CHAPTER 15 Bridget’s POV “Magii-stay kayo diyan for three hours… Ayan ha, 'di na namin sinagad sa four hours dahil ang remaining one hour ninyo ay para kahit papa’no ay maka-attend kayo sa last subject ninyo. We confiscated your phones and your other gadgets. Magbasa, matulog at magkuwentuhan lang ang maaari niyong gawin dito. Hindi rin kayo puwedeng kumain. Nakikita niyo naman ang sign dito na NO FOOD ALLOWED INSIDE dito. 'Wag na lang sana sumama ang loob niyo sa akin, cause I’m just doing my job---“ “Oo na. Lumabas ka na lang. Ang dami mo pang sinasabi. Alam na namin 'yan,” Sabi ni Luke habang nakasandal ito sa puting pader, “Kabisado ko na ang rules dito sa loob.” Dagdag pa nito. “Aminado ka Mr. Luke---“ “Leave. Sumasakit lang ang ulo ko sa kakadada mo diyan. 'Pag ako nagkasakit di

