Dating Mr. Conceited [3]

1485 Words
CHAPTER 3 Bridget's POV "Good morning class!" "Gooooood~ MORNING! Ma'am Cyyyyy~" Parang bata naming pagbati. Alam niyo naman siguro kung paano 'yun diba? Basta, para kaming mga bata. Juniors na nga pala kami. "You may take your seats, class." "Thaaaaaaank~ YOU! Ma'am Cyyyyyyy~" We shouted chorusly at saka naman kami umupo. "Nako, mga 3rd year high school na, parang mga elementary pa rin kung makabati." Ngumiti na lang ang karamihan sa amin. Wala eh! Sa kung karamihan sa amin ay mga isip bata, may magagawa ba sila dun? "By the way class. So... Nasa section A pala kayo. Expected na karamihan sa inyo, ay mauutak sa section na 'to. Inaasahan kong magpapakabait kayong lahat. Okay ba 'yun?" "Opooooo~" Para kaming maaamong tupa. Nako! Sa first day pa lang ng klase 'to. Asahan niyong mas magiging wild pa ang mga kaklase ko dito. 'Di naman kasi gan'to ang ugali ng mga ito dati eh. "Marami tayong transferees ngayon. At mapalad sila dahil dito sila napunta sa section na ito..." So sinasabi niyang hindi pala talaga mapapalad ang mga napunta sa ibang section, ganun? May pagkasadista pa rin pala ang guro na 'to eh. "Welcome sa inyo Miss dela Costa, Miss Ignacio at Miss Cenido sa mga babae. Nahawakan ko na kasi ang section na ito dati. Kaya kayo ah, 'wag niyo nang ipapakita pa ang dati niyong ugali sa mga tatlong naggagandahang transferee na 'to. At sa lalaki naman, welcome sa inyo Mister Ray Junior---" "AH SUPOT!" Entra ng isa naming maligalig na kaklase at nagtawanan pa sila. Nako! Makaasar naman kasi por que may Junior lang sa pangalan. Pft. Pero aaminin ko, nakisali ako sa mga isa sa mga lalaking nagtawanan dun. 'Yung mga babae naman, "Eww", "Yuck!", "Oy 'wag nga kayong ganyan!" –'Yan ang mga pinagsasabi. Kapag girl dynasty talaga, hindi maiiwasan sa kanila ang pagiging maarte. "QUIET!" Sigaw ni Ma'am. Mga loko loko kasi. "Sorry for that Mister Ray. Kayo ha! Ang lalaki niyo na, nambabastos pa kayo ng ganyan. Tsk!" Tahimik naman ang buong klase. Medyo nerd kasi ang Ray na ito kaya parang wala lang naman sa kanya ang pangaasar na ginawa sa kanya. "Welcome din sa inyo Mister Blanco, and Mister Dean." Napatingin sa paligid ang mga babae nung binanggit ni Ma'am Cy ang apelyidong Dean. Mukhang wala pa yata 'yung Dean. Grabe, transferee lang siya ang lakas ng loob magpa-late. Tsk. "Wala pa yata 'yung Luke. Tsk." "Asan naman kaya nagsususuot 'yun?" "Baka naman hindi talaga siya sa section natin?" "Hala! Sayang naman kapag ganun. Waaah! Nasa'n na ba kasi 'yung Dean na 'yun? Tsk." Bulong bulungan ng mga babae. Obvious namang wala pa oh. Ano pang sense ng mga bulungan nila. At saka nawawalang artista ba 'yun? Para namang 'yun lang ang laking kawalan na agad para sa kanila. Eh estudiyante lang din naman 'yun. I see no difference. "Wala pa yata si Mister Dean... Baka... Naderetso na sa Dean..." Banat ng titser namin. *Silence* "NAGPAPATAWA SI MA'AM!" Sigaw ni Cayden. "WHAHAHAHAHAHAHA!" Tawanan ng buong klase. Aba! Natawa ako dun ah. Siraulo talaga 'tong lalaking ito. Oo nga naman! Takte naman kasi. Ang tanda tanda na, ang corny pa. Nakakaiyak naman. Mean, Bridget! "Heeey! Shut up. May araw ka sa aking Delahoyang hopya ka ah. Hmp!" Tampo-tampuhan ng titser namin. Sige, magpiling ka pa na parang bagets! Delahoya hopya, FTW! Habang nagtatawanan ang buong klase... *Tok tok!* Natigil ang tawanan ng mga estudiyante at napatingin naman sa pinto kung sino ang kumatok... "s**t! Siya na nga 'yun!" "Sabi sa inyo, dito talaga siya eh! Kyaaah!" "Ang pogi pala talaga niya kapag sa malapitan!" Ano pa nga ba? Edi bulong bulungan na naman ng mga kaklase kong babae. Oh okay, so heto ba 'yung Dean na sinasabi nila? "Sorry Miss, for being late." Sabi nung Dean na pinag-uusapan na 'to. "Pardon? It must be MA'AM, not Miss." Pagkorek ni Ma'am Cy doon sa transferee. Oh wait, magka-rhyme? "Ay. I'm sorry MA'AM, for being late." Page-emphasize niya ng Ma'am. "Why are you late, Mister Luke Reid Dean?" Oh. Akala ko name na talaga niya ang Dean. Luke pala talaga ang pangalan niya, nalimutan ko. "Naligaw ako eh..." "Is that a valid reason?" "Ano sa tingin mo? Transferee ako dito kaya natural lang kung ma-late ako o hindi. Masama bang maligaw?" Napa-"Woah!" ang mga kaklase ko sa inasta ng lalaking 'to na guwapo nga, wala naman palang galang. Grabe, ang bastos naman niya kung makasagot kay Ma'am Cy. Ang bait bait kaya niyang si Ma'am pero binabastos lang ng Luke na 'to? Nakakainis ah. Sinamaan siya ng tingin ni Ma'am. Sige Ma'am, ganyan nga! Sindakin mo sa tingin mo! "You are excused this time... Pero kapag ito nasundan pa, magkakatotoong babagsak ka sa apelyido mo Mister Luke Reid Dean." Medyo... Na-confused kami sa sinabi ni Ma'am na, Babagsak ka sa apelyido mo. Anong mean niya dun? Kinalabit ko nga si Drew since siya naman ang katabi ko ngayon, "Anong mean ni Ma'am dun?" "Pfft! Hahahahahaha!" Tumatawa nang palihim si Drew. Ilan lang kasi ang mga tumatawa sa klase. Kahit kasi sila Cayden at Luce, mukhang naguluhan nga sa sinabi ni Ma'am. Seryoso? Wala rin akong idea kung tungkol saan ba 'yung sinabing 'yon ni Ma'am! Nako, IQ test ata ito. Pangmatalino naman yata ang joke ni Ma'am eh? "Huy Drew! Ano nga?" "Hahahaha! Ano bang apelyido ni Dean---Este nung Luke na 'yan?" "Dean. Bakit?" "Oh, diba ang sabi ni Ma'am dun daw siya babagsak sa susunod? DUN SIYA BABAGSAK SA APELYIDO NIYA! Hahahahahaha! Loko 'yang si Ma'am eh." Medyo nag process pa sa utak ko ang explanation ni Drew doon. Hanggang sa... "AHAHAHAHA! OO NGA 'NO! IBANG KLASE KA TALAGA MA'AM!" Sigaw ko sabay thumbs up kay Ma'am. Si Ma'am naman sumenyas ng 'wag-kang-maingay look. Ano ba naman kasi 'yan. Masiyadong mataba ang utak ni Ma'am sa pagbibigay ng joke! Akala ko korni eh. Pangmatalino pa kasi ang joke niya. Tawa pa rin ako ng tawa dito hanggang sa kinalabit na ako ni Drew at sumenyas na nakatingin na silang lahat sa akin. Mukha pala akong tangang tawa ng tawa. "Masyado ka nang masaya." Sabi nung Luke sa akin. Oh? Anong pag-eepal nito? "Paki mo?" Nag-smirk na lang siya. Ano na naman bang ibig sabihin nun? Nakakainis naman! Nakakapanginit naman ng dugo ang mga ganitong tao. Mukhang may makaka-away na agad ako ditong bagong transferee ah. At ang masaklap pa, lalaki ito! Ang tindi pa naman yata maka-away ang mga lalaki dahil tunay na prangka sila. Sa pag iinit ko dito, may humimas sa likod ko at sinesensyang kumalma ako. Si Drew pala 'yun. Siya lang kasi ang katabi ko dito sa may bandang likod. Si Cayden at Luce naman kasi ay magkatabi. Pero dun sila sa unahan, katabi ang mga ^chikka babes^ daw sa room na 'to. Pwe! Wala naman yatang mga chix dito. Tss. "Enough na... Sige na nga, pumasok ka na Mister Dean." Saway sa amin ni Ma'am Cy. "Luke is fine." Sabi ng Luke na 'to sabay kindat. Anong pauso ng pagkindat niya? Nakikirat ganun? "OMG! Waaaah! Nakita niyo bang kumindat si Luke?" "Ang gwapo niyang tignan, syet!" "Ang hot niya nga ring tignan dun eh!" Putek naman. Ang kikire ng mga babae dito. Karapat dapat nga ba silang mabilang sa seksyon na 'to? Nakakairita naman kasi talaga siya! Kahit pa guwapo siya, wala naman akong pakielam eh! Nasusura pa ako sa pagmumukha niya! Pumasok na siya dito. "OMO! Sana dito siya sa tabing upuan ko umupo! Yieeks!" "Luke! Dito sa vacant chair ko!" "Luke Reid Dean! Dito ka!" "Please na naman! Dito ka sa tabi ko umupo!" Parang tanga naman ang mga babaeng 'to. Nag head down na lang ako dahil sumasakit lang ang ulo ko sa sobrang ingay nila. Mga papansin eh. Dapat sa ibang section na lang ang mga babaeng 'to. O kaya ang Luke na 'to, sana napunta na lang siya sa ibang section. Jusko naman kasi. Mukhang 'yung Luke na 'yan ay isa sa mga maliligalig na lalaki dito sa amin eh. "s**t! Napakaswerte naman niya!" "Makipagpalit kaya tayo ng pwesto?!" "Fudge naman! Broken hearted na agad ako." Napabalikwas naman agad ako sa kinauupuan ko nung marinig ko ang malalakas na mga bulungan at the same time ang pag-iingay ng mga babaeng 'to. Lumingon ako sa kanan ko, at... "Hi." Sabi niya habang nakangiting aso. Nananadya ba talaga 'to? Bakit dito siya sa tabi ko umupo? "Bakit ka dito umupo? Ang daming bakanteng upuan diyan, dito ka pa umupo? Umalis ka nga diyan!" Pagtataboy ko sa kanya. "'Yoko nga. Ano ka, chix? Para paalisin mo na lang ako ng biglaan dito?" Pigilan niyo ako, mahahampas ko ng tubo ang what hurts the most part niya. "Bad trip, ah. Umalis ka sabi dito." Hinawakan ni Drew ang dalawang braso ko, "Tama na 'yan, Gitte. Hayaan mo na lang siya." Tinignan ko naman ang Luke na 'to at nag-belat sign pa. PUTARAGIS NAMAN!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD