CHAPTER 2
Bridget’s POV
This is it! Nako. Heto na pala ang araw na 'yun. Ang araw ng pasukan! Pinakahihintay ng maraming estudiyante, lalo na ng mga malalanding babae, na ang kagustuhan lang naman ay sumilay ng sumilay sa mga bagong lalaking transferee. Juice ko po.
Don’t get me wrong, hindi ako naeexcite ah. Naiinis nga ako, dahil ang aga na naman tapos ang bilis pa ng panahon! May pasok na agad? Nakakainis kaya kapag ganun. Sana parang nag-rent ka na lang sa computer shop ang bakasyon, PARA PUWEDENG MAIEXTEND! Hwooh.
“Ano? Tatanga ka na lang diyan? Gising ka na pala, pero parang gusto mo pa yatang gisingin kita diyan? OH… GISING NA!” Parang tanga si Mommy. Nadatnan niya kasi akong nakaupo dito sa kama habang nagkukuskos ng mga mata. Tapos bigla bigla nalang siyang papasok para ibungad ang umaga ko ng nakakairita niyang boses. Tapos gigisingin nalang ako, sinisigawan pa ako straight to the face pa! Para bang sinasabi niyang, IN THE FACE YOW!
“Oo na Mommy. Oo na. Umagang umaga, sinisigawan mo agad ako diyan…“
“Alam ko kasing magiging batugan ka kung hindi ka sisigawan simula pa lang ng umaga mo!” At ayan, nakasigaw na naman ulit siya.
“Alam mo 'mmy, para tuloy ikaw pa itong mas excited na pumasok ako. Edi sana nag-enroll ka na lang sa school ko at sinabayan mo ako mag-aral!”
“Asa naman. Siyempre nak, mahal lang kita.” Nagwink siya at lumabas naman kaagad ito.
Ay nako! 'Yung mga ganung inaasta ni Mommy, kinakabahan ako minsan na naiinis dun ah. Pa’no kasi, 'yung mga ganung asta niya ay parang may malalim na meaning. Loko loko pa naman 'tong Nanay ko.
Bumangon na ako para wala nang masabi pa 'tong si Mommy…
**
Andito na ako sa school. 'Di ko na kinuwento pa ang mga nangyari sa akin sa bahay. Kung ano nga ba ang mga daily routine ko, dahil tulad niyo rin akong mga estudiyanteng mag-aaral… Normal lang, at kung ano man ang ginagawa niyo sa araw araw, ay ganun din ang mga ginagawa ko. Kailangan pa bang ikuwento 'yun? 'Wag na!
Dumeretso kaagad ako sa court. Kung saan dun muna raw pinagii-stay ang mga estudiyanteng bagong pasok. Ang dami naman nilang arte, kung pinapapasok na lang kami sa kanya kanyang rooms namin eh. Ay, hindi ko pa nga pala alam pa kung ano ang section ko. Pero sigurado na naman akong section A ako. Hihi. Medyo conceited, ples pagbigyan na.
“GITTE!” Sigaw ng barkada sa akin. Andun naman pala sila! Para kasi akong tanga ditong hanap ng hanap kung sino ang mga kakilala ko dito para lalapitan ko na lang sila.
“Yowasap!” Bati ko sa kanya at sabay high five sa mga tukmol na 'to.
“Anong section mo?”
“Hindi ko pa nga nakikita. Saang bulletin board ba nakapost? Bangdami naman kasi talagang bulletin board dito oh!”
“Dun sa may tapat ng admin office. Tara! Tingnan natin?”
Sumama ako sa kanila para tignan nga ang seksyon ko. 'Di lang naman basta section ko ang titignan ko dun eh. Titignan ko rin kung sino ang mga bagong nalipat sa seksyon ko o kaya naman kung may transferee.
Kasama ko ngayon ay sina Luce, Cayden at Drew. Ito talaga ang tatlong lalaking best friends ko talaga. Sila talaga ang madalas kong kasama, sa hirap at sa ginhawa… Sa mga kalokohan… At sa lahat ng oras siyempre. Sabi ko naman sa inyo, hindi talaga ako malapit sa mga babae sa amin. Tignan niyo nga oh, puro lalaki ang mga kasama ko. Pero silang tatlo talaga ang nangingibabaw sa puso ko. Hashtag medyo bakla.
“Grabe, magkakaklase na naman ba ang apat na 'yan? Kasama na naman si Bridget oh.”
“Alam niyo naman kasi, madikit sa mga lalaki… Ang landi naman!”
“Siguro kaya niya dinidikitan ang mga lalaki, kasi balang araw lalandiin niya ang mga 'yan para mapunta sa kanya ang lahat nang 'yan!”
“May point ka girl!”
Natatawa na lang ako sa mga binubulong nila eh. Sabi nang hindi ako babae, pero sila naman ito diyang pinagpipilitang babae ako at landi ko pa raw. Sige lang, kung diyan ba sila sumasaya eh?
Pansin niyong mainit talaga ang mga ulo sa akin ng mga babae dito. Bakit? Eh hetong tatlong tukmol na kasama ko ay kasama sa tinatawag nilang ^HEARTTHROB^sa school na ito. Astig 'no? Mga high school pa lang ay ang lalandi na. May paheartthrob-heartthrob pa silang nalalaman diyan, ni mag-aral na lang muna dapat ang inaatupag!
“Malandi ka raw Gitte oh. Payag ka nun?” Nakangiting sabi ni Drew.
“Malay ko sa mga 'yan! Haha. Hayaan mo sila, inggit lang ang mga 'yan sa akin.”
Inakbayan ako ni Drew at cool pa rin talaga siyang naglalakad. Naku po! Edi mas lalong nainis sa akin ang mga babaeng sumisilay sa kanya? Drew naman talagaaa!
“Hoy, alisin mo nga 'yang kamay mo sa balikat ko! Baka mamaya ay sugurin ako ng fan club ninyo dahil sasabihin na naman nilang nilalandi ko kayo.” Naka-pokerface na ako para makita niyang naiinis ako. Pero inis-inisan lang naman 'to.
“'Yaan mo. Lagi mo naman kaming kasama kaya hindi ka nila malalapitan niyan.” Aba lokong 'to. Nakuha pang mag-wink eh.
Sanay na naman akong ginaganyan ganyan nila. 'Yung nilalandi ng palihim! Wala naman kasing malisya sa aming magbabarkada 'yun. Pero sa kanila lang ako nagpapagan’to ah. Dahil elementary days pa lang, SILA NA NGA SABI ANG KASAMA KO! AT ANG BARKADA KO, DATI PA.
Sa paglalakad lakad namin, SA WAKAS NAMAN! Nakarating na rin kami dito. Medyo napatagalan pa nga eh ang dami kasi talagang mga estudiyante. Marami ba talagang mga transferee dito? Wala naman yatang mga kalat na nanay dito ah? Eh bakit ang dami masyadong estudiyante?
Nakarating na rin kami sa tapat ng admin office. 'Di muna kami nakipagsiksikan sa mga estudiyanteng buwis buhay talagang nakikipagsiksikan para makita agad kung saang section sila.
**
Ayun! Kumonti na rin sa wakas ang mga estudiyanteng nagsisiksikan dito! Tumingin naman agad kami. Section A…
Cenido, Janet Dalton, Drew Chris
Cenina, Jewel Dean, Luke Reid
Davis, Mary Ann Delahoya, Cayden Ian
De Guzman, Nina Devenencia, Luce
Dela Costa, Rhea Earnesto, Jayjay Allen
De Guzman, Bridget Ariza
AYUN! MAGKAKASAMA ULIT KAMI SA IISANG SECTION. Heto talaga ang legacy ng samahan naming tatlo eh. 'Yung pare-parehong nagsisimula sa letter D ang surname. Eh pag pinag-uupo kasi kami, mixed ang babae’t lalaki pero alternate naman ang upuan. Since lagi kaming magkakasama lagi sa iisang section, sila talaga ang lagi kong nakakasama. So sa kanila talaga ako mas naging malapit.
Naghigh five kaming apat, “Good job, guys!”
“Hahaha. Grabe! Naeexcite ako.” Sabi ni Luce.
“Ako rin! Hihi.” Pagsangayon naman ni Cayden.
“Hahaha! Mga loko talaga. Parang bago pa para sa inyo ang gan’tong mga pangyayari ah? Haha.” Sabi naman ni Drew.
“Mga pakunwari ang mga 'yan eh. Haha. Tignan mo nga diyan Drew kung sino ang mga transferees.”
Lumapit muli si Drew sa listahan dun sa section namin, habang ang dalawa naman ay abala sa pagtingin ng mga pangalan ng estudiyante sa mga kabi-kabilang sections.
“Heto sa babae… Rhea dela Costa, Sheena Ignacio, at… Janet Cenido. 'Yun lang. Heto naman ang sa mga lalaki… Hmm. Marshall Ray Jr., Russell Blanco, at… Luke Reid Dean. Astig ang pangalan nung Dean 'no? Three syllables lang talaga kapag binasa. Haha!” Puna ni Drew kaya naman sinubukan kong bilangin ang sinasabi niyang tatlong syllables nung LUKE REID DEAN... Oo nga 'no?
“Ano ba naman Drew, pati ba naman 'yun napansin mo! Haha.” Sabi ko.
“Medyo pumukaw ng pansin ko eh. Hoy mga tukmol! Tara na, balik na tayo sa court.”
Walang anu ano’y tumahak na kami pabalik sa court. Ang dami talagang mga estudiyante. Ano bang mayroon? Ngayon na rin ba ang program? Tsk.
“Siz! Ano raw pangalan niya!?”
“Narinig ko NIN ang apelyido eh. Ang dami kasing nakikisiksik kanina kaya hindi ko narinig ang buong pangalan niya talaga! Nakakainis nga eh!”
“May nahanap ka bang NIN sa lists?!”
“Wala nga eh!”
“Mga tanga! Dean daw, Dean! Section III-A siya. Tsk! Sayang, hindi pa natin siya kaklase. Grabe! Ang pogi pogi niya! Hay nako.”
“Ay. Third year pa lang pala 'yun?”
'Yun ba ang iniingay ng mga babaeng ito? Parang kanina, sila lang ang bumubulong ng kung anu ano sa 'min eh. Tapos ngayon, 'yung Dean naman daw…
Teka, 'yun 'yung isa sa mga sinabing pangalan ni Drew ah. Ah oo nga pala, kaklase raw pala namin 'yan.