CHAPTER 7
Bridget’s POV
“Bakit ba ang kalat dito sa room ninyo? Ay nako! Advisory class ko pa naman kayo pero sinisira niyo ang pangalan ng section na hawak ko. Ang dami talagang mga kalat na papel!” Sigaw ni Ma’am Rose sa amin. Siya ang adviser namin at ngayon pa lang yata talaga siya papasok sa room namin.
Wala kaming ginawa dito sa room nung nag-walk out si Ma’am Lily. At may kutob na kaming nagsumbong ito sa mga teachers kaya pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Ma’am Rose ay binungad na kami ng init ng ulo niya. Nasa’n na ba kasi ang Luke na 'yun? Siya ang may kagagawan lahat nang 'to eh. Saka kung alam niyo lang na dito pa talaga sa puwesto niya ang may napakaraming kalat na papel!
“Pulutin niyo nga 'yan!” Sinigawan na niya kami. Oo na teacher, kalma na ho.
Edi pinulot naman namin ang mga pira pirasong papel na nakakalat. Bakit ba kasi ang kalat namin. Nakakahiya tuloy sa ibang mga sections kung sakaling makita kaming gan’to kakalat.
“Section A pa naman kayo pero ganyan naman kayo kadumi sa room ninyo. Alam niyo bang naga-attract sa mga ugali at personalidad ninyo kung ano kayo base sa pagdudumi niyo sa klase? Kaya kung ga’no kayo kalinis sa klase ay ganun din kayo kalinis sa sarili niyo. At kung ga’no naman kayo kadumi sa klase AY MAS MADUMI PA KAYO SA SARILI NINYO. Mga batang ito! Umagang umaga hina-high blood na kaagad ako, jusko!” Oo na Ma’am. Ratata naman 'to ng ratata. Hindi ba siya matahimik diyan? Eh pinupulot na nga ang mga kalat eh. Ang sakit pati niya magsalita.
“Bad trip na bad trip si Ma’am. Haha.” Bulong sa akin ni Drew.
“Oo nga eh! Masyado niya kasing inii-stress ang sarili niya sa atin.”
“Pulutin mo 'yang kalat sa tabing upuan mo.” Turo niya sa ilalim ng upuan ni Luke.
“Psh. Asa naman! 'Di naman akin 'yang kalat na 'yan. Bahala siya diyan! Yari naman siya kay Ma’am pag nalamang nagkacutting siya. Whaha.”
“Loko 'to. Pulutin mo pa rin at baka ikaw pa sisihin ng matandang 'yan, sige ka.”
“Ayoko Drew.”
“Tsk. Sige na nga, ako na.” Pinulot na ni Drew ang mga kalat sa ilalim ng upuan ng Luke na 'to. Swerte ng tukmol na 'yun kung nasa’n man siya. Nakakainis. Pa-cutting cutting pang nalalaman, sana hanapin na siya mamaya ni Ma’am.
Nang maitapon na namin ang mga kalat, umupo na kami ng maayos, “First day na first day na pasok sa school na 'to kayo pa ang unang nam-bad trip sa akin. Ako, pumasok ako sa iba’t ibang rooms nang nakangiti. Eh dito? Pumasok na akong nakasimangot… Hahayaan niyo pa bang lalabas rin ako ng nakasimangot? Tsk.” Eh sorry na Ma’am! Sige lang, ibunton niyo lang ang sisi sa amin.
“Balita ko, napaiyak niyo pa raw si Ma’am Lily ah. Bakit? Bakit mga anak? Karapat dapat ko nga ba kayong tawaging mga anak? Hay.” Sabi sa inyo eh, malamang talaga na makakarating sa kanya ang balitang 'yun.
“At iyon ay dahil kay Luke Reid Dean, tama ako diba? Isa 'yun sa mga transferees dito sa school natin, if I’m not mistaken.” Tuloy tuloy pa rin niyang sabi...
“Opooo~” We said chorusly. At syempre, kasama ako sa we na 'yun. Dapat lang sa Luke na 'yun. This time, hindi na ako sangkot sa kasalanan niya. Yeeys!
“Luke Reid Dean!” Tawag ni Ma’am. Pero walang tumayong Luke Reid Dean. Hehehe. Sige! Cutting class pa! “And where is he?” Dagdag pa nito.
“Nagcutting pooo~” Ay. Ako lang pala ang nagsalita? Eh sorry na, ako ang mas excited na mapagalitan 'yun eh. Ano ba naman kasi, sana naman kahit sila Drew ay nakisabay sa akin na nagsabing nag-cutting ito with tone pa.
“Bridget, stand up.” Hala! Bakit kailangan kong tumayo?
Tumayo ako, dahan dahan pa nga eh, “I-explain mo nga sa akin kung ano talaga ang nangyari kung bakit umiyak si Ma’am Lily niyo.” Ay. 'Yun lang naman pala! Sure Ma’am, I would love to explain! *insert evil smile here*
“Pinairal po kasi niya ang pagkawalang modo niya po sa harap ni Ma’am Lily. Sinagot-sagot niya ito, nang dahil lang sa nakikipagtalo pa siya tungkol sa policy sa pagpapakulay ng buhok. Grabe po 'yun Ma’am! Akala mo kung sinong mataas kasi po sinabi niyang ang mga magulang niya raw ang bahala para raw po sa sari sarili niyang policy na puwede ang pagpapakulay ng buhok.”
Hinawak-hawakan naman ni Ma’am ang ulo niya, siguro sumasakit ang ulo nito dahil sa mga nalaman niya… Ganyan nga Ma’am! Mainis ka pa lalo sa Luke na 'yan dahil talagang nagiging salot siya sa mga teachers dito sa school!
“Nag-cutting classes siya?”
“Opo Ma’am! Lumabas pa nga po 'yan nang padabog eh!”
“Grabe. Hindi ko pa nakikita ang batang 'yun sumasakit na agad ang ulo ko sa kanya. Can you please find him for me?” Ano ba siya? ANG NAWAWALANG ANAK NA SI NEMO?
“Ayoko po Ma’am.” Simpleng sagot ko.
Napataas ng kilay si Ma’am. Akala siguro kasi niya papayag ako sa kagustuhan niyang hanapin ang nawawalang batang 'yun? “Seriously?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
“Ayoko po talaga Ma’am. Sa iba niyo na lang po siya pahanapin basta 'wag po sa akin. 'Di niyo lang po alam kung pa’nong pambubuwiset ang ginagawa sa akin ng lalaking 'yun. Gusto ko na pong umiwas sa malas Ma’am, kaya please… 'Wag niyo na lang po siya sa akin ipahanap.” Pagmamakaawa ko. Umiiwas lang naman talaga ako sa malas eh.
“Ang arte naman niya! Ako na lang po Ma’am! Ako na lang ang hahanap!” Classmate 1.
“Hindi Ma’am, ako na! Ako na kasi ang hahanap!” Classmate 2.
“Maarte po talaga 'yang si Bridget kaya hayaan niyo na siya diyan, ako na lang po!” Classmate 3.
“Quiet! Tsk. Sige na Bridget, gusto mo bang maging maarte ang tingin ko sa 'yo gaya ng mga sinasabi ng mga kaklase mo?” Haay. Oo nga naman. Lagi na lang ako. LAGI NAMAN EH!
“Eto na po Ma’am.” Wala sa loob kong pagsunod. Lumabas na ako na medyo pinapadyak ko pa ng malakas ang paa ko.
Nasa’n ba kasi nagsususuot 'yun? GINAWA NA NILA AKONG BABY SITTER SA LALAKING 'YUN! Kailangan ba ako na lang lagi ang hahanap sa kanya? Nakakainis naman 'yan! Sinusumpa ko na talaga ang buong araw na 'to at sa mga susunod na araw na kaklase ko pa siya…
Tumingin muna ako sa corridor ng left side ko, wala namang kalat na estudyante. At sa right side ko naman… Andun nga siya! Pero… May isa pang epal eh.
“Hi Bridget.” Ang epal na si Eron na 'to ang bumungad sa akin. Hindi ko siya pinansin. Sa halip ay nilagpasan ko nalang siya at lumapit kay Luke kung saan nakatayo lang at nakatingin din sa akin. Oh? Problema niya? Kanina pa ba siya andito? Bakit hindi man lang siya pumasok?
“Namiss mo agad ako? Haha.” Tanong kaagad sa akin ni Luke.
“Lul, in your dreams! Tawag ka ni Ma’am, kung saan saan ka na naman nagsususuot. Tss.” Buwisit kong sabi.
“Kilala mo pala siya?” Turo ni Luke kay Eron.
“Paki ko diyan. Halika na nga sabi eh! Ako talaga mapapahamak nito pag hindi ka sumunod kay Ma’am!”
“Magkakilala pala kayong dalawa?” Sumingit si Eron. Nasa likod ko na pala siya, akala ko dadaan lang siya dito… Sinundan pa pala ako?
“Ano bang kailangan mo?” Irita kong tanong sa kanya.
“Ang matamis mong OO.” Kumindat pa siya. Yaayks! Pawink-wink pa siyang nalalaman, dukutin ko mata niya eh! Nakakapangilabot kaya.
“May nanliligaw pa pala sa 'yo kahit ganyan ang hitsura mo ano?” Epal naman ng Luke na 'to. Oh ano? ANO NA NAMANG PANLALAIT ANG MARIRINIG KO MULA SA KANYA? Eh sa wala eh! Kahit naman kasi hindi ako maganda ay may manners naman ako hindi tulad niya! Nadadaan lang siguro sa hitsura.
“Nyanyanya. Talk to the hand!” Itinapat ko sa mukha niya ang kamay ko. Sige, epal pa! Bad trip na 'to.
“'Wag mong ganyanin ang Bridget ko. She’s an angel. How come hindi siya magiging maganda? Magkakagusto ba ang heartthrob sa school na 'to kung hindi siya maganda?” Sabi ni Eron sabay hawak pa sa chin niya at pangiti ngiti pa. Akala ko ako lang ang ipagyayabang niya. Pero likas talaga sa kanya ang pagkamayabang ano?
“Oh? Wala naman akong gusto sa kanya ah?” Epal naman ng Luke na 'to. Mukhang hindi naman nagets ni Eron kung ano ang sinabi ni Luke. Wow ha! MAS MATAAS PALA ANG CONFIDENCE NG ISANG 'TO! SO SINASABI NIYANG SIYA ANG HEARTTHROB SA SCHOOL NA 'TO NA WALA NAMANG GUSTO SA AKIN? Psh. I-push niya lang 'yang pagkamataas niya! Magagawan sila sa trono ng pagiging sikat.
“Alam niyo… Bagay kayong dalawa! Parehong mayayabang. Tss. Halika na nga sabi Luke eh!” Pagaayaya ko na kay Luke dahil yari talaga ako kay Ma’am pag hindi ko nadala si Luke pabalik sa room.
“Hilahin mo ako. Bleh.” Dumilat pa ang loko! Gusto niyang hinahatak pa siya ng sapilitan? Aba! SIGE.
Hinawakan ko ang tainga niya at hinatak ito, “OH HALIKA! WHAHAHAHA!” Tuwang tuwa ako habang naglalakad sa hallway at hawak pa rin naman ang tainga niya. 'Di na ako lumingon pa sa Eron na 'yun, bahala siya diyan.
“Aray naman Bridge! Pulang pula na ang tainga ko sa iyo!” Pagrereklamo niya.
“Shut up! Palabas labas ka pa diyang nalalaman, ayan! Bagay lang 'yan sa 'yo!”
Mas lalo ko pang hinatak ang tainga niya, “A-araay! Dahan-dahan naman! Tsk.”