[Athena's POV]
"Uy ate, araw ko na ngayon! Yung long message mo ha, ihanda mo na, gusto ko na marinig yan. Saka nga pala, sabi sa akin ni Paolo, mag aaya daw siya ng mga kaibigan niya. Lahat naman daw mababait kaya ikaw na lang ang bahala kung sino ang pipiliin mo. Magpaganda ka, it is also your night!" text sa akin ni Jade
Ito talagang batang ito, tinotoo nga yung sinabi sa akin last week na ihahanap niya ako ng boyfriend. As if naman tatagal kami nung lalaking makikilala ko mamaya eh diba nga sabi nila wala naman daw forever?
Tumayo na ako at nag ayos ng mga sabon at tuwalya para ako ay makaligo na, bibili pa ako ng gown na isusuot ko mamaya para sa party ni Jade eh, tapos syempre magpapaparlor na lang ako kasi hindi naman ako marunong mag make up, at isa pa matanda na si Aling Myrna para maayusan pa niya ako. Baka imbes na maganda ang kalabasan eh baka maging sinauna akong tao.
Nagmadali na ako kasi 10am na, ilang oras pa ang pag aayos, eh 7pm ang start ng event, pero bago ako maligo nireplyan ko muna si Jade sa text niya..
"Ano Jade? Talagang tinutoo mo na yung paghahanap mo nang boyfriend para sa akin? Alam mo naman na ang inuuna ko muna ngayon ay yung thesis ko at hindi yang lovelife. Sige ka di na ako pupunta!"
Pumasok na ako sa CR habang natawa.
Paano nga kung may makilala nga ako yung taong mamahalin ko talaga? Paano kung time na nga para magmahal ako ulit? Pero paano din kung lokohin nanaman ako? Paano kung maagaw nanaman ni Daniela sa akin? Hay, hindi ko na alam kung ano pumapasok sa isipan ko, hindi ko din alam yung nararamdaman ko, halong kaba at pananabik, na baka mamaya makilala ko na nga siya.
Haynako, bahala ka na po Lord!
Pagkatapos ko maligo chineck ko agad ang phone ko para tingnan kung nagreply na ba si Jade.
"Baliw ka, magtatampo ako sayo kapag hindi ka nakapunta! Bahala ka, nasa byahe na sila ngayon papunta sa party kaya wala ka na magagawa. You'll meet them na talaga."
Natawa na lang ako at bumaba na papunta sa kotse ko..
"Mang Nick sa parlor nga po ni Mamshie Jarem." sabi ko sa driver ko
"Sige po Mam, papahintay po ba kayo o babalikan na lang po?"
"Pakibalikan na lang ako Mang Nick, medyo matatagalan ako eh. Saka dadaanan tayo after sa mall ha."
"Sige po Mam, kayo po ang bahala."
Pumunta na kami sa parlor at ayun, nakipagchikahan nanaman ako kay mamshie Jarem ko, medyo matagal na din nung huli kong punta dito sa parlor niya, maliit pa ito dati at medyo wala pang customer masyado pero ngayon may malaki nang espasyo at madami na din ang tao. Umaariba na si Madam!
"Gawin mo akong dyosa mamshie! Baka may mapili ako na lalaki doon sa pupuntahan ko na party mamaya eh. " sabi ko
"Ano yun blind dating neng??" sagot ni mamshie Jarem
"Hindi mamshie, debut kasi nung kaibigan ko mamaya, eh sabi niya nag invite daw siya ng mga lalaki para sa akin, pumili na lang daw ako. Ang tagal ko na daw kasing single."
"Haynako alam mo kung single nga lang ako sumama na ako sayo sa party, para dalawa tayong maghahanap ng jowa kaso mahal na mahal ko 'tong si Richard kaya hindi ko maiwan iwan." sabay halik sa boyfriend nya
"Ano ka ba mamshie? Wag kayo maghalikan sa harap ko, baka mabitter nanaman ako buti nga at makakahanap na yata ako ngayon eh."
"Can you feel na this is your night? Makikilala mo na ba talaga siya mamaya?" kinabahan ako sa tanong niya
"I can feel it mamshie, sana nga wagas na pag ibig na itong makakasama ko mamaya." confident kong sagot.
Habang naghihintay sa parlor, gumawa na ako ng long message para kay Jade na nilagay ko sa notes ng phone ko, mamaya makalimutan ko pa at baka magtampo pa yung si Jade. Baka hindi pa ako pakainin sa party niya.
"Jade, sobrang ganda mo tonight, you turned to a one fine lady already, hindi ka na baby, pero sana wag ka muna gumawa ng baby, mahirap na baka mamaya maging ninang agad ako, ayoko nga, wala pa akong trabaho para sa papasko para sa batang gagawin mo ng boyfriend mong si Paolo. Lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal ka ni ate, kahit ano man ang mangyari. Katulad mo, I also got your back no matter what. Ingat ka lang parati saka magpray ka lagi. Wag makakalimot sa Diyos na lumikha sa atin. If everything is not right, turn left, andun ako para gabayan ka. Lastly, mahalin mo ang pamilya mo dahil yan ang mga tao na hindi ka iiwan at sasaktan kahit ano pa man ang mangyari. Maswerte ka sa kanila. Alam ko, dahil kitang kita ko yun kapag kasama natin sila. Yun lang, I love you!"
Putakte yan, magkakauhog na ako sa sobrang saya. 18 years old na si Jade, hindi ko inakala na kaibigan ko pa rin siya hanggang ngayon. Ang isang tulad kasi ni Jade ay mahirap hanapin, kaya dapat pahalagahan at mahalin.
Di ko namalayan yung oras, 3pm na pala, kailangan ko na magmadali para makahabol pa ako sa mall at makabili ng gown, tutal masquerade ball naman ang theme nung party niya siguro ang magandang kulay ng gown ay black or red.
Agad agad kong tinext si Mang Nick para masundo na agad ako.
"Mang Nick, tapos na po ako magpa parlor, sunduin niyo na po ako at pumunta na tayo sa mall."
Tumayo na ako at nagbigay ng payment sa counter kung saan nakaupo si mamshie Jarem sakto naman na andoon na si Mang Nick para sunduin ako, kaya binuksan ko na ang pinto at palabas na sana sa parlor nang biglang..
"Keri mo yan girl, kabog lahat sila sayo!" sabi ni mamshie Jarem
Napatawa na lang ako habang nakatalikod.
Pagdating sa mall, agad kong tinanong ang saleslady kung meron ba sila na black or red na gown, nung una sabi nila out of stock pero gladly, nakahanap sila at iisa na lang na gown ito. Siguro ay para sa akin talaga to para bongga ako mamaya.
Pagkasukat ko nung gown, nakakita ako ng Pandora store malapit kung saan ko binili yung gown. Muntik ko na makalimutan na birthday pala itong pupuntahan ko, punyeta wala pala akong regalo kay Jade, kaya agad agad akong tumakbo kay Mang Nick para ibigay sakanya yung gown at sinabing pakitabi na ito sa kotse, sinabi ko din na hintayin niya ako dahil bibilhan ko muna si Jade ng regalo sa Pandora store.
Pagkabalik ko sa loob ng mall agad agad akong pumasok sa Pandora store, naisip ko na tutal blue naman ang favorite color ni Jade bakit hindi na lang yun ang kunin ko na charm para sa bracelet ni Jade. Kaya nung nakapili na ako..
Magugustuhan kaya ito ni Jade??
Nagbabayad na ako sa counter nang biglang may grupo ng mga lalaki, 4 sila. Sobrang ingay, at ang mga topic, ano pa nga ba edi syempre mga sexy na babae sa magazine na FHM tulad ni Kim Domingo, Sam Pinto at kung sino sino pa. Nakakaurat, bakit ganun na lang talaga ang mga lalaki ngayon, mga fuckboy na lang kung tawagin. Wala na bang matino? Palabas na ko ng store ng
Pandora ng bigla kong malaglag ang purse ko at sakto may dumating na lalaki, chinito, payat at cute ang height, tinulungan niya akong makuha ang purse ko..
"Ate, nalaglag mo." sabi niya
"Oo nga eh, careless ko kasi, pero salamat." sagot ko
Lalabas na ako pero bigla siyang nagsalita.
"Simon nga pala, and you are?"