bc

Simon's Cry

book_age16+
526
FOLLOW
2.6K
READ
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
like
intro-logo
Blurb

Simon and Athena is a couple who really loves each other. After a month, a tragedy happened. What will Athena do?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
[Athena's POV] "Ano ate? Pupunta ka ba sa debut ko? Magtatampo ako sa'yo kapag hindi ka pumunta sa birthday ko." sabi ni Jade sa akin habang nakasimangot. "Na-aaning ka na ba Jade? Malamang pupunta ako sa birthday mo! Ate mo kaya ako!" "Bakit parehas ba tayo ng magulang? Kapatid kita? Kapatid ba kita ha?" pilosopong sagot niya. "Hindi pero parang ate mo na din ako, kaibigan ni Lolo ang lolo mo kaya panigurado ako, papayagan ako nila Mama dito sa bahay, pag hindi pa naman nila ako pinayagan eh." sagot ko "Athena ha! Tupadin mo yang pangako mo!" siraulo talaga 'tong si Jade Marielle, talagang Athena na lang ang tawag eh 20 years old na ako at mag 18 years old pa lang siya. "Oo naman po, gusto mo sarado pa gate sa debut mo andoon na agad ako para una akong bisita eh." "Wag ka naman OA ate Athena, syempre ang unang makakapunta doon ang event organizers, sila mag aayos ng venue eh." pilosopong sagot ni Jade sa akin ulit O edi wag kang pilosopo. Alam ko naman na sila mauuna doon, aba pag hindi sila na una doon wala kang party! "Oo nga naman, ate ipapakilala ko na yung boyfriend ko sayo ha. Yung lagi kong kinikwento, si Paolo? Tanda mo pa ba yun?" "Paano ko hindi makakalimutan pangalan noon? E halos kada punta mo dito sa bahay namin yun ang bukang bibig mo, kung hindi nga lang kita kaibigan sinabi ko na sayo na itigil mo na kakakwento, nakakasawa na kaya." sagot ko "Ay, lagi ko ba nakekwento? Wala eh, mahal ko eh, palibhasa ikaw kasi single ka kaya hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko. Bakit kasi hindi ka pa magmahal ulit? Ang tagal na nung huli mong relationship ah." "Aba talagang kailangan mo ipamukha na single ako? Talaga lang Marielle?" "Wala akong panahon sa mga ganyan, , ang mahalaga sa akin ngayon eh yung thesis ko. Masarap mag aral kesa magmahal. Kaya tigilan mo ako sa ganyan ganyan mo." matapang na sagot ko sakanya "Sus, siguro hindi ka pa nakaka move on doon sa ex mong tukmol ano? Mahal mo pa din ba yun? Bestfriend mo na ipinalit sayo pero pinapapunta mo pa rin yun dito sa bahay mo. Bilib din ako sa'yo eh, kung ako yun hindi ko na siya tatanggapin pa, tapos pagsasabunutan ko siya nang walang humpay, tapos papabukahin ko at bubunutin ko ang bawat hibla ng bulbol niya para maramdaman niya gaano kasakit yung ginawa niya sa bestfriend niya." "Bawat hibla talaga Jade?" "Hindi pa kita kilala, kaibigan ko na yon. Nagmahal lang bestfriend ko, nagkataon lang ang minahal niya, yung mahal ko. Hindi ko naman pwede itapon ang pagkakaibigan namin dahil lang sa ginawa niya, siguro kung gagawin niya ulit, doon na ako aalma." "Ah basta, ayoko sa kanya. Hindi niya deserve maging kaibigan mo. Pag nakita ko talaga yun, sasabunutan ko yun para sayo eh." "Hayaan mo, mamaya maya pupunta yun dito, sana mag abot kayo para magkaalamanan na kung sino mas matibay." "Nakakainis ka naman eh, gusto mo talaga masabunutan ako noon? Paano na ako sa debut ko niyan? Baka i-break na ako ni Paolo pag nakita niya akong kalbo." "Isa lang ang ibig kong sabihin, hayaan mo na si Daniela sa ginawa niya sa akin, patawarin mo na lang siya tulad nang pagpapatawad ko sakanya." "Ssshh, hindi ko talaga matatanggap kahit lumuhod pa siya sa harapan ko." "Bahala ka, desisyon mo yan eh." "Ano kaya kung sabihan ko si Paolo na magdala ng mga kaibigan niya? Para makapili ka. Sabihin ko yung matino, yung hindi ka lolokohin at yung tatanggapin ka kahit ano ka pa. Deserve mo kasi yung ganoon eh." "Tse, wag na. Nakakahiya, saka ayaw ko pa magkaroon ng boyfriend. Hindi pa ako handa, thesis muna ako ngayon diba?" "Ay basta sasabihan ko si Paolo, sasabihin ko yung gwapo na mabait pa para jackpot ka na." "Napatawa na lang ako sa mga kalokohan ng babaeng 'to eh. Kung ano ano trip eh." Biglang natigil ang pag uusap namin nang biglang bumukas yung pintuan ko, si Aling Myrna pala. Siguro may niluto nanaman siya na gusto niyang ipatikim sa akin. "Aling Myrna, bakit po? May merienda na po ba?" "Ay, wala pa. Niluluto ko pa, pumunta lang ako dito para sabihin na nasa baba si Daniela, hinihintay ka. May dalang mga paper bag, yung Forever 21 ba yun? Saka may dalang popcorn, pinapaluto nga sa akin, magmomovie marathon daw kayo." "Ah, sige po Aling Myrna, sabihin niyo po bababa na ako." Agad agad namang sinara ni Aling Myrna ang pintuan. "Speaking of the devil andyan talaga. Pinuntahan ka talaga niya. Tsss." sabi ni Jade habang nausok ang tenga "Sabi ko naman kasi sa'yo, darating yun ngayon eh. Nagpromise siya na dadaan siya eh." "Eh sige na ate Athena, uuwi na ako, ayoko na masilayan pa yang bruha mong "bestfriend", baka kung ano lang ang magawa ko riyan. Nag iinit talaga dugo ko riyan eh." "May nakakalimutan ka yatang ibigay sa akin Jade Marielle?" "Ah, muntik ko na makalimutan dahil sa devil mong kaibigan eh. Eto na yung invitation para sa debut ko next week, agahan mo ate ha, saka maghanda ka nang speech mo. Dapat mahaba at bongga ha, saka dapat positive lahat sasabihin mo." sabay tawa Loka loka talaga 'tong si Jade kahit kailan, akala mo naman may ilalagay akong negative thing about her eh halos sobrang buti niya sa akin, lagi siyang nakikinig sa bawat kwento ko, lalo na nung niloko ako ng ex ko at pinalit nga si Daniela sa akin. Sakanya ako umiyak noon kahit di pa nya ako naintindihan, pero masaya ako dahil naintindihan naman niya ako at nadamayaan niya ako noon. Mahal na mahal ko tong si Jade, feeling ko nga siya na yung pumalit kay Daniela sa puso ko, yun nga lang mas bata siya sa akin ng dalawang taon. "Sige na, umuwi ka na, baka umakyat na rito si Daniela, bahala ka baka makita mo pa yon, mainis ka pa." "Sige na nga, itext mo na lang ako kapag kailangan mo na ng resbak ha. Sasabunutan ko talaga yang Daniela na yan." "Sige, pero kaya ko naman si Daniela, pag nagkagulo alam mo naman na mananalo ako sakanya, mataba ako eh diba?" "Oo nga eh, baboy ka na nga." sabay tawa at aktong papalabas na sa kwarto ko "Haynako Jade Marielle, baka ikaw sabunutan ko dyan eh." Tumawa siya at lumabas na Hindi ko din alam bakit ko pa tinanggap si Daniela sa buhay ko, kung isiipin mo tama naman si Jade sa sinabi niya kanina, kaso gusto ko ikeep si Daniela eh, pero kapag ginawa pa niya ulit yun, hindi ko na siya tatanggapin pa. Nag ayos na ako at bumaba na para harapin si Daniela, kawawa naman kanina pa naghihintay si bruha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Reckless Hearts

read
256.6K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.4K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
237.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook