CHAPTER 12 Luke’s POV Nababad trip ako at dito pa ako sa grupo ng Eron na 'to napunta. Mas gugustuhin ko pa yatang mapabilang dun sa kabilang grupo kahit parang pambata ang name ng grupo nila. Power Rangers? Pfft. Bagay dun si Bridge eh. Lumabas na agad ako. Ang init kasi dito sa room. Si Drew pala ang makakalaban ko. Dapat 'tong Eron na ito ang makalaban ko eh. Mukhang mas may thrill pag siguro siya ang makakalaban ko. Maangas kasi 'to at mukhang mayabang. Malay niyo, matapatan ko diba? Sa paglalakad ko, may tumapik sa balikat ko, “Anong posisyon mo sa klase ninyo?” “President.” Tipid kong sagot. “Si Bridget? May posisyon ba siya?” “Secretary.” “Kunsabagay. SEXYtary siya.Sayang 'no, sana kahit siya na lang ang naging president. O 'di kaya vice president? Para siya ang makasama ko

