[Athena's POV] After 1 year. May lalaking naglalakad papunta sa akin ngayon. Papalapit siya at tinatawag ang aking pangalan. Sino kaya ito? Wala siyang mukha. Teka nasaan ako? Bakit puro bulaklak na paborito ko ang nandito sa paligid ko? Ito na ba ang tinatawag nilang paraiso? Patay na ba ako? "Nagustuhan mo ba, love?" sabi ng tinig na papalapit sa akin Si Simon ba yun? Siya lang naman ang tumatawag sa akin na love. Is he back from the dead? This can't be. Isang taon na noong namatay siya diba? Wag mo sabihing lahat nang yon ay loko lang at ngayon ay bumalik siya? Para saan? "Love? Simon? Ikaw ba yan?" sabi ko Sumagot ang lalaki na ngayon ay malinaw na ang mukha, si Simon nga. Matagal tagal ko na rin hindi nakita ang maamo niyang mukha. Dali dali akong pumunta kung saan siya nandun
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


