CHAPTER 6
Luke’s POV
Lumabas na lang ako at nagikot-ikot sa campus na 'to. Ang dami rin palang mga galang estudiyante dito. Mga high school pa lang marunong na agad magcutting classes. Mukha namang disiplinado lahat ng estudyante dito. Maliban sa akin… Kasi bago pa lang ako dito kaya okay lang 'yan.
Maganda din pala ang napasukan kong school. Sa katunayan kasi,kagustuhan ng mga magulang ko na pagaralin ako sa ibang school at ito nga ang napili nilang bagay raw para sa 'kin. Akala ko tuloy mala-Christian school 'to, kundi magaaral lang pala 'to ng may disiplina at utak. Ako naman sige sunod lang naman sa mga gusto nila. Since spoiled naman ako, kahit papaano’y pinagbibigyan-bigyan ko naman sila paminsan-minsan.
'Di ako napipikon sa mga paulit-ulit na pagpapalabas sa akin ng mga teacher ngayong araw palang na 'to. Unang pasok ko pa lang dito ang dami na agad buminyag sa akin. 'Di lang basta ako na-first blood dito… Naging feeder pa ako.
“Dami talagang kalat na mga estudiyante dito 'no,” Biglang may nagsalita sa bandang likuran ko.
Nakatingin din siya sa mga estudiyante sa may court at nakangiti, “Pero karamihan din pala dito ay mga chix din. Kita mo ba ang isang 'yun?” Dagdag pa niya, sabay turo niya dun sa isang babaeng nasa bleechers habang kumakain ng sandwich, “Chix siya diba? Pero nagalaw ko na 'yan. Hahaha.” Sabi pa niya. Seryoso ba siya? Tinignan ko nga siya. Mas matanda pa nga yata sa akin 'to ah.
“Anong year mo na ba?” Tanong ko sa kanya.
“4th year na ako. Senior.” Kaya naman pala. Pero… 4th year na siya nung nagalaw na niya 'yan? Misteryoso pala ang isang 'to. Medyo kinakabahan ako sa totoong identity niya,lalo na’t nung sinabi niyang nagalaw na niya ang babaeng 'yun.
Tinignan ko uli 'yung babae. Maganda naman 'yun, chix din. Nagpagalaw siya sa isang 'to? Medyo hindi kapani-paniwala sa akin dahil high school palang kami at hindi common para sa amin ang mga gan’to gan’to.
“Seryoso ka?”
“Hahahaha. Hindi, biro lang! Asa naman 'no. Brod, biro lang 'yun. Hahaha. Ethan Aaron Logan pala. Eron na lang for short.” Abot niya sa akin ng kamay niya.
Seryoso, kinakabahan ako dun sa sinabi niya kaninang nagalaw niya 'yun. Tsk. 'Wag niya lang maulit-ulit pa muli 'yun at baka maniwala na talaga ako.
Inabot ko rin sa kanya ang kamay ko, “Luke Reid Dean. Luke na lang.” At saka nag-shaked hands kami.
“Ikaw nga 'yung Luke na pinaguusapan ng mga kababaihan ngayon dito sa school. Pati sa room namin…”
“Ganun? Ah, ako nga.” Medyo awkward kong sabi.
“Sikat ka pala dito. Dati na akong estudyante sa school na 'to… Isa rin daw sa mga sinasabi nilang heartthrob. Haha. Mga babae talaga 'no.”
Nakatingin lang kami sa court habang naguusap, “Cutting ka rin ba?” Pagiiba ko.
“Oo. Nakakatamad talaga pag 1st day. Sana pala hindi na lang ako pumasok. Tsk. Unang araw pa lang ng klase ang dami na agad pinapagawa sa amin. For sure din naman yata sa inyo?”
“Oo eh. Kaya nga ako biglang lumayas sa room namin. Nakakainis ang pagmumukha ng mga teacher namin dun. Hahaha.”
“Magkakasundo pala tayo pag ganyan pare eh.” Sabay apir niya sa akin. Naki-apir na lang din ako, baka kasi mapahiya pa siya.
“So, ano namang masasabi mo sa unang pasok mo dito sa school? Komportable ka ba?” Pagi-interview niya sa akin. Siguro broadcasting ang kukunin nito 'pag nag-college na 'to.
“Ayos lang. Medyo hindi, lalo pa’t kabi-kabila ang banggit ng mga pangalan sa akin ng mga babae dito sa school.” Kahit deep inside tuwang-tuwa ako 'pag ganun. Ikaw ba naman, sikat dito sa school unang araw pa lang ng klase niyo eh?
“Oh, anong feeling ng pagiging isang sikat?”
“Ayos lang. Masaya. Haha.”
Tinignan niya lang ako. Uh, bakit? May nasabi ba akong masama? “Pa’no pag nanguna ka sa pagiging isang sikat dito sa school natin?” Bakit ba ganyan ang mga tanong niya? Tungkol sa pagiging isang sikat na estudyante... Hmm.
“Edi sikat. 'Di na naman big deal sa akin 'yun dahil sanay na ako. Sa former schools ko, simula pa lang elementary ako at baka nga simula pa nga lang noong pre-elem ako eh ramdam ko na ang feeling ng pagiging isang sikat. Haha.” Pagyayabang ko sa kanya.
Napa-smirked naman siya, “So sikat ka nga talaga. Kapantay mo pala ang level ko dito sa school na 'to.” Anong ibig niyang sabihin? Tinatanong ko ba kung anong level niya dito sa school na 'to?
“'Di ah,” Tumingin siya ng masama sa akin. Bakit? May nasabi na naman ba ako? “Senior ka kamo diba? Junior pa lang ako, dude.” Dagdag ko pa.
Bigla namang iniwas niya ang tingin sa akin. Akala niya ba seniors na rin ako na tulad niya? “Iba pala ang inakala kong sagot mo…”
“Ano ba akala mo?”
“Wala, 'wag mo nang alalahanin pa. Nagba-basketball ka ba?” Brad, ako captain ball ng basketball sa former school namin. Kung alam mo lang na halos mangiyak-ngiyak sila dahil nawala ako sa school namin kasi ako ang TAGABUHAT nila.
“Oo naman. Ako pa. Haha.”
“Malay ko ba. Haha.”
“Captain ball pa nga ako sa school ko dati…”
“Ako naman ang captain ball dito sa school na 'to.” Chinanged topic niya agad ang sinabi ko. Siya pala? Mukha ngang naglalaro 'to, halata naman sa tindig ng katawan. Edi pag magkakataon… Maaaring ako ang umagaw sa trono niya? *evil smile*
“At sa akin ka muna dadaan bago ka makapasok sa basketball.” Dagdag pa niya. Sus. 'Yun lang naman pala eh.
“Oo naman. Kaya nga captain ball eh.” Pambabara ko sa kanya.
“Haha. 'Ge brad, inform na lang agad kita kung kailan ang pa-try outs nila. Malay mo… Maging isa ka sa mga players ng basketball 'pag dumaan ka sa akin?” Sabay grin niya.
Anong ibig niyang sabihin? Na wala akong skills pagdating sa basketball kaya kapag dumaan lang ako sa kanya ay ipapasa na lang niya ako nang hindi na ginagamitan pa ng skills ko? Sinusubukan yata ako ng isang 'to ah. Tignan na lang natin sa try out na 'yan.
“Sige.”
“Ah. By the way, kaklase mo ba 'yun?” Umayos siya ng puwesto at may tinuro siyang babaeng naglalakad.
Si Bridge 'yun ah… Bakit niya kaya natanong? Gusto niya kaya ang sadistang 'to?
“Bakit?”
“So kaklase mo nga? Hmm. Ang ganda niya 'no.”
Tinitigan ko nga. 'Yan? Maganda? Oo nga, pero alam niya ba na napakasadista ng isang 'yan? “Hindi.”
“Hindi siya maganda para sa 'yo? Alien yata type mo eh.”
“Cute lang siya, 'yun lang.”
“Ah. Akala ko mababalewala mo itsura niyan eh. Isa 'yan sa mga babaeng gusto kong maging girlfriend. Kaso masungit 'yan eh. Man hater daw. Pero ang mga kaibigan puro lalaki… Tss. Haha. Man hater ba tawag dun?”
Tanga rin ba ang isang 'to? At tinutukoy na pagka-man hater dun ay dahil ayaw nito sa mga lalaking didikit dikit sa kanya lalo na’t hindi naman pala niya best friend o basta kaibigan.
“Kaibigan niya ang mga 'yun kaya hindi niya talaga maiiwasan 'yun. Ang pagka-man hater niya, ay para dun sa mga kaklase niyang lalaki o kung meron man siyang manliligaw at nagkaka-gusto sa kanya, sa kanila niya maipapakita ang pagka-man hater niya.” Page-explain ko ng maayos. 'Di kasi alam kung ano ang pagkakaiba ng man hatersa mga kaibigang lalaki.
Nagsmirk na naman siya, “Matalino kang tunay ah.”
Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang ako sa kung saan si Bridge. 'Yung London Bridge na 'yun na napaka-unique ng pangalan. Bakit kaya Bridget? Dami-daming pangalan, Bridget pa.
“Matagal ko na 'yang nililigawan, pero hindi ko siya magawang mapasaakin. Wala pa rin nga yatang boyfriend 'yan eh. 'Pag nagkataon… Ako talaga ang makakauna diyan. Haha. Sige na, una na ako. At popormahan ko lang muna 'to.” Sabi niya saka umalis na siya.
Siya ang makakauna diyan? Double meaning ba ang ibig sabihin niya dun? Makakauna na magalaw siya? O makakauna na maging boyfriend siya?