[Simon's POV] Ano naman kaya nangyari doon? May nasabi ba akong hindi maganda? Dapat nga kinikilig pa siya eh, bakit ba ang hirap makuha ng tiwala niya? Gulong gulo na ako.. "Tita, tito, may mali po ba sa mga sinabi ko kay Athena? Bakit po ba ganun sya? Hirap na hirap po siya magtiwala sa akin, naguguluhan na po ako, kasi pinayagan niya nga ako manligaw sakanya pero ang hirap naman niya magbigay ng tiwala. Ano po ba ang nangyari sakanya ng ex niya?" "Mahirap magsalita iho, mas maganda kung si Athena na mismo ang magkwento sayo." "Naguguluhan na po kasi talaga ako tito, tita. Pakipaliwanag naman po sa akin.." "Mommy, ipaliwanag mo na. Maiintindihan naman siguro tayo ng anak natin kung sasabihin natin kay Simon bakit ganoon na lang siya kahirap magtiwala sa lalaki." "Pero daddy, mas ma

