CHAPTER 14.5 Bridget’s POV Natapos na rin sila sa pagcacampaign. Siyempre, back to normal. Edi discuss-discuss na naman dito. Ano ba ‘yan. Sadyang napakabooooring. Wala man lang ako ni isang katabi dito. Tawagin ko nga sila Luce at Cayden… “Sheena, patawag nga sila Luce at Cayden.” Utos ko sa kaklase kong nasa harap ko ngayon. “Psst! Luce! Cayden!” Pabulong na sigaw ni Sheena. “Pssst! Huy! Luuuce! Cayden!” “Jewel, patawag nga sila Luce at Cayden.” Sabi niya sa kaklase naming nasa unahan naman niya. Sa pinakaunahan na kasi talaga sila Luce at Cayden umupo. ‘Di na nga nag-abalang palitan pa ito ng adviser namin. Basta, kung ano na raw ang inupuan namin, ay dun na kami magpakailanman! Para naman daw medyo kakaiba. Balik tayo, medyo natawa naman ako dito kay Sheena. ‘Di na kasi siya nak

