CHAPTER 11 Drew’s POV “Nakita niyo ba si Gitte? Saan sa tingin niyo dinala 'yun ni Luke?” Tanong ko sa dalawang tukmol. “Hindi ko rin alam. Like a boss talaga si Luke 'no?” Sabi ni Luce. “Oo nga eh. Tapos lakas pa ng appeal sa mga chix. Potek, natatabunan na tayo. Haha.” Pagsangayon naman ni Cayden. Hindi ko nalang sila pinansin at nagisip isip ako kung nasa’n kaya puwede pumunta ang dalawang 'yun? Bakit naman kasi hinayaan na lang ni Ma’am Cy ang dalawang 'yun na makalabas sa klase niya eh. “Pre, hindi pa ba tayo babalik? Baka naman andun na 'yung next teacher natin. Naturingan ka pa namang vice president ng klase, ikaw dapat ang tumatayong president ngayon!” Sabi ni Cayden. Tama kayo. Ako ang vice president ng klase namin. Kilala niyo ba kung sino ang president? “Ang daming bumot

