CHAPTER 7.5
Bridget’s POV
“Bitawan mo na nga sabi ako. Tsk.” Pumalag na siya sa tindi ng pagkakahawak ko sa kanya sa tainga. Ngayon lang siya pumalag kung kailan malapit na kami dito sa room? At kung kailan marami na ang mga nakakita sa kanya?
“Oh, edi 'yan! Hahaha.” Natatawa pa ako sa kanya.
“Tawa tawa ka pa diyan. Pagbibigyan na lang kita. Malay mo, kaya mo hinawakan ang tainga ko dahil gusto mo akong mahawakan tapos ipagmamalaki mo na sa mga kaibigan mo dahil nahawakan mo na ako. At oo nga pala, baka naman mainlove ka niyan dahil nahawakan mo ang tainga ko? Nako. Haha.” Tuloy tuloy niyang sabi.
Ano 'yun, dahil lang sa pagkakahawak ko sa tainga niya? Bibigyan niya ng pesteng walang kuwentang konklusyon 'yun? Lul. Umasa siya! Ang kapal naman ng mukha nito, hinawakan ko lang ang tainga niya… Akala mo naman nahawakan ito ng isa sa mga fans niya. Artista ba siya? Sikat ba siya? Ah, oo. Sikat nga pala siya dito sa school pero 'pag sa labas? Sus! Hindi nga siya kilala ng mga magulang ko eh. Malalaos din 'yang kasikatan niya pag nasa labas na siya ng school!
“Hoy ang kapal ng mukha mo! Akala mo kung sino ka, hindi ko pinapangarap mahawakan 'yang tainga mo! Gusto ko lang naman talagang pingutin ka ah! 'Wag ka ngang masyadong mataas. Por que kasi sikat ka ang kapal na ng mukha mo! Transferee ka lang naman ah? Oh please, 'wag mong ikalaki ng ulo mo 'yan.” Ayan na. Sinimulan na naman niya akong bad trip-in. Wala na yatang makakapigil pa uli sa akin. Namumuro na talaga sa akin ang lalaking 'to eh.
“Oh kalma lang, baka mabaliw ka na sa akin dahil kinakausap kita ngayon ng harapan?” At saka nag-grin siya.
“WOW HA? MABABALIW AGAD? AH, OO! MABABALIW NA AKO DAHIL SA SOBRANG PAGKAINIS SA 'YO!” Sinigawan ko nga siya. 'Yan na naman eh.
Palapit siya ng palapit, TINULAK KO NGA! Ano akala niya? Mala-Korean ba ang gagawin naming drama dito? Na kahit anong galit ni girl sa boy kapag hinalikan eh magpapadala? 'DI NAMAN USO DITO SA PINAS 'YUN KAYA MAGTIGIL SIYA! AT KAHIT PA PALA ANDUN KAMI SA KOREA HINDING HINDI AKO MAGPAPAHALIK SA LANGYANG 'TO!
“Oh bakit mo tinutulak? Akala mo ba hahalikan kita? Haha. Oh, gusto mo ba? Kung gusto mo naman kasing magpahalik sabihin mo lang hindi 'yung inililihim mo ang nararamdaman mo sa akin.”
WOAAAAH! NAHIYA NA ANG MAKAKAPAL NA PADER SA SOBRANG PAGKAKAPAL NG MUKHA NIYA! AKO? MAGPAPAH-HALIK? WAAAH! UMASA SIYA! KYAAAAH! ANO BA NAMAN KASI 'TONG NASA ISIP KO? FUDGE.
“WALA AKONG NARARAMDAMAN SA 'YO KAYA ITIGIL MO 'YANG PAG-IINASO MO!”
“Bakit, 'yung mga may nararamdaman lang ba sa isa’t isa ang puwedeng maghalikan?” Nakangiti niyang sabi.
“WALA NAMAN AKONG SINABI AH!”
Parang tumigil ang hangin sa buong paligid. Nawala ang mga ingay… *Kroo kroo kroo* Ano ba 'yun? BAKIT NAKARINIG AKO NG GANUN? Shet! Napalakas ba ang pagsabi ko sa kanya nun? Hala! Andito na nga rin pala kami sa tapat ng room namin. Shemai! Edi rinig kanina pa sa loob ang pagbabangayan naming dalawa dito? Ano ba 'yan! No, NOOOOO!
“Oh? Napatahimik ka diyan? Haha. Good luck! Mukhang kanina ka pa yata nila naririnig sa loob.” Turo niya sa loob ng room namin a-at…
NAKASILIP ANG MGA KAKLASE KO SA LOOB NG ROOM NAMIN! SO KANINA PA NGA NILA KAMI NAKIKITA? KAYA PALA PARANG COOL LANG ANG MOKONG NA 'TO! SI MA’AM TAPYA THE SECOND---ESTE SI MA’AM ROSE? s**t! NASA’N SIYA? ANDIYAN DIN BA SIYA SA LOOB NG ROOM NA 'YAN? NAGPA-PANIC AKO! TULONG NAMAN!
Pumasok na siya sa loob. Pero bago pa pala siya pumasok sa loob ay nag-wave muna siya ng kamay. Fudge! Iiwanan niya na lang ako dito? Ako na nga 'tong naghanap sa kanya ako pa 'tong iiwanan niya sa labas? BASTOS DIN TALAGA ANG LOKO LOKONG 'TO!
“De Guzman, tapos ka na ba sa kakasigaw mo diyan?” Eto na nga ba ang sinasabi ko! Bumangad sa akin ang cold na mukha ni Ma’am Rose. Ano? Kasalanan ko na naman ba ang lahat nang 'to? Naiiyak na ako sa sobrang pagkainis! Bakit ako nalang lagi?
“S-sorry po, Ma---“
“Stay outside.”
“B-but Ma---“
“No buts.” Sabay sarado niya sa akin ng pinto. 'Di na ako nakapagsalita pa. Hay.
Bakit kasi ganun? Ako na lang lagi, ako na walang sala, ako 'tong napapahamak. Sinusumpa ko na talaga ang lalaking 'yan. Sabi na nga ba eh, MINAMALAS TALAGA AKO PAG SIYA ANG KASAMA KO.
Drew’s POV
Napalabas na naman si Gitte. Tsk. At dahil na naman sa Luke na 'to. Hay nako. Panigurado, inis na inis na talaga siya sa Luke na 'to. Alam ko ang nararamdaman mo, best friend.
Pinapasok lang si Luke habang nanatiling nasa labas si Gitte. Kawawa naman siya. Kanina ayaw na ayaw niya talagang siya ang maghahanap kay Luke na nag-cutting classes. Dahil nga raw ayaw na niyang malasin pa. Pero mukhang trip talaga siya ng tadhana eh. Siya nang siya ang pinaglalaruan.
Sinarado na naman agad ni Ma’am Rose ang pinto nung nakapasok na si Luke. Umupo naman ng padabog si Luke sa upuan niya. *BLAAAAG!* Halata naman kay Luke na padabog niyang inaayos ang upuan niya. Akala ko ba Masaya na siya? Dahil nagii-stay sa labas ang babaeng pinagtitripan niya buong maghapon? Nakokonsensya na ba siya?
“Mister Dean! Nagdadabog ka ba?” Baling ni Ma’am Rose kay Luke.
“'Di. Humihinga lang ako.” Pagpipilosopo ni Luke. As usual, tawanan na naman ang buong klase.
“Ikaw bata ka, transferee ka pa lang dito pero ganyan ka na kung umasta? Mas giginhawa siguro ang buong klase kung sasamahan mo sa labas si Bridget.”
'Di na sumagot pa si Luke. Tumayo na siya at tuloy tuloy nang lumabas. Napa-face palmed na lang si Ma’am at mahahalata mo sa mukha niyang sobrang inis na inis na siya at wala na siyang iba pang magawa kundi hayaan na lamang si Luke sa pagasta sa kanya ng ganun.
Ipinagtataka ko rin, gusto niya talagang samahan si Gitte sa labas?
Bridget’s POV
“Ang mga iboooon~ Na lumilipad… Ay gawa ng Diyoooos~ 'Di kumukupaaas---“
“Ang mga ibon na lumilipad, ay gawa ng Diyos 'di kumukupas. 'Wag ka nang malungkot… NANDITO NA AKO!” Nagulat naman ako sa pagepal niya sa pagkanta ko dito. Wala pa sa tono ang huli. Pero napataas lang naman ang balikat ko at buti na lang hindi na ako napasigaw.
Eh pa’no kasi, nakatanaw ako dito sa hallway para manuod na lang ng mga naglalakad na mga estudiyante sa baba ko. Wala na akong magagawa, hindi na rin talaga ako papapasukin ni Ma’am Rose. Inis na inis na 'yun sa akin. First day na first day ng school pero parang ang tagal nang umusad ng araw ko dahil puro pagtambay yata sa labas ang ginagawa ko ngayon.
Kung akala niyo lang na mabilis ang oras ninyo pag nasa labas kayo… Nagkakamali kayo. Mas gusto ko pa yatang tumambay sa loob ng room at kahit tumulala ay dun ko na lang gagawin kaysa dito. Napakaboring, nakakaantok pa ang hangin.
Balik tayo… Bakit andito siya? Matapos niya akong ipahamak, babalik balik siya dito?
“Oh, bakit ka nandito?”
“Alam mo pala ang kantang 'yan. Haha.”
“Kakantahin ko ba kung hindi ko alam? Think about it.”
“Oo na. Nabara mo na ako dun. Saan mo nalaman 'yung kantang 'yan?” Bakit ba siya nagtatanong? Interesado siya sa pagkabata ko?
“Bakit mo natanong? Interesado ka? Tss.”
“Haha. Pa’no kung sabihin ko sa 'yong oo?” Sabay tingin niya sa akin habang nakangiti.
“E-edi, oo. 'Yun lang eh. Wala ka nang pakielam dun kung saan ko nalaman ang kantang 'yun.”
“Ah, ako kasi nung simula Nursery pa. Pinakabisa sa amin ang kantang 'yan, at hanggang ngayon ay kabisa ko pa rin. Haha.” Pagkuwento niya.
“Paki ko?” Ano namang akala niya? Interesado ako sa istorya niya? Wala naman akong pakielam diyan kung kahit sa tae ng kalabaw niya pa 'yan napulot eh.
“Ang init talaga ng ulo mo sa akin ah? At laging kumukulo pa yata ang dugo mo sa akin? May… Nagawa ba akong masama sa 'yo?” Ano ito? Pa-serious mode, ganun? Alam niyo ba 'yung hitsura niya? Na kahit seryoso na siya PARANG HINDI PA RIN SIYA SERYOSO! Parang loko loko pa rin talaga siya. Pfft.
“Lagi kasi akong minamalas pagdating sa 'yo.” Sagot ko.
“Oh bakit? Ngayon pa nga lang tayo nagkakilala eh. Haha.”
“'Yun nga eh, ngayon pa nga lang tayo nagkakilala parang tambak na tambak na ang malas na mga nangyayari sa akin ngayon.”
Napailing na lang siya habang nakangiti, PSH! Nakakajirits ang mukha niya! “Tawa-tawa ka diyan? Bakit ka ba andito?”
“'Wag kang magfeeling na sinundan kita dito. Pinalabas din ako ng Miss Tapyang teacher natin dito. Ano akala mo? Sinundan kita dito? Sus. 'Yang mukha mo nga hindi kaawa awa… Pa’nong maaawa ako sa pagmumukha mo? Ano akala mo? 'Tong gwapong mukhang 'to?” Turo niya sa mukha niya, “Maiinlove sa mukha mong… Pffft. Hahaha. Ayoko na lang magsalita.” Woah! GRABE! NAPAKATAAS! 'DI KITA MARITSTH KOYA. 'YUN LANG ANG SINABI KO… ANG DAMI NA AGAD NIYANG SINABI? Ganyan ba talaga ang mga mayayabang na tao? Bilib na bilib sa sarili niya eh.
“Conceited. Arrogant. Cocky. Jerk.” Bulong ko nga. Hayaan na, cinu-curse ko siya ng palihim.
“Ano? May sinasabi ka?”
“Wala. Guwapo mo sana, bingi ka naman.”
“Haha. Talaga? Alam ko na rin 'yan eh. Oh, tama na. Baka naman ma-inlove ka na sa akin? Nako. Marami pa namang babaeng hindi makaget over sa akin kahit na crush lang nila ako. Eh ang mga ma-inlove pa kaya sa aking mga babae? Mahirap na… At baka maging mga psychotic na sila pag nagkataon. Tapos kung mahalin ko kaya sila pabalik? Edi magiging obsessed na sila sa akin? Ayoko naman ng ganun. Hahaha.” Wala na akong masabi pa. Sobra na ang self confidence na nilalaan niya para sa sarili niya. Inirapan ko nalang siya at lumayo ako sa kanya. Ibang klase talaga ang lalaking 'to. Bahala nga siya diyan!