Dating Mr. Conceited [10]

2210 Words
CHAPTER 8 Cayden's POV Hello sa inyo! Ako nga pala si Cayden Ian Delahoya. Cayd na lang for short dahil karamihan naman sa akin... 'Yun ang tawag. Gaya nila Gitte at Drew ay 3rd year high school na rin ako. Kaibigan din nila ako simula nung elementary pa lang. Buti nga hanggang ngayon, ay magkakaibigan na kami eh. Free time naman namin ngayong Sabado... Kaya maggagala na lang kami. Andito na kasi ngayon si Luce. Si Drew at Gitte na lang talaga ang hindi pa namin nakokontak ngayon. "Pare, kontakin mo na 'yung dalawa." Utos sa akin ni Luce. "Eto na nga pare oh." Simula 1st year, pansin na namin kay Drew na may gusto yata siya kay Gitte. Lalaki kami, alam at marunong kaming makahalata kung may gusto ang isang lalaki sa isang babae. Eh pa'no ba naman, napakabait kasi talaga niyang ni Drew kay Gitte. Siguro dahil best friend niya nga ring babaeng 'yun? Pero iba ang nakikita naming bait eh. 'Yun ay ang bait na hinding hindi pa naipapakita sa amin ni Drew. Wala pa rin namang nagiging girlfriend 'yang si Drew. Siguro dahil siya ang tumatayong kuya sa aming barkada. Siguro dahil isa lang ang kaibigan naming babae kaya over protective siya rito. Oo nga 'no! Bakit hindi mo nga naman agad naisip 'yun, Cayd? Tinext ko na rin naman sila Drew at Gitte. "Dude, may tanong ako." Tawag ko kay Luce. "Ano 'yun?" "Sa tingin mo ba, 'yang si Drew may gusto talaga kay Gitte?" "Bakit mo naman natanong? Diba 'yan nga 'yung inaalam natin? Kasi kahit tayo ay walang idea kung may gusto nga ba talaga siya rito o wala." "Eh ikaw? Anong sa tingin mo?" "Sa tingin ko... Oo... na hindi. Sa magkakaibigan kasi, si Gitte ang parang babata-bata kung kumilos. Malay mo, kumbaga sa isang pamilya si Drew ang tumatayong Kuya. Tapos... Tayong dalawa..." Tiningnan niya muna ako at saka ngumiti, "Ang tumatayong magulang?" "Pare naman... 'Wag gano'n." "Oh bakit? Haha. It is possible men!" Matawa tawa niyang sabi, "Ano? Nagreply na ba?" Pagiiba naman niya. Tinignan ko ang phone ko, at binasa ang texts nila Drew at Gitte. From, Drew: [Saka nlang, may pnapaasikaso kc skn c papa e. Ingat nlang kyo!] "Dude, may pinapaasikaso raw si tito kay Drew." Sabi ko. "So hindi siya kasama? Eh si Gitte. Nagreply na ba?" Binasa ko na rin ang text na galing kay Gitte... From, Gitte: [Tara ba! San ba tayo magdadate? :-)] "Men, sama raw sa atin si Gitte. Saan naman daw tayo magda-date?" "Hmm. Saan ba puwede? Tara't mag-SM na lang! KKB ah." Nireplyan ko naman si Gitte na mage-SM na lang. At KKB siyempre. 'Di uso sa barkada ang librehan. "Sige. Puntahan na lang ba natin si Gitte dun?" "Siya na pumunta dito. Malaki na siya. At saka, lalaki naman din 'yun! Marunong na siyang depensahan ang sarili niya. Haha. Si Gitte pa. Trust him---este, her." Kunsabagay. Nahawaan na namin ng p*********i 'tong si Gitte. Kadalasan ba naman maluluwag na talagang shirts ang mga sinusuot niya. Tapos hindi rin naglalagay ng kung anu ano sa mukha 'yan. Boyish na nga 'yun kung tutuusin. Kulang na lang talaga ay patulian siya. 'De, dalaga na rin siguro 'yan. Ni...rer-regla na siguro 'yang si Gitte. Oo na. Awkward lang kasi talaga sa aming mga lalaki ang pagsabi ng word na regla. At 'yun ay hindi ko alam kung bakit na isa ako sa mga lalaking naa-awkward-an sabihin 'yun. Eto kayang si Luce? "Pare, sabihin mo nga... r-reg...la." Utos ko kay Luce habang nauutal ko pang sabihin. "Regla." Aba! Tuloy tuloy niyang nasasabi 'yun? Ang galing naman niya. "Tuloy tuloy mong nasabi ah. Hindi ka ba na-awkward-an sabihin ang word na 'yan?" "'Di naman. Wala naman kasing ka-awkward awkward dun." Aba ang angas talaga nito, "Teka... Ano ba 'yun?" Dagdag pa niya. SABI NA EH. 'DI NIYA ALAM 'YAN KAYA NASABI NALANG BIGLA NIYA 'YAN WITHOUT KNOWING ITS MEANING. Bahala siya diyan. "Wala." "Hindi nga. Ano nga 'yun?" "Search mo na lang nga sa Google o hanapin mo sa dictionary." "Eeh. Sasabihin mo na lang eh. Dali na brad, ano nga 'yun?" Lokohin ko kaya 'to? Ang kulit kulit eh. Saka kasalanan niya na 'yun dahil hindi pa niya alam ang salitang 'yun. "Regla... 'Yun 'yung... p-pera. Oo! Pera 'yun! Ayan? Okay na?" Pagiimbento ko ng sarili kong meaning. "'Yun naman pala. Akala ko kung ano na. Talagang mahina kasi ako sa mga matalilinhaga... matalanghiga... m-matilanghaga---" "Matatalinhagang salita." Pagtama ko sa kanya. "Ayun! Matalanghiga... matatalinhaging... m-mata---" "MATAhimik na! Ingay mo brod. Basta 'yun na 'yon." Napakamot na lang siya sa ulo niya. Ignorante ba talaga 'tong si Luce? Ibang klase. Kunsabagay, hindi naman kasi talaga siya simula pagkabata lumaki dito sa Pinas eh. 'Di tulad ko? Kahit na nabahiran kahit kaunti ang aming lahi nang pagka-half German... 'Di pa rin ako marunong gumamit ng mga lenggwahe nila. "Oo na. Sabihin ko nga mamaya kay Gitte 'yun. Mamangha siya dahil may bago na akong word na natuklasan galing sa 'yo. Whaha!" At nag-evil laugh pa ang loko. Hala s**t! "Oy. 'Wag nga!" "Bakit? Eh. Basta sasabihin ko sa kanya 'yun." "Gago, 'wag mo na akong idamay." "Bahala ka diyan." Yari ka, Cayd. ** *Ding dong!* "Buksan mo na, Luce. Si Gitte na 'yun." Sabi ko habang hinfi inaalis ang screen sa pagco-computer. Naglo-LOL kasi ako ngayon at walang makakaistorbo sa 'kin. Tumayo na naman si Luce at lumabas na para buksan ang gate... "Tara na?" Nasa likod ko na pala si Gitte at Luce. "Teka, tatapusin ko lang 'to." Sabi ko habang naglalaro pa rin. "Ano ba naman 'yan, Cayd. Pinapunta mo ako ng maaga dito naglalaro ka pa pala. Sige na, bilisan mo na diyan." Siguro kung hindi ko kaibigan 'tong si Gitte, matagal na akong nagkagusto dito. Ibang klase talaga kasi siyang babae. Makakasama sa lahat ng trip, naiintindihan kahit nagdo-DoTA o naglo-LOL ako o kaya kami, hindi pa siya KJ, hindi pa conservative... Kung ano talaga siya, 'yun talaga ang ipinapakita niya lagi sa amin. Kaya maraming lalaki ang pumangarap na kaibiganin siya dahil sa napaka-unique ng ugali niya eh. Tapos ano? 'Pag naging kaibigan nila, ita-take advantage naman nila? Sus. Ganyan naman sila eh. Karamihan sa aming mga lalaki, ganyan. Kinakaibigan muna bago nililigawan. Kumbaga, inaaurahan muna. Don't get me wrong, kaibigan ko lang talaga 'tong si Gitte at alam kong hindi talaga kami talo niyan. Hanga lang talaga ako sa ugali niya. Siyempre, we can't deny the fact na karamihan sa kanilang babae ay hindi tulad ni Gitte. Kulang na nga lang yata sa babaeng 'to ay maging boom T-boom eh. "Pre, pagkatapos mo naman diyan, ako na." Sabi sa akin ni Luce. "Hoy hoy hoy! Ano 'yan? Maglo-LOL lang kayo buong maghapon dito? Aba't! Bakit pinapunta niyo pa ako kung maglo-LOL lang pala kayo? Ha? Aba'y mga lokong 'to!" Sabi ni Gitte habang naka-poker face. "Haha. Oh, narinig mo na naman siguro ang sinabi niya Luce? Saka ka na. Matatapos na rin naman ako dito oh, aalis pa tayo baka nakakalimutan mo." Ako. "Kayo na lang pala, dito na lang ako sa bahay ninyo Cayd. Ako na lang ang magbabantay dito. Hehe." Sabi ni Luce. "Loko ka ah! Kailangan mong sumama Luce! Ano? Ipagpapalit mo lang ba talaga kami sa LOL na 'yan? Ay nako naman oh. Tamo nga ako oh, kahit naiinggit ako diyan habang pinapanuod ko si Cayd na naglo-LOL ay pinipigilan ko pa rin ang sarili ko ah! Gustong gusto ko rin kayang maglaro ngayon." Sabi ni Gitte habang nagpa-pout. Oo, marunong din 'tong gumamit ng LOL. Marami na nga 'tong na-unlocked na champions eh. Kung kami nila Luce at Drew, gumagamit pa ng RP (Riot Points) siya naman, IP (Influence Points) ang ginagamit niyang pambili ng runes at heroes. Mas gusto niya raw kasing pinaghihirapan daw ang points na nakukuha niya kaysa naman bibilhin sa pamamagitan ng pera. (RP; binibili gamit ang pera para makabili ng mga heroes. IP; binibili gamit ang mga points na nakukuha sa bawat laro para makabili ng mga heroes.) Siyempre naman, nahawa na 'yan sa amin ng paglalaro ng mga gan'tong laro. Mga panlalaking laro. Siya ba naman puro lalaki ang mga kaibigan. Tapos lagi pang pinaguusapan ang tungkol sa laro laro na 'yan, siyempre maiinis talaga siya 'pag hindi siya maka-relate. Kaya ayun, tinuruan nga namin. Pero hindi pa naman talaga siya ganun na kaadik ng sobra. Kaya pa namang makontrol. "Laro na lang kaya tayo sa computer shop?" Pagaayaya ni Luce. "Mall nga tayo, diba?" Sabi ko. "Computer shop na nga lang..." "Sabihin mo diyan kay Gitte. Niyaya pa naman natin siya sa mall. Eh pa'no kung gusto pala niya sa mall diba?" "Sige! Tara, mag-LOL na lang tayong tatlo, guys!" Pagsangayon ni Gitte. Oh, sabi sa inyo eh. Marunong nga kasi 'yan. Ayan, nainggit tuloy silang dalawa kaya nagsigayahan na. Alam na this. Nag-recall muna ako at tumingin sa kanila, "Seryoso kayo? Pa'no ang date nating tatlo?" tanong ko sa kanila. "Saka na 'yun! Wala rin naman ngayon si Drew eh. Pangit naman kung hindi kumpleto ang barkada sa date na 'yan. Edi mag-LOL na nga lang tayo! Tara na. Victory ka na diyan, iwanan mo nang naka-stand by 'yan." Pagmamadali ni Gitte. Ayan na nga ba ang sinasabi ko oh. "Sige, sige. Hayaan ko nalang siya ma-AFK dito." At ini-stand by ko na lang ang computer gaya ng sinabi niya... "Teka pala, Gitte. May regla ka ba?" Nagulat kami sa tanong ni Luce kay Gitte. Hahaha! Syet, tinotoo nga niya. Akala ko nalimutan na niya eh. Nanlaki ang mata ni Gitte sa sinabi ni Luce, "Hahahaha! Alam mo ba 'yang tinatanong mo sa akin, Luce?!" Matawa tawang sabi ni Gitte. Buti nga hindi siya tulad ng ibang babae na mananakit dahil sa ganung tanong ng lalaki eh. Bakas naman sa mukha ni Luce na naguguluhan siya sa tinanung niya, "Uy pare! A-ano bang mali sa tinanung k-ko?" Nauutal na tanong sa akin ni Luce. "Pffft! Hahahaha." Tawa lang ako nang tawa dito. Hindi ko lang mapigilan ang sarili kong hindi matawa sa tinanung ni Luce kay Gitte. "Oy, Luce. Hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng regla? Hahahaha." Matawa tawang tanong ni Gitte kay Luce. "H-huh? Ang sabi kasi sa akin ni Cayd, p-pera raw ibig sabihin nun?" Nalilitong sabi ni Luce. Pucha, dinamay pa ako. "Wala ako diyan..." Pasimple na akong lumabas para sila na ang magkaintindihan ni Gitte diyan. ** "May tatlong bakanteng upuan pa po ba?" Tanong ni Luce. "Meron pa naman..." "Tatlo po, tig-iisang oras lang." "Teka! Kasya na ba sa atin ang tig-iisang oras lang? Gawin na kaya nating dalawa?" Hirit ko. "Ganun ba, sige... Tigdadalawang oras na po." "Teka nga! Dalawang oras? Napakadami naman nun! ...Make it three hours na beybe!" Gulat naman kami sa sinabi ni Gitte. Nakuha pang umangal, akala tuloy namin tutol siya sa two hours na 'yun... Humirit pa pala ng isang oras. "Sige po, tig-tatatlong oras na po kami." Pagbabago ulit ni Luce. Dumeretso na kami dun sa may bandang dulo. Medyo marami na rin palang naglalaro ngayon. Tanghaling tapat, puno talaga ng mga computer shops eh. Ito lang naman ang pinakamalapit na computer shop dito sa lugar namin. Saka, mabilis pa ang net dito. Kaso kadalasan ay tiyambahan na lang 'yan kung wala masyadong nagco-computer... Edi suwerte mo. Umupo na kami dito at nagstart na maglaro ng LOL. "Jinx ang gagamitin ko ah!" Sabi ni Gitte. "Ako na tank, Garen." Sabi ko. "Gagamitin ko si Vayne. Yeah baby!" Sabi naman ni Luce. Ni-locked na namin ang mga gagamitin naming mga champioan... And let the game, BEGIN! ** AFTER AN HOUR. "Ow s**t! Uma-unstoppable si Jinx! Hahaha. Imba ka, Gitte!" Nakatingin na yata lahat ng mga lalaki kay Gitte. Hanga sila, babaeng gamer oh. Si Gitte naman, seryoso pa rin ang mukha, "Akin na 'yan Gitte! AKIN NA AT IE-ACE KO NA!" Sabi ni Luce nang mag-teleport siya sa isa sa mga minion na malapit sa puwesto ni Gitte. *PENTA KILL! ...ACE!* "Hwoooh! For the win! Recall na Gitte. At baka may shumat down pa sa 'yo." Pinindot na niya ang B at saka umayo ng upo. "Galing nung babae, imba! Hahaha." "Kakaturn on naman pag ganyan, babaeng gamer oh." "I love Jinx, mga tropa! Hahaha." Ang dami talagang fans ni Gitte pag talagang nasa computer shop siya. Una dahil maraming nagagandahan sa kanya at siyempre pangalawa, dahil maraming humahanga sa paglalaro niya. Parang lalaki rin ang skills nito sa LOL kung maglaro eh. "Ang daya naman, ako na dapat ang maga-ace eh." Naka-pout na sabi ni Luce. "Penta kill ko na 'yun, aagawin mo pa? Dun ka sa bot at magpakasaya ka dun sa mga minions kung gusto mong umusad ang level mo. Napu-push na 'yung tore dun oh." Parang boss na utos ni Jinx---Este ni Gitte. Grabe, master! "Ano bang mga items mo?" "Blood thirster, phantom dancer, IE, boots, at frozen mallet." "Grabe. Ang bilis mong makakuha ng pera. Imba gaming ka, pre!" At nakipaghigh five si Luce kay Gitte. Hanggang sa... "Imba! Tara, pustahan?" Napatingin naman kami sa likuran namin at tinignan kung sino ang nagsalita... "Pustahan? Sige ba, Mr. Conceited Dean." Bakas naman sa mukha ni Gitte ang pagkagulat, pero nakuha pa niyang mag-grin. Woah. Bakit andito pala si Luke?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD