 'TO!” Dagdag ko.
“GG na!” Sigaw ng isang kalaban namin.
“LUL! TUMAHIMIK KA!”
“Gitte, dito na lang kami sa base… Kaya mo na 'yan.” Sabi ni Luce. ANO 'TO? AKO BA TALAGA ANG MAGBUBUHAT NGAYON?
“Ano? BABAOG BAOG KAYO DIYAN? GUMALAW KAYO! TARGET-IN NIYO ANG AKALI NA 'YAN! PUTA!” Ayan na. Napapamura na ako. Nakakainis naman kasi! Mga hindi na pumalag eh.
*SHUT DOWN!*
[Gigitte (Lux) has ended LUKEandREID (Akali)’s killing spree! Bounty: 500g]
“WHAHAHA! AYAN! Idol na uli kita, Gitte! Susugod na kami!”
“Cayd, mag-build ka ng IE.” Utos ko.
“Yes boss!” Ayan ha, sana na lang manlaban na! WALANG WEAK!
**
Natapos ang game namin at sobrang nakakapagod… Halos magiisang oras kaming naglaro para sa game na 'yun na pusta namin kila Luke.
“Hayaan na, magaling ka naman eh.” Hinahagod hagod ni Cayden ang likod ko..
“Oo nga, at least napakitaan mo sila ng skills mo diyan!” Pagsangayon naman niLuce.
'Di ko nalang sila pinansin. Nagbayad na kami at saka umalis. Pero bago kami umalis…
“Remember our dare. See you!” Sabay alis ng Luke na 'to. PSH! KAKABAD TRIP!